Chapter 4 (His Wife)

1271 Words
"Paano mo nalaman ang pangalan ng asawa ni Cleyeol?" tanong ni Manang. "Hmm. May dumating po kasing babae kanina. Nabanggit niya po ang pangalan. Hindi ko naman po sinasadyang marinig. Basta parang galit si Cleyeol matapos banggitin ng babae na buhay pa raw po ang malanding asawa nito," sagot ko. Lumapit sa akin si manang at hinawakan ang aking kamay. Tanong niya, "Alam ba nilang naroon ka?" "Hindi po alam ng babae, pero si Cleyeol, sure po akong nakita niya ako. Parang ang lakas po ng pakiramdam niya," sagot ko. "Siguro nga ay nakita ka na niya noong pagkapasok pa lamang niya. Hindi ka na inistorbo sa pagtulog mo. Natakot ka ba?" saad ni Manang. Tumango ako dahil natakot naman talaga ako. "Hindi ko po inakala na ganoon pala magalit si Cleyeol. Alam kong may mas titindi pa dahil sa sungit niya," biro ko. "Iha, may gusto akong aminin sa iyo pero 'wag mong sasabihing sinabi ko ito sa iyo. At huwag mo ring ipapaalam na alam mo na ang tungkol dito," pakiusap ni Manang. Nakaramdam ako ng kakaibang kaba. Tungkol ba ito sa pagkatao ko? "Si Cleyeol Flein Lixzin---" bumuntong hininga si Manang at hindi agad tinapos ang sasabihin. "Siya ang asawa mo." Halos maduwal ako sa kinakain kong ubas. Tinuro ko ang aking sarili para ikumpirma na ako nga ang tinutukoy ni Manang na asawa ng lalaking iyon. "A-asawa ko po?" hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango siya na parang natatawa sa aking reaksyon. "Malandi po ako? Totoo po ba iyon?" malungkot na tanong ko. Lalo akong kinabahan. Kaya ba ganoon ang asta ng babae kanina? Kung ako ang asawa ni Cleyeol, e 'di nakumpirma niya na buhay nga ako? "Hindi, Iha. Ang babaeng iyon siguro ay si Ploira. Kararating niya lang galing ibang bansa," saad ni Manang. Lumapit sa akin si Manang at pumwesto na parang may ibubulong. "Patay na patay kay Cleyeol ang babaeng iyon kaya malaki ang inggit sa iyo," bulong ni Manang. Nagkibit-balikat lang ako, sabay natawa na lang din dahil sa tawa ni Manang. "Don't worry, Manang. Magpapanggap po akong hindi ko alam. Pero bakit hindi nila sinasabi sa akin? Kaya ba ganoon po ang pakikitungo sa akin ni Madam at Sir? Si Cleyeol ang anak nila? Bakit kami kinasal kung hindi naman namin mahal ang isa't-isa?" ika ko. Naramdaman ko ang pagbabago ng reaksyon ni Manang. Naging malungkot ang kaniyang mga mata. "Mahabang kwento, Iha. Malalaman mo iyan kapag bumalik ba ang mga alaala mo. Wala ako sa lugar para ikuwento ang lahat. Sa ngayon, iyan lang ang kaya kong sabihin sa iyo. At oo, anak ni Madam at Sir si Cleyeol. Ang mga magulang mo naman ay nasa ibang bansa pa. Maraming inaasikaso pero huwag kang mag-alala, makikita mo rin sila," saad ni Manang. Tumango naman ako at ngumiti. Siguro ay fixed marriage lang kami kaya ganito ang sitwasyon namin. Mayaman ba ako? Hindi naman siguro ako ipakakasal sa isang mayamang lalaki kung mahirap ako? Natawa naman ako sa mga iniisip ko. Tinuloy ko na lamang ang pagkain ko tutal pakiramdam nila ay namayat ako. Kinabukasan ay naisipan ko tuloy lumabas dahil sa nakita kong tanawin kahapon. Hindi ko namalayan ang pagpunta rito noong galing akong hospital dahil nawalan din ako ng malay. Mabuti na lamang at may doctor kaming kasama. Nakasuot ako ng pink dress at puting sandals. Wala man lang mga pantalon o ibang kasuotan. Panay dress ang nasa aking kwarto. Siguro ay kailangan din nilang maghigpit sa suot ko dahil mayaman sila. Hindi ko naman kailangang mag-heels dahil matangkad na ako. Mas matangkad pa ako kaysa kay Madam. Binilisan ko ang lakad papunta sa main door. Kumunot ang mga noo ng mga nagbabantay. Inosente akong napatingin sa kanila. Bakit? May problema ba? Hindi ko na lamang sila pinansin at nagdiretso patungo sa malaking pintuan. Agad nila akong hinarang sa pintuan. Dahil malaki ang main door, marami silang humarang sa akin. Napataas ang kilay ko. Bakit naman nila iyon gagawin sa akin? Bawal ba akong lumabas? "Lalabas po ako. Bakit niyo ako hinaharangan?" pagtataray ko sa kanila. "Mahigpit na pinagbabawal na palabasin ka, Ma'am. Bumalik na lamang po kayo sa inyong kuwarto," saad ng isang bantay. Pinilit kong itulak sila para makalabas ako kaso masyado silang desidido na hindi ako palabasin. "Bakit naman po?" tanong ko. Nagtinginan ang mga bantay sa isa't-isa. Parang may tinatagong lihim na hindi ko maintindihan. "O siya, hindi na ako lalabas. Bawal pala e," biro ko. Nagkibit-balikat ako at tinaas ang kanang kamay para sabihing suko na ako sa kanila. Nagsibalikan sila sa kanilang puwesto at hindi na tumingin sa akin. Pagkakataon ko na ito. Ngumiti naman ako sabay takbo palabas. Nag-panic naman sila. Nakatingin ako sa kanila habang tumatakbo. Nang napatingin ako sa unahan ay napansin ko si Cleyeol na nakatayo at parang galit na nakatingin sa akin. Napatigil tuloy ako sa pagtakbo, ganoon din ang mga bantay. Para naman akong binuhusan ng suka sa sobrang putla ko. Ano kaya ang iniisip niya? Na tatakas ako? Gusto ko lang namang gumala. Humakbang siya. Tumabi ako sa daanan dahil sa inaakala kong lalagpasan niya lamang ako. Nagkamali ako dahil hinila niya ako papasok ng Mansion. Ramdam ko ang higpit nang pagkakawak niya sa akin. Napadaing naman ako. Napansin ko ang nagngangalang Ploira na sinasabi ni Manang, nakatayo sa gilid at pinapanood kami. Nakangiti siya na parang gustong-gusto ang nangyayari. Gusto kong umiyak pero pinili kong maging matapang. Padabog niyang binitawan ang braso ko. Masama siyang nakatingin sa akin. "Where are you going?" pasigaw na tanong ni Cleyeol. Napapikit ako sa lakas ng boses niya. Bigla akong natakot. Nawala ang pagtatapang ko, tila isa akong batang pinapagalitan. "Gusto ko lang naman makita ang labas. Natuwa lang naman ako sa view sa art room kahapon kaya naisip kong lumabas, para na rin makakita ng mas maganda pang lugar. Sorry kung may nagawa akong mali," malungkot kong paliwanag. Lumingon ako sa kaniya. Medyo nawala ang galit niyang itsura kanina. Normal na masungit na lamang ulit ang kaniyang itsura ngayon. "Manang, go with her. Sa likod kayo dumaan. Sa garden mo po ipasyal. Make sure na may iba pa pong nagbabantay," kalmadong sabi niya. Napangiti ako dahil sa makalalabas na ako, ngunit napawi iyon nang tumingin si Cleyeol sa akin nang seryoso. Ang mga bantay naman ay nakahinga nang maluwag dahil hindi sila pinagalitan dahil muntik na akong makatakas. "Maglaan ng sampung bantay para kay Madam," utos ng isang bantay na parang may pinakamataas na posisyon. Hinayaan ako ni Manang na makagala sa garden. Masaya naman ako kahit papaano. Maganda lang talaga na nakalalanghap ako ng sariwang hangin. Napansin ko naman ang bugnot at galit na mukha ni Ploira. Kanina ay nakangiti siya, ngayon ay galit na? Ganoon na ba niya ako kinaiinisan? "Kinabahan ako sayo kanina, Iha. Bakit ba kasi bigla kang lumalabas? Mapapahamak ang mga bantay mo niyan," ika ni Manang. "Manang, ganiyan po ba si Cleyeol sa ibang tao? Parang laging galit?" tanong ko. "Mula pa ata noong pinanganak iyan, masungit na. Pero simula noong nangyari sa iyong aksidente, nagbago ang ugali niya. Parang lagi na lamang siyang galit. Hindi rin naman ganiyang ang pakikitungo niya sa iyo," paliwanag ni Manang. Tumango na lamang ako. Kahit anong gawin niyang kuwento ay walang bumabalik na alaala sa akin. Namangha ako sa itsura ng garden ng Mansion pero deep inside, hindi ko ma-appreciate. Para na rin akong nakakulong dito. Sobrang bothered ako kay Cleyeol. Bakit siya galit sa akin? Ano bang nangyari nang maaksidente ako? May ginawa ba akong mali? Bakit ka ba laging galit sa akin, Cleyeol? Malungkot akong tumingin sa langit. Lagi na lamang ba kaming ganito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD