bestie love

1054 Words
"Good morning." She smiled seeing Kyle preparing breakfast for everyone. "Alam mo, maswerte ang magiging asawa mo.. kung mag aasawa ka?." Napalingon sa kaniya ang binata, hindi na ito nagulat sa kaniya. Sa halip ay itinuring lang siya nitong parang hangin. "Pwede ba please? Kahit ngayon lang wag mo muna akong istorbohin?." "Hindi naman kita iniistorbo." Kumuha siya ng baso para magtimpla ng kape. "Mag aalmusal po kaya ako." Ngisi niya rito. Tuloy padin sa pagluluto ang binata, kunwari walang naririnig o nakikita. "Good morning bal!." Ngiti ni Marga. Na biglang napawi nang makita niyang nakaupo sa kusina si Shin habang hinahalo ang kape. "Hi Marga, kape tayo?.." Walang makakasira ng napakaganda kong mood. She took her phone out and took selfies. "Hindi ka ba nahihiyang mag selfie kahit may tao kang kasama rito?." Umupo si Marga habang naghahalo naman ng gatas na tinimpla nito. "Oh? May kape pa dun? Baka hindi mo lang nakita.. nasa color~ "Hindi ako nag mahilig mag kape." Problema nito? Bakit parang may period. "Kamusta kana pala? yung sugat mo? Bakit ka ba kasi lumangoy ng madaling araw? Tapos ganun pa ang suot mo?." "May problema sa suot ko?." "Oo, masyado kasing daring.. hindi kaba nahihiya may kasama tayong matatanda." "Sa pagkakaalam ko mas nakakahiya kung ang kasama natin eh mga bata?." "Baka naman talaga sinasadya mong malunod kagabi? Para iligtas ka ni Kyle? Halata namang may gusto ko sa kaniya?." Tignan mo tong rabbit na to, ang aga-aga sinisira ang mood ko. "Hindi noh.. " matipid niyang sagot. "Kyle..yung sinabi ko sayo kagabi, lahat yun totoo, at pursigido talaga ako." Wala pading kibo ang lalaki habang nag p-prito ng bacon She opened her messenger. She looked for Megan Jana and chat her. Shin:Bestie are you awake? MeganJana: yeah bestie, I'm brushing my teeth right now. Shin: can you come here after brushing your teeth? I'm at the kitchen. MeganJana: I'm afraid I can't bestie. Shin:susungalngalin kita ng toothbrush mo kapag di ka pumunta dito?? MeganJana: coming bestie! Natatawa siya sa sagot ni Megan, alam niya namang tinatamad lang yun bumangon at sigurado ng hindi pa naman talaga yun nag totoothbrush dahil malamang nag seselfie Muna. Kukusot kusot pa ng mata si Megan nang dumating ito sa kusina, nakasuot pa siya ng pantulog niyang si sponge Bob. "Mag coffee ka na muna. I'll make you some." Tumayo si Shin tyaka kumuha ng baso sa Tabi ni Kyle. Sandali niyang tinitigan ito at nang lumingon sa kaniya, agad niya tong kinindatan. Nagdabog namang bigla si Marga kaya nagulat si Megan dahil pipikit pikit siya. "What the!?!." Naglakihan ang magagandang mata niya dahil sa gulat at inis. Lumapit naman agad si Shin habang dala ang kape. "Anong problema?." Tanong nito hanggang sa kinuha ni Megan ang kape ni Shin na nakapatong sa mesa at ibinuhos Kay Marga. "No!." Its to late for Shin to stop her , dahil nagsisigaw na ito sa init. Agad naman na lumapit si Kyle para tulungan si Marga. Bigla tuloy silang nakauwi ng mas maaga. "Hindi ka na namin sisermunan megan dahil alam ko naman na napagsabihan ka na ng daddy mo, pero anak alam ko naman na alam mo sa sarili mong mali ang ginawa mo." "I'm sorry po talaga lola.. bagong gising po kasi ako talagang masama po akong biruin sorry po.." she was crying while Shin is trying to comfort her. "Tumahan kana.. alam ko namang hindi mo talaga balak gawin yun.." "Mabuti nalang at mabait si father Gomez , nakakahiya sa kanila na binuhusan mo ng kape yung bisita nila. Kahit pa hindi na masiyadong mainit yun? Anong sabi ng daddy mo sa yo?." Tanong ng lolo ni Shin. "Like what he always say po lolo.. like, he's disappointed in me.. that he's tired of me.." wiping her tears. ... Malungkot padin si Megan nang makarating sila sa bahay nila sa Barrio. Nagkukulong lang siya sa kwarto at kapag naman kakain na dun lang siya lumalabas ng kwarto. Ngayon katatapos lang ng favorite nilang drama sa hapon kaya babalik uli si Megan sa kwarto. Ibang klase tong si Bestie, pagkatapos ng ika-anim na utos mag mu mukmok uli.? Sinundan niya Ito sa kwarto ng palihim at nakita niya tong nakaupo sa lapag nakasandal sa kama habang nakatalikod. Anong ginagawa niya dun? Lumapit siya sa bestie niya nang dahan. "Aha!." Kagat kagat pa nito ang isang piraso ng malaking nachos sa bibig niya. "Bestie." Sambit niya. "Kaya pala nagkukulong ka , hahaha, tinataguan mo ko nito!." Inagaw niya ang malaking balot ng nachos. "San ka nakabili nito?." "Hindi kita tinataguan, nag rerelease lang ako ng stress dito.." she pouted. "Bakit ba kasi sobrang stressed ka diyan ha?." Naupo siyang nakikain na din sa kaibigan. "Kasi nakukonsensya ako.. pinag sosorry ako ni father Kay Marga pero hindi ko talaga kayang mag sorry sa kaniya bestie.." "Hayaan mo na, wag mo nang isipin yun.. ang isipin mo nalang.. tapos na yun? Alam naman naming lahat na talagang medyo mainitin ang ulo mo kapag ginugulat ka sa umaga.." she smiled and hugged Megan. "Hayy .. ang bestie ko talaga, ang cute cute.. kahit may sungay..." Hinahaplos niya pa ang buhok ni Megan habang nakasandal ang ulo nito sa dibdib niya. "Oh sige." Poked poked ".Oh my gosh, ah!." Nashocked siya sa pag poke nito sa dibdib niya. "Bestie.. pano ba magkaron niyan? Para tignan ni gelo yung akin.? " Poked poked "Hindi ko din alam bestie, kung alam ko lang talaga ishshare ko sayo.." she hugged her again and Megan hugged her back. "Dahil ang bait mo sakin ngayon.. mag I shshare din ako sayo.." Megan is now smiling like a pervret. Her brows are arching up down up down. "Para kang tanga bestie ! Ano ba yun ha?." "Close your eyes muna..." "Ayoko ano ba kasi yun.." "Hindi ko ipapakita sayo pag di mo isinara yung mata mo bestie, close it first. Yan takpan mo pa ng kamay mo.. wag Kang madaya." Sinunod niya naman ang kaibigan para nga naman ma surprise talaga siya. "Heto na bestie in one.. two ... Three .. chadaann!.." "Oh my god!!! ." She was shocked and at the same time she's very very very as in verrrrry much happy. Halos lamutakin niya ng halik ang pagmumukha ni Megan. "Bestie iyyyww laway mo nga! Yuck!." Tbc. Ano kayang nakita niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD