Mouth to Mouth

1723 Words
"Kyle?!." Tawag ni Marga sa lalaki nang makita niya tong nakaupo lang at Hindi sumasali sa mga kaibigan niyang mag swimming. "Bakit di ka sumama samin? Tara na? Masarap maligo sa dagat ang lamig ng tubig oh." Umiling lang siya. May malaki siyang trauma sa tubig dagat lalu na pag gabi. Minsan na kasi siyang muntik mawalan ng buhay nuon dahil sa dagat. Wala siyang ibang matandaan kungdi ang nanay niyang gusto siyang lunurin ng gabing iyon. Ipinilig niya ang ulo niya. "Masama ang pakiramdam ko.." "Uh.. okay.. sige, gusto mo ba ng gamot?." Umiling si Kyle. "No.. salamat.." he smiled. "Kyle..." Muntik pa siyang mapatalon kahit nakaupo siya ng marinig niya si Shin. Tumatawa ito habang naka tayo sa likod niya. "Hahaha. Kilala mo na talaga ang boses ko ah.." she sit beside him. "You don't want to swim?." Hindi siya pinansin ng lalaki. "Type mo ba si Marga.?." Napalingon sa kaniya ang binata. "Anong pinagsasabi mo diyan?." "Sabihin mo lang? Type mo ba?." "Magpapari nga ako, wala akong panahon sa mga ganyang bagay, kaibigan ko lang si Marga.." "Eh ako?." Kumunot ang noo niya. Heto nanaman po siya.. "Hindi mo ba ko type? Para sayo talaga yung kinanta ko kanina par~ Tumayo si Kyle para iwasan nalang siya sa mga pinagsasabi niya. "Kyle!." "Bahala ka sa buhay mo, maghanap ka ng kausap mo.!" Natawa si Shin, kaya sinundan niya pa ito para lalung asarin. "Aminin mo na kasi... Maganda ako.." Lumingon sa kaniya si Kyle sa pagkainis. "Ganito nalang." Humarang siya sa daraanan ng lalaki. "Ano." "Mag laro tayo jack en poy, kapag nanalo ko.. pakikinggan mo ang lahat ng sasabihin ko." "Wala akong panahong makipag laro sayo, umalis kana sa harap ko." "Hindi!." Humiga sa buhanginan si Shin. "Dito ako mag damag hindi ako aalis hangga't hindi tayo na is jack n poy!." "Tss. " Lumakad padin siya at Hindi manlang nilingon ang dalaga. Tumakbo si Megan Kay Shin dahil nakita niya itong nakahiga padin sa buhanginan. "Friend, ano yan? Wala namang araw ah.. sunbathing ba Yan?, Moon bathing?." "Hindi ako aalis dito hanggang hindi ako kinakausap ni Kyle. Sabihin mo sa kaniya pag nakita mo siya." Humalukipkip si Megan. "Seriously? Are you that desperate? Nag ra rally kapala ganun.." pumikit si Shin. "Kilala moko bestie , kapag sinabi kong hindi hindi!." Pagmamaktol niya habang nakahiga. "Okay okay? Kapag nakita ko siya, at pag di siya pumunta?." "Basta dito lang ako!." "Tss. Ewan ko sayo , baliw.. San na ba si Bibi. " Umalis si Megan. Napadilat bigla si Shin. Sabi ko sa kaniya sabihin niya Kay Kyle at bakit so Gelo nanaman ang inaatupag niya!! Kainissss! After 2hours. Nagising si Shin, sa lakas ng sariling hilik niya "Dalian mo na, mag jack en poy na tayo, inaantok nako." "Huh!." Napabangon siya, nagulat siya dahil naka Indian seat na sa harapan niya si Kyle. "Ka ka ka kanina kapa ba diyan Kyle?." "Oo.. kanina pa nga tumutulo yang laway mo." "Hindi ako naglalaway ah!." Bumangon siya at hinawakan ang mga pisngi. "Bilisan mo na..." Kukusot kusot ng mata si Kyle. Mukhang inaantok na nga siya. "Okay game." Jack n poy! Kyle wins Talo si Shin. Tumayo na si Kyle "Teka lang! Hanggang 5 rounds!." Walang ganang umupo uli si Kyle. Jack n poy Kyle wins Jack n poy Shin wins Jack n poy shin wins Jack n poy shin wins "Yeeeeeyyy?!!." Nawala ang Antok ni Kyle sa sigaw nito. "Ano na sabihin mo na ng makatulog ako." "Pwede bang sabihin ko sayo habang nag lalakad dun sa tabing dagat?." "Ang dami mo namang patalastas eh?." "Sige na.." hinila niya si Kyle sa tabing dagat saka naglakad lakad. Swerte mo kung mapagbibigyan Iingatan mo ang pag ibig ng.. Napalingon si Kyle sa kaniya kasi kumanta nanaman siya. "Wag mong sabihin na kakantahan mo nanaman ako?." Gulat na Turan nito sa kaniya. Namumula nanaman ang mga pisngi niya. "You're blushing Kyle. Uyyyyy. " Mahina niyang siniko ito sa sa braso. Hindi padin maipinta ang gwapong mukha nito. Tumingin siya sa malayo. "Bakit ba trip moko lagi." Bulong niya. "Diba nga.. gaya ng sabi ko sayo kanina sa kanta ko for you, puso moy hinding hindi paglalaruan ." "Hindi naman kanta yun eh, rap yun." "Basta!" Inambahan niya ng hampas si Kyle. Na nakahanda naman umilag. ".Gangster kaba? Ang haras mo eh." "Eh ikaw kasi eh.. basta kanta yun hindi rap, anong gusto mo? Yung song nung Marga para sayo? Its all coming back to me now. . Hahahahahha.! Agad agad kala mo naman nasa singing contest." "Tss., Ba't ba ko nag aaksaya ng oras ko sayo, hindi na dapat ako pumayag na kausapin mo, wala ka nang pag asang magbago. " Aalis na sana ito ng humarang nanaman sa daan ni Kyle ang dalaga. "Ibibigay ko kasi yung birthday gift ko sayo. Pero Bago yun gusto ko munang marinig mo ang totoong speech ko." Kumunot ang noo niya. "Wala akong pakealam kung gusto mong mag pari, mag cocollege pa lang tayo, mahaba haba pa ang panahon." "Anong ~ Tinakpan niya ang labi ni Kyle. "I got a crush on you." "Shin al~ "At wala akong pakealam kahit anong dahilan mo!." "Ha!? Imp~ "Liligawan kita, para makita mong malinis ang intensyon ko." "Hindi." "Oo." "Hindi." "Oo." "Sabing Hindi? Ayoko! Bakit ba ang kulit kulit mo!." "Alam ko namang ayaw mo sa babae, pero ako gusto kita, nung una palang kitang nakita sa simbahan, I heard bells ringing! At tingin ko isang sign yun." "Miss, may misa po kasi noon kaya sa tingin ko lahat narinig yung bells na sinasabi mo." "B~ basta tutal makasalanan naman ako, itutuloy tuloy ko na! Liligawan kita! Kaya ikaw maghanda kang ma-inlove sakin! " Turo niya sa pagmumukha ng lalaki. Tinamaan niya ang matangos nitong ilong kaya naman napahawak ito ang binata sa kaniyang ilong. "Hindi ko sinadya, natamaan lang." "Hindi ako papayag na ligawan mo, magkukulong ako sa bahay at sa simbahan para hindi mo na ko makita sa labas." "Ahh ganun ba?." Naghubad siya ng jacket. "Sa tingin mo ba tatablan ako sa mga ginagawa mo! Isuot mo nga yan." She opened the zipper of her shorts. Napatalikod si Kyle. "Hindi padin ako papayag! Isuot mo na Yan!!." ."Hahahahahha." "Isuot mo na Yan?!!." "Kyle!!." Lumingon siya kung san galing ang sigaw. Nakita niyang nasa dagat na si Shin. Kumunot ang noo niya nang matapakan ang mga damit nitong nasa buhanginan, kasama nadin ang shorts nito. "Kapag Hindi ka pumayag magpapalunod ako!." Tatawa tawa pa niyang pang aasar, habang nasa dagat. "At sa tingin mo ba papayag ako?." "Oo! Hahaha." Umatras pa siya hanggang sa mapunta sa malalim na bahagi ng dagat. Marunong naman siya lumangoy, ngunit sa labis na lamig ay biglang nakaramdam siya ng masakit sa bandang hita niya. "Uh!." Sa panic ay na tamaan ng isang paa niya ang bato sa ilalim. "Kyle!." "Bahala ka diyan."he rolled his eyes and started to walk away. After few steps hindi niya na marinig ang dalaga. Nilingon niya to. Hinanap sa paligid. "Shin!." "Shin!! Uuwi na ko! Inaantok na talaga ko!." Wala pa ding sumasagot. "Shin.." Sinimulan na siyang kutuban ng hindi maganda. "Shin!!!." Nabasa ang paa niya ng dagat. Sumakit ang dibdib niya, muli niyang naalala ang masasakit na nakaraan niya nung bata pa siya. "Shin!Nasaan ka!? ." Hinubad niya ang damit niya at muling umapak sa tubig dagat. "Hindi ko kaya .. " umiiling siya. "Kaya ko.."Pumikit siya habang mabigat ang paghakbang mg mga paa niya. "Shin!!." Nang magawa niya ay agad siyang lumangoy tungo kung saan niya huling nakita ang dalaga. "Shin!." Nakita niya Ito at agad na hinila. Karga niya pag ahon, Nilapag niya ang walang Malay na dalaga at duguan ang paa nito dahil sa isang sugat. Tinapik niya ang pag mumukha nito. "Shin Shin." "Ano ba gising?!." "Bestie!!." Agad na dumating sila Megan kasama nila father Gomez. "Kyle anong ingay yung narinig namin." "gising na.. gising...!" "Diyos ko!." Lumapit ang lola ni Shin saka hinawakan ang paa ng apo na may sugat. Napahawak ito sa dibdib ng makitang sugat lang pala at Hindi dahil na kagat ng kung ano. "Baka nakainom siya ng tubig." Balak na niyang I CPR ang dalaga. "Kyle.." pigil ni Marga. Hinarangan naman ito ni Megan. "Kyle I CPR mo na! Baka mamatay si Bestie ko! Huhuhuh." Nag inarte kunwariy naiiyak. Lumapit si Kyle sa mukha ng dalaga at sinagawa na niya nag pag mouth to mouth resuscitation. "Ohh." Napatakip sa bibig niya si Megan. At inangat ang cellphone niya para kunan ng litrato sila Kyle at Shin. Sa lahat ng tao na andon at nag aalala Kay Shin, si Megan pa lang ang halatang natutuwa. "Uh!." Umubo ng mga tubig si Shin at ibinangon siya agad ni Kyle. "Uh! Kyle." Yumakap ito agad sa binata. Na ikinahaba naman ng nguso ni Marga. "Diyos ko kang bata ka! Alas dos ng madaling araw naliligo ka sa dagat!." Napalingon sila Kay Kyle. "Hi-hindi po ako naliligo ng gabi sa dagat talagang niligtas ko lang siya." Ngumiti si Father Gomez. "Hayaan niyo na sila, pagod na ang mga bata.. Kyle bigyan mo ng tuwalya si Shin. "O-opo." "Pasensya kana.. father ang apo ko malamang ang may kasalanan." Tumayo ng iika ika ang dalaga. "Sorry po... Father, kasalanan ko po talaga.. inaasar ko nanaman po kasi siya.." napangiwi si Shin dahil nagawa niya nang umamin sa kasalanan niya. Hinawakan siya ng pari sa balikat. "Anak..." Napatuptop ng bibig niya si Megan. Bumulong si Gelo sa dalagang katabi. "Hindi niya anak si Shin, ayan ka nanaman sa utak mo." "Ah. Hehe." Tawa ni Megan with peace sign. "Ako ang dapat magpasalamat sayo." "Ako din .." lumapit ang magandang dalaga na pinsan daw ni Kyle. "He overcome his trauma because of you. Thankyou.." hinawakan nito ang kamay ni Shin. "Takot sa dagat ang batang yun.. dahil sa kaniyang ina, ngayon ay nakayanan niya ng dahil sayo." Ngumiti si Father. "Po?." "Since makulit ka naman, siya nalang ang kulitin mo ulit kung bakit takot siya sa dagat , pero sana bukas nalang kasi kailangan niyo ng mag pahinga." "O-opo.. father.." napangiti si Shin , dumating naman si Kyle at inabot ang tuwalya sa kaniya. Bitbit na din nito ang mga damit niya kanina. Umiirap si Marga. Talaga bang hindi niya sinadya ng malunod? If I know may gusto lang siya Kay kyle. Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD