Nagising ako sa iyak ng isang babae. Pagmulat ko ng aking mga mata ay si Chantal at Mom niya ang bumungad sa akin. Nagtataka ako kung bakit umiiyak si Chantal. Hinanap ng aking mga mata si Cleyeol pero wala siya. Wala akong maintindihan sa nangyayari. Bigla kong naaalala ang mga pangyayari bago ako nawalan ng malay. "Bakit kayo umiiyak, Chantal? Seb?" naguhuluhamg tanong ko. "Kamusta ang baby ko?" Hindi sila makasagot. Pareho silang malungkot kaya parang may ideya na ako sa nangyayari. Pinipilit ko na huwag bumagsak ang aking mga luha hanggang walang nakasasagot sa aking mga tanong. "Please?" pakiusap ko. "Klej, Iha. Wala na ang baby mo," malungkot na sabi ni Tita Chanel. Unti-unting bumagsak ang mga luha ko habang nakatulala sa kanila. Hindi ko matanggap na kung kailan ko nalaman