Chapter 45 - Pregnant

1614 Words

Nagpapahinga kami ngayon ni Seb. Wala kaming work ngayong week. Napag-usapan ata ng parents namin na huwag muna kaming dalawa bigyan ng trabaho. "Mukhang matatagalan ang pagbalik ng dalawa. Baka tayong dalawa pa ang maunang bumalik pagkauwi nila Mom at Dad," natatawang sabi ko. Nasa labas kaming dalawa habang nakatanaw sa alon ng tubig sa dagat. Sobrang ganda ng panahon ngayon kaya ang sarap tumambay sa beach chair ngayon. "Baka nga mauna pa tayong umuwi nga. Nagsabi na si Mom na sa inyo kami tutuloy pagkauwi nila Tita. Ano ang plano mo pagkabalik ba?" ika ni Seb habang nakatingin sa kaniyang cellphone. "Plan ko sanang bumalik sa company, sa mismong office ko at doon na magtrabaho. Gusto ko na magkaroon ng normal na buhay. Nakakatamad na kung lagi lang tayo tago nang tago," sagot ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD