chinito

1077 Words
Shin Sabi ko na nga ba eh, buti nalang napakanta ko si tito na si Father Gomez ang mag sesermon ngayon. Ang saya ko, I'm prepared today. Talaga namang naglipstick ako ng pulangpula para ipaalala sa kaniya ang mga labing hinalikan niya. Nakakainis naman at kailangan wala akong Malay nang gawin niya nun. Kung pala nasa tamang huwisyo ako non baka naisampay ko pa sa batok niya ang mga kamay ko tapos ni rape ko na siya sa tabing dagat. Oops ! Sorrry po.. peace tayo, joke lang po yun hehe. Napatingin ako sa malaking imahe ng ating amang lumikha sa lahat. Dear Lord, I promise to be a very very very good girl kapag siya na ang ibigay niyo sakin. Kahit ano gagawin ko, kailangan siya. Ayoko ng iba.. siya talaga as in.. Please please.. pretty please... I saw him looking at me, he was startled I am sure of that, nagtaas baba nanaman ang Adams apple niya dahil kitang kita ko ang kabuuhan niya. I raised my hand a little and waived at him sexily. Nakaramdam nalang ako ng makati sa bewang ko. "aww." Kinurot pala ako ni tita. Sorry po malandi, hindi ko na po uulitin.. Nakita ko siyang hindi na umulit ng lingon sakin. He focused on the papers infront of him, maybe it the lyrics he's reading, as if naman hindi niya memorize ang lyrics ng mga kanta dito sa simbahan. Tong si Kyle in denial padin na ayaw lang tumingin sakin e. Natapos na ang misa at lumapit kami kay father para mag bless. Ang saya lang makita na hindi na nahihiyang humarap si Megan sa kaniya matapos ang nagawa nitong mali. Ayoko mang lumabas ng simbahan at mabigat ang paa ko. Kailangan. "Teka lang... Mag bbless muna ko Kay Kyle.." bulong ko Kay Megan. "Umayos ka diyan, isumbong kita Kay father eh. Haha." Nang palabas na kami ng simbahan ay nabangga ako sa isang malapad na chest. Pumikit ako ng mariin dahil ano mang oras babagsak ako sa sahig. "Ahh!." Pero pagdilat ko. Isang lalaking chinito at makapal ang kilay na may matangos na ilong ang nasa harap ko. Kung Hindi ko lang hiningi si Kyle Kay Lord baka nag dadalawang isip ako ngayon dahil sa kaniya e. Tatamaan dapat siya sakin kaso ako yata ang tatamaan. Natutunaw ako sa mga tingin niya hanggang sa magkandaduling kami sa kamay na pumipitik sa gitna namin. Si Megan pala. She's snapping her fingers. "Oy oy oy ano? Manikin challenge ba to?." Agad akong umayos nang tayo. "Oh.. I'm so.. sorry.. " sabi ko. "No, I'm sorry." "Hindi.. kasalanan ko hindi ako tumitingin sa daanan ko." "No.. it's my fault." He smiled, oh my.. Lord hindi siya yung hinihingi ko sayo, pagsubok ba ito. Wag ganito? You know my weakness ah.. "Kasalanan ko sabi eh.." "Tara na at baka magkaron ako ng kasalanan Kay Gelo bestie.." Megan was now trying to be cute infront of this chinito. "Uy gelo." Agad nagising ang diwa niya. Napalingon siya pero wala naman si gelo. "Hahaha." Natawa ako sa kaniya. I got here there! She pouted. "Ah sige bbye." Sabi ko, hinatak ko na si Megan. Alam ko namang hindi na mag c-cross ang landas namin dahil pakiramdam ko sinubukan lang talaga ni Lord ang pag tingin ko Kay Kyle. Napadpad kami sa isang maliit na mall dito sa bayan, napagkatuwaan naming mag pa picture sa studio. Kaming lahat. Ang cute mukha kaming magkapatid ni Megan. Kaso parang siya yung mas bata sakin tignan. Kumain din kami ng malaking pizza habang nagkkwentuhan sa food court ng kung anu ano lang. This is my first time celebrating a family day, my dad were too busy in the field. My mom's always busy with her own business. I'm always alone at home, siguro gaya ng ibang teenagers na hindi napapansin ng parents nila.. ang pag papasaway nalang sa school ang nagagawa kong paraan para mapansin nila na may anak sila. Palagi nalang kasing si Bryle na kakambal ko ang mabait, ang magaling ang matalino. Ako nalang lagi ang sakit sa ulo, pasaway at bobo nilang anak. Nakakarindi nadin, mas masaya pa dito kila lola.. tanggap nila kahit tanga ako, at tanggap nila ang bestie kong mas tanga pa sakin. I guess.. I found my home.. I looked at Megan who's eating and laughing at the same time, she was hugging my grandma. Kung titignan kami, mukhang kapamilya nga namin siya, hindi niyo naitatanong we grew up together, pati bituka namin niyan magkadikit na, kaya im sure na ito din ang first family day niya. Nakakita kami ng gaming station. Masayang nag videoke sina lola lolo tito at tita sa loob ng videoke room doon. Kami naman ni Megan ay naglaro ng basketball kasama ni Luigi at gelo. This time kampihan at ang matalo manlilibre ng dalawang litro ng ice cream. Kampi ako ni Luigi at siya naman Kay Gelo. Naririnig ko yung ibang mga dalaga na nag bubulungan yung iba kinikilig pa sa pogi kong mga pinsan na mukhang model ng Toothpaste sa Ganda ng mga ngiti. Grabe killer smile. Halos kargahin ako ni Luigi sa tuwa ng manalo kami. Nakabusangot si Bestie na humihingi ng second round. Tapos naglaro din kami dun sa parang paramihan ng steps. "Ayoko na!!!." Tili ko. "Whaaaaaa!!." Sigaw ni Luigi "Ahhh! Hahaha / aaaggg/!!." Sigaw at tawa naman ang ginagawa ni gelo. Samantalang si Bestie naman ay hindi na makasigaw kasi puro tawa na siya. Agad naman kaming pumunta sa isang videoke dun na may parang upuan. Tinanggal namin ni Megan ang mga upuan dun. Nabaliw kami sa favorite naming si Shakira. We typed beautiful liar. Tawa ng tawa ang kambal kong pinsan habang feeling namin ay nasa isang concert kami. Si Bestie feel na feel nag wa walling hindi ko kinakaya. Vinideohan naman kami nina tita I sesend daw nila yung video sa parents namin, na nabaliw na kami dito sa probinsya. ... "Grabe ang saya sayaaaaaa." Sumalampak sa upuan si Megan. "Anong next nating gagawin lola!." "Magbibilad kayo ng mga kaning lamig. " Saglit akong nagtaka. Si Bestie din ay hindi alam kung bakit, pero agad siyang bumangon sa sofa, mabilis lang siyang utusan, di gaya ng dati. "Ano pa edi mag papakain kayo ng baboy. " Wait.. wait.. Oh no... Hindi pwede.. ang hika ko... "Wala kang hika Shin, ginawa mo na samin yan noon." Tatawa tawang pang aasar pa ni Tito , ayoko , ayoko talaga ng baboy... Tbc.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD