Chapter 5 (Pagpapanggap)

1798 Words
Pumitas ako ng isang bulaklak sa garden. Napansin ko na may flower vase sa aking kwarto pero wala namang nakalagay. Hindi ko sinasadyang mapalingon sa Mansion. Nakita ko si Cleyeol sa balcony, nakatingin sa akin. Binabantayan niya kaya ako? Iniisip niya na tatakas ako? May atraso ba ako sa kaniya na kailangan kong pagbayaran? Itinuon ko na lamang ang atensiyon ko sa iba. "Manang, hindi ba uso ang cellphone dito? Nakikita ko namang gumagamit sila Cleyeol. Wala ba ako noon?" tanong ko. "Iha, mahigpit na pinagbawal ang pag gamit mo noon, kahit ang manood ng TV ay hindi puwede. Pasensiya na, para sa iyo rin naman ang paghihigpit nila," sagot ni Manang, medyo malungkot ang tono. Tumango ako at ngumiti. Naiintindihan ko naman na sinusunod niya lamang ang kagustuhan ng mga iyon. Napagawi ulit ang tingin ko kay Cleyeol. Sinamaan ko siya nang tingin. Naiinis ako sa kaniya dahil sa paghihigpit sa akin. "Nakita ko iyon, Klej. Masama ba ang loob mo sa asawa mo?" tanong ni Manang. "Asawa po? Parang hindi naman po asawa ang turingan namin. Hindi ko alam kung bakit ganoon siya umasta sa akin. Kung masungit siya, magsusungit din ako. Hindi ko po kailangang habulin o magpapansin sa kaniya. Hindi ko lang po alam kung bakit ako ikinasal sa kaniya," saad ko. Sumulyap ulit ako kay Cleyeol. Hindi na niya ata inalis sa akin ang pagtitig niya. "Hayaan mo, babalik din alaala mo," pag-aalo ni Manang. Napatingin ako sa isang bantay na halos kasing edad lang namin ni Cleyeol. Naka-isip ako ng kalokohan para malaman kung ano ang magiging reaction ni Cleyeol. "Uhm, hello? I am Klejerie Flixira, you are?" tanong ko sa lalaki. Napatingin naman siya sa ibang kasamahan niya na halos dalawang metro ang layo sa kaniya. Parang nakaramdam siya ng hiya. "Nevermind," saad ko. Ngumiti ako sa kaniya para naman mabawasan ang kaba niya sa akin. Napansin kong namula ang kaniyang mukha. Tinalikuran ko siya at naglakad palayo. Bumalik na ako sa loob ng Mansion. Natawa naman ako nang naalala ko ang reaction ng bantay kanina. Napalingon ulit ako kay Cleyeol pero nakakunot ang noo niya. Bahala na siya sa buhay niya. Dumiretso lang ako nang paglalakad. Tinitigan ko naman ang bulaklak na hawak ko. Natutuwa ako sa mga pinitas ko. Maya-maya ay nakita ko na naman si Ploira. Umismid ako nang nilagpasan ko siya. Hindi ko talaga gusto ang taong ito. Hindi ko kailangang makipagplastikan sa kaniya. Tulad ng inaasahan ko, inirapan niya ako. Nakita ko naman na bumaba si Cleyeol sa hagdan. Sus, magsama kayo ni Ploira. Huwag kayong mag-alala, gagawa ako ng paraan para makaalis dito. Makikipaghiwalay ako, kasi ano pang sense ng kasal namin kung ganito kami? Hindi kami masaya at pinahihirapan lang namin ang isa't-isa. "Klejerie, kanina ka pa tinatawag ni Madam. Hindi mo naririnig?" maagap na tanong sa akin ni Manang. Pinigilan niya ako sa paglalakad at ninila ako papuntang kabilang direksyon. Sa sobrang dami kong iniisip, hindi ko na narinig ang pagtawag. Sinundan ko si Manang at sakto naman na nilagpasan lang namin si Ploira at Cleyeol. Hindi ako tumitingin sa kanila. "Pasensiya na po kung hindi ko po narinig ang tawag ninyo. Bakit po pala?" ika ko. Natutuwa naman ako dahil straight na akong magsalita. Siguro ay na-trauma lang ako nung una pagkatapos noong aksidente. "Your parents will see you tomorrow morning. I just want you to know, so be ready," anunsiyo ni Madam. Tumango ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nakaramdam ako ng excitement dahil baka iuwi na nila ako sa totoong bahay namin. "Thank you po," saad ko. Ngumiti naman ang mom ni Cleyeol sa akin pero tumalikod na rin at bumalik sa kanilang kwarto. Ang mahalaga ay nagiging maganda na ang pakikitungo nila sa akin. Pagbalik ko ay napansin ko na parang inaabangan ako ng dalawa. Lalagpasan ko sana sila pero biglang kinuha ni Ploira ang atensyon ko. "Hey, hey!! Anong sabi ni Tita?" tanong ni Ploira. Tiningnan ko silang dalawa sabay ngiti kaya napataas ang kilay ni Ploira. "It's for you to find out," pang-aasar ko sa kaniya, sabay ngiti ulit. Dire-diretso na ang lakad ko. Kung gusto nila akong inisin, iinisin ko rin sila. Sa kanila ko rin naman natututunan ang mga ganitong ugali. Napalingon ako kay Manang. Nakangiti siya sa akin. Napaka-supportive niya talaga "Nakakatuwa ang pakikitungo mo sa kanila. Nagbabago ka na ulit at nagiging palaban. Iyan nga dapat ang gawin mo para hindi ka parati inaapi," saad ni Manang. "Hindi naman ako magpapaapi, Manang. Alam ko kung saan po ako lulugar," sagot ko. "Iyan ang gusto ko sa iyo noon pa man, palaban at walang kinakatakutan. Hindi ka pa rin nagbabago. Makulit ka rin naman kung minsan," ika pa ni Manang. Nagkakaroon na ako ng idea kung ano ang ugali ko noon. Naniniwala pa rin ako na mabait ako. "Makulit po ako?" tanong ko. Tumango naman si Manang at tumawa. I can't imagine myself being like that. "Manang, gusto ko na po makipaghiwalay kay Cleyeol. Seryoso na po ako," pag-amin ko. Nanlaki ang kaniyang mga mata. Napahawak siya sa aking balikat dahil na rin sa gulat. Pilit pa rin akong ngumiti sa kaniya. "Iha, maghunos dili ka. Hindi madali ang gagawin mo dahil tiyak na hindi papayag ang asawa mo. Masisira ang imahe niya at ng buong Lixzin Family kung siya ay hiwalay sa asawa. Hindi papayag si Cleyeol, sigurado ako," sambit ni Manang. "E pano po iyon? Hindi naman po namin mahal ang isa't-isa. Ayoko naman pong makulong sa isang relasyong tila pilit lamang. Hindi rin naman po maganda ang pakikitungo niya sa akin. Magmumukha lang akong naghahabol kung ako ang unang magiging sweet sa kaniya. Hindi ko po ma-imagine ang sarili ko na binababa ang sarili para lamang sa kaniya na walang pagmamahal sa akin," ika ko. Napahina ang boses ko sa huli kong sinabi. Alam kong malulungkot lamang si Manang sa aking desisyon. Wala na akong nakikitang pag-asa na magkaka-ayos pa kaming muli ni Cleyeol. Nakakasawa na talaga ang ganitong sitwasyon. "Pero siguro kung ayos po ang pakikitungo niya sa akin nang nagising ako, baka okay po sana kami. Kaso hindi, parang lagi niyang pinaparamdam na isa akong mali sa buhay niya," dagdag ko pa. "Basta ay huwag na huwag ka munang magdedesisyon ng ganiyan hanggang hindi pa nabalik ang alaala mo. Kapag bumalik na, kung ano man ang desisyon mo, susuportahan kita. Pero sa ngayon, huwag mo munang isipin iyan," payo ni Manang. Tumango naman ako. May point naman siya. Baka may mali lang talaga akong nagawa kaya galit sa akin si Cleyeol. Mag so-sorry ba ako sa kaniya? Napaisip naman ako. Kung sabihin ko iyon, magbago kaya ang pakikitungo niya sa akin? Wala naman sigurong masamang mag-sorry? Subukan ko na rin siguro para wala rin akong pagsisihan. Naglakas loob akong lumabas para hanapin siya. "Did you see Cleyeol?" tanong ko sa isang bantay. Umiling lamang siya kaya naglakad na lamang ulit ako. Nag-ikot-ikot ako. Wala akong pakialam sa sunod nang sunod na tingin ng mga bantay. Sanay na ako. Napansin ko naman ang bantay na kinausap ko kanina. Agad itong nag-iwas ng tingin sa akin. Weird. Siya lang ang hindi tumitingin sa akin. "Did you see Cleyeol?" tanong ko ulit. Napansin ko naman na parang pinagpapawisan siya at takot na mapalapit sa akin. Umiling lang siya. "Why?" Tindig ang balahibo ko nang marinig ko ang boses ni Cleyeol kaya napalingon agad ako sa kaniya. "Let's talk, Cleyeol," ika ko. Hindi siya kumibo. Naglakad naman ako palayo at pumunta sa art room. Ngumiti naman ako nang naramdamam kong sumusunod siya. Bigla kong naalala ang sinabi ni manang na magpanggap na hindi ko alam na asawa niya ako. Bigla akong kinabahan. Paano ba ako makikitungo sa kaniya? Bigla naman akong nahiya. Kokomprontahin ko sana siya tungkol sa amin. Paano na ngayon? "Anong gusto mong pag-usapan?" tanong niya. Tumikhim naman ako. Nakaisip na ako. Humarap ako sa kaniya para kunwari ay serysoso talaga ako. "Sino ako? At ano ang role ko sa Mansion na ito? Bakit ganito ang pakikitungo ninyo sa akin?" sunud-sunod na tanong ko. Kumunot ang noo niya. Hinintay ko siyang magsalita ngunit ilang minuto na ang nakalipas, seryoso lamang siyang nakatingin sa akin. Nagtititigan lang kami. Napangiwi ako dahil parang wala siyang balak sagutin ang tanong ko. "Bakit feeling ko ay isa akong malaking pabigat sa buhay ninyo? Bakit ayaw ninyo akong palabasin?" saad ko. Mariin siyang pumikit. Parang naiinis na sa mga tanong ko. Matapang ko siyang tinitigan. "To make sure that you are safe," simpleng sagot niya. "I can handle myself. At bakit hindi ako ligtas sa labas? May nagbabanta ba sa buhay ko?" tanong ko. Bahala siyang ma-stress sa tanong ko. Hindi niya pa nga sinasagot nang maayos ang ilan kong mga tanong. Tumango lang siya. "Kung ganoon, sino ang gustong manakit sa akin? Anong atraso ko sa kanila?" tanong ko pa. "Too many questions. I will not entertain those kind of questions. You need to rest," mariin niyang sabi. "Kung ayaw mo ng ganoong tanong, eto na lamang ang sagutin mo. Bakit ganiyan ang pakikitungo mo sa akin? We have the same surname so I believe that I belong to this family. Am I your sister?" pasimpleng tanong ko pa sa kaniya. Ginulo niya ang buhok niya. Sobrang naiinis na siguro sa akin. Napatitig naman ako sa kaniyang mukha. Sobrang perfect ng itsura niya. Sobrang gwapo pala niya kapag tinitigan mong mabuti ang kaniyang mukha. Ngayon ko lang na-appreciate ang itsura niya. Aminado akong siya ang pinakagwapong nakita ko rito. Napabalik ako sa realidad nang bigla siyang tumikhim. Napansin niya bang napatitig ako sa kaniya? "It's for you to find out," saad niya, sabay ngisi. Ngayon ko lang nakita ang ngiti niya pero may halong pang-aasar dahil ginaya niya lang ang sinabi ko kanina. Tumalikod siya para umalis. Nag-panic naman ako dahil hindi ko pa nasasabi ang pakay ko. "Wait, wait!" Hindi ko sinasadyang hilahin siya. Nagulat siya sa ginawa ko. Tinaas niya ang isang kilay niya at tuluyang hinarap ako. "What?" iritang tanong niya. "Gusto ko lang humingi ng sorry kung may nagawa man akong kasalanan bago ako maaksidente. Iniisip ko na siguro ay hindi naman ganito ang pakikitungo mo sa akin dati. Kung ano man iyon o mayroon man, sana ay mapatawad mo ako. Gustong-gusto ko nang bumalik ang alaala ko dahil sobrang naguguluhan na ako sa mga nangyayari," sincere na sabi ko. Bigla naman akong nalungkot dahil parang lalo ata siyang nagalit sa sinabi ko. Hindi siya nagsalita kaya parang pakiramdam ko ay may mali nga akong nagawa dati. Tinalikuran niya ulit ako at naglakad na paalis. "Sino ka sa buhay ko?" tanong ko. Bago siya tuluyang makalabas ay pasigaw akong nagtanong. Kinakabahan ako sa isasagot niya. Ide-deny niya kaya? Hindi siya humarap sa akin pero tumigil siya sa paglalakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD