Makalipas ng tatlong araw namin dito s beach, nagdesisyon kami na babalik ba sa hotel. Namili muna kami sa souvenir store ng mga pwedeng pasalubong. Bumili lang ako ng mga cute na figurines pandagdag sa display ng aking kwarto. Binilhan ko rin ang aking mga magulang, pati na rin si Xinko at Keiza. "Ang dami mo namang pinamili, Chantal. Isang classroom ba ang pagbibigyan mo niyan?" biro ni Seb sa kaniya. Napatingin ako sa mga hawak ni Chantal. Ang dami niya ngang hawak na mga souvenirs. Akala mo naman ay hindi kami babalik dito. Medyo natatawa na naman ako sa kaniya. Kakaiba talaga ang pinsan ko na ito. "Marami kaming pinsan ni Klejerie e. Ako na ang bahala sa kanila. Isa pa, bibigyan ko rin ang mga malalapit na staff ng company sa akin," paliwanag ni Chantal. "Woah, Fairy!" asar