Chapter 69 - Trevis

2442 Words

Tama ang aking hula, magigising ako nang maaga. 6am pa lang ay bumangon na ako para mag-ayos. Hindi kasi ako mapakali para sa lunch mamaya. Lumabas na ako at balak ko sanang tumulong sa pagluluto. Baka bongga din ang lunch na sinasabi nila. Alam ko naman na normal lang iyon sa mga mayayaman. "Gising ka na po pala, Ma'am Klej. Tulog pa po sila Madam at Sir," saad ng isang bodyguard. "Ayos lang po. Baka po makatulong ako sa paghahanda kapag maaga po akong nagising," nakangiti kong sabi. "Ano na po bang ginagawang preparasyon para sa tanghalian?" "Ay hindi ko po alam ang tungkol doon. Basta lang po ay may bisita po na darating. Hindi ko lang po alam kung sino po," sagot ng bodyguard. Tumango na lang ako. Ayoko naman na daldalin nang daldalin siya. Bumaba na lamang ako para tingnan an

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD