tattoo

1105 Words
Megan Today is Sunday! Anong meron sa Sunday! Family day yaaay! Masaya ako ngayon dahil bukod sa walang pasok sa school eh ka holding hands ko si Bibi Gelo. Walang kaso kila lola, boto naman daw sila sakin para sa Bibi ko. Ang tanong kami naba? Syempre hindi pa? Hindi niya pa ko sinasagot, Ewan ko ba dito at pinatatagal pabang panliligaw ko. Kung ako masaya, may taong mas masaya sakin ngayon dahil linggo, Iyon ay si Shin. Magsisimba kasi kami, makikita niya nanaman yung lalaking nag mouth to mouth sa kaniya. Ang bestie kong haliparot na mukhang stoplight ang nguso sa pula ng lipstick. Pinilit pa Yan nina lola na magpantalon,gusto kasing mag suot kanina ng paldang ang slit eh hanggang singit. Malapit lang ang simbahan dito samin kaya Hindi na siya nag aksaya ng oras sa paglalakad, hawak niya ang salamin at Panay ang tingin sa mukha niya. Na akala mo'y liliparin ang kilay niya sa hangin kung maka protect siyang wag masira, kakain din pala kami sa maliit na mall doon sa bayan. Sinamaan niya ako ng tingin dahil for sure nabasa niya ang utak ko. "Bibi.. gutom kanaba?." Tanong ko sa kaniya habang hinihimas ang tyan niyang may lubak lubak. RIP abs. Hindi na kayo birhen sa mga haplos ko. Bahagya siyang pumiglas dahil sa hindi ko malamang dahilan? Ow ehmm baka naman may something na nag react down there.. yah know hihihi. "Wag.. nakikiliti ako." He stopped my hands. Yun lang pala. Akala ko naman katulad niya din akong may pagka GM yah know? Hahaha. "Kakakain lang natin ng almusal sa bahay ah? Wala pa nga tayong kalahati ng nilalakad papuntang simbahan wag mo sabihin natunawan kana?." Ayan nanaman si Bestie, bumibitch nanaman sakin. I rolled my eyes. "Eh kasi lumiliit yung abs ng Bibi ko. I'm just worried about him." Nagtawanan naman sila tita and tito , ma magiging future mother in law and father in law. ? Feel na feel ko ba masiyado? I secretly looked at Luigi, the twin brother of my Bibi, ayoko na kasing magsungit uli ang Bibi kong good mood ngayon. Inaaral kong mabuti kung anong pinag kaiba nila. Left. right left right left right "Bibi." "Hmm?." He looked at me in my eyes. Ohh... Those eyes.. "What do you think of having a tattoo?" "Tattoo?." "Uh. Yeah? Bagay kasi sayo naisip ko lang hehe." Pero sa totoo lang wala talagang pag asa na hindi ako malito sa kanila, ultimo kasi pag salita magka boses silang dalawa. Kainis, kailangan niyang mag pa tattoo. "Uh, okay lang naman? Pero maybe it's better kung walang tatoo dahil madumi sa balat." "Hindi ah! Ang sexy kaya ni Bestie." "Hahaha. Maliit lang naman ang tatoo niya sa batok." "Edi liliitan nalang natin." I smiled widely. Kahit gaano pa yan kaliit push ko talagang magka tatoo ka. "Ikaw ba mag papa tattoo ka din?." Tanong niya sa kin. I nodded. "Sige pero maliit lang ah.. and mas maganda kung sa tagong area." "Kahit sa kilikili pa yan!." Nagtawanan naman ang lahat. "Anong design ang ipagagawa mo?." "Hmm. Hello kitty?." Humagalpak ng tawa ang lahat sa sinabi ko. Are they Crazy? Hello kitty is very very cute and popular! "Bibi mag papa tatoo ka din ha? Ha!." He nodded "Yaaay!." "Anong design ba ang maganda? Sana hindi hello kitty ang isagot mong bagay sakin." "Hmm hayaan mo mag iisip ako mamaya. Ayaw mo ba ng Tweety bird." Hinatak naman at sa leeg ng bestie ko palayo may Bibi. "Halika dito ang aga aga inaaswang mo yang pinsan ko." "Aw.. sa leeg talaga bestie? Kailangan sa leeg?." Nagtawanan uli silang lahat, tyaka ko napansin na nasa harap na kami ng simbahan. Naupo na kaming lahat sa basang right side , second row, buti nalang naunang makaupo si Shin dun, para may malaking fan. Nag start na ang misa. We saw father Gomez. Si father talaga, siguro nung kabataan niya pogi din siya. Naku.. mukhang mabibigo sa pag ibig si Bestie. Nakita ko na ang ilang mga kabataan sacristan. May isang may dalang bell nakaupo sa may likod. Dumating ang babaeng naka puti. Ang haba ng buhok niya, ang Ganda niya.. teka? Si Marga yun. Pati yung pinsan daw Ni Kyle, choirs pala sila dito.. akala ko sa school lang pati pala rito? Kasunod si Kyle. I don't know but I had a feeling now kung bakit dito pumwesto si Bestie para halos ilang hakbang lang ang layo niya Kay Kyle. Nakuuuu. Marga~ Maaga akong nagising dahil linggo ngayon,kakanta pa kami sa simbahan, at bukod run, makakasama ko na naman si Kyle. Kahit alam kong wala naman siyang balak pumasok sa isang relasyon at matagal niya na din akong sinabihan na wala akong mapapala sa pag asa ko sa kaniya ay hindi padin ako tumitigil, akala niya siguro ay naka move on na ko nung last year na sabihin niya saking kaibigan lang ang tingin niya sa kin, at Hindi niya gugustuhin na masaktan ako dahil kaibigan niya ko, wag na daw akong umasang magbabago ang isip niya, yun na din ang dahilan kung bakit sa classroom nila ay wala siyang ka close na babae, dahil pag naramdaman niyang gusto siya ng mga ito ay sinusungitan niya. Pero bakit yung bago niyang classmate na sila Megan at kinakausap niya, lalu na yung Shin. Hindi ako pinatulog ng babaeng yun sa kakaisip ng pag cpr ni Kyle sa kaniya. Hindi ko akalaing may kakausapin lang ibang babae si Kyle bukod sakin at sa circle of Friends namin. Ever since na nag aral si Kyle sa eskwelahan namin ay siya na ang palaging maririnig mo. Mag enroll ka pa nga lang ay nag tatanungan na sila kung anong section ni Kyle. Hindi naman ito naalis sa pinaka mataas na section. Na sa kaniya na ang lahat ng hinahanap ko, at sigurado ng gaya ng iba sa inyo. Gwapo,matangkad,napaaaaka tangos ng ilong, maganda ang pangangatawan, mabango, mabait, mapagmahal, matalino, magaling kumanta, magaling tumugtog ng limang instrumento,magaling mag basketball, magaling madrawing, tahimik, sikat, schools representative sa mga academic contest, at higit sa lahat may takot sa diyos. Grabeee isa siyang napakalaking sayang. He's almost perfect, walang tapon. Parents nalang ang kulang sa kaniya. Pag tinatanong ko naman siya, hindi siya nagsasalita tungkol sa kanila. At mula nun di ko na inulit pa. Nang humakbang na ko sa hagdan para tumabi sa kaniya. Ay napansin Kong napatigil siya sa itatanong niya sana Kay Maggie. Nakatingin siya sa harapan. Sinundan ko ang mga mata niya kung saan ito nakatingin. Sa babaeng pinaka huling gugustuhin kong makita. Si kakaibabe girl na kumakaway pa ng pagka arte arte.. Tss. Tbc
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD