Nathalia Grace Gucillas
Kakauwi ko lang galing sa party na pinuntahan ko pero hindi natuloy dahil sa pinaalis kami agad ng mga tauhan ni Mr. Trillanes.
Madami kaming nagtaka pero hindi ko na lang pinansin dahil sa iniisip kong parang nakita ko talaga si Alexandra dito.
Mabilis na hinubad ko ang mga damit ko at pumunta ng shower. Pagbuhos ng malamig na tubig sa katawan ko ay nawala ang pagod ko buong hapon.
Nasayang lang din ang pag aayos ko dahil sa hindi naman din pala matutuloy ang party.
Matapos kong maglinis ay nagbihis na ako ng nighties ko at pumasok ng kwarto.
Hihiga na sana ako ng mag ring ang phone ko at napangiti ako sa pangalan na nasa phone screen ko.
Victoria Bubble callingg...
"Hello beshy"masayang sabi nito sa kabilang linya at napangiti ako sa pagiging hyper nito.
"Hello beshy kong hyper"natatawang sagot ko dito at alam kong nakapout na ito sa kabilang linya.
"By the way beshy thank you dahil tinanggap mo ang offer ko sayo hihihi"masayang sabi nito tt napailing na lang ako.
"Ano ba meron at kinukukit mo si Ms. Persephone?"takang tanong ko dito dahil may hindi sinasabi sakin ang bruha na ito.
"Hehehe pag nagkita tayo beshy kwento ko sayo mwuah mwuah"napailing na lang ako sa sinabi nito. Dahil mukhang may kalokohan nanaman ito sa buhay niya.
"Fine magkita tayo bukas sa Mini Cafe na laging tinatambayan natin"sabi ko na lang dito at humiga ako sa bed ko.
"Okay beshy mga 10am?"sabi nito sa akin at tumango ako dahil wala naman din akong sched nun.
"Sure 10am sharp"pag sang ayon ko dito dahil antok na antok na din ako.
"Good night beshy halatang inaantok kana din hahaha. I love you"sweet na sabi nito at napangiti ako dahil hindi talaga siya nagbabago kahit kailan.
"Love you too and good night"sabay baba ng call nito at tinabi ko agad ang phone ko.
Finally makakatulog na din ako sa wakas ng medyo mahaba. Napangiti ako ng yakapin ko ang unan at isipin na si Alexandra ang yakap yakap ko.
Nagising ako sa sinag ng araw na nang gagaling sa window ng room ko na nakalimutan ko isara dahil sa pagod at antok ko.
Napatingin ako sa orasan at nakitang 8:30 palang ng umaga at naalala ko na magkikita pala kami ni Victoria.
Pumunta ako sa bathroom ko at nag linis ng mukha at nagtoothbrush na din.
Dahil maaga pa naisipan kong buksan ang tv at malaman ang balitang nagaganap ngayon.
Ito agad ang bumungad sakin na nagpagising ng dugo ko at nawala ang antok ko.
"Natagpuang patay ang kilalang senator sa ating bansa na si Mr. Trillanes na umanoy pinatay ng isang assassin"
"Ayos sa mga bisita na nandoon ay ilang minuto din na nawala bigla ang kuryente at nagulat na lamang sila ng sinabing hindi na natuloy ang party na magaganap dahil sa may hindi na pala magandang nangyari sa ating senator. Maraming nagsasabi na maraming kalaban ito at kaya ito pinatay ng walang alinlangan"
Matapos ko marinig ang balita ay pinatay ko na ang tv at napatulala ako dahil hindi ko alam na ganun na pala ang nangyari kaya nila pinauwi na kaming mga guest nila.
Napansin kong 9:00am na kaya nag ayos na ako at tinanggal sa isipan ko sa nangyari doon kay senator.
Matapos ako ay mabilis na bumaba ng condo at pumunta a parking lot para puntahan si Victoria.
Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa Cafe na pinunpuntahan namin dati nung college palang kami.
Napansin ko ang isang babae na nakatalikod na nakaupo sa favorite spot namin.
"Victoria beshyyyy"tawag ko sa pangalan nito at mabilis na lumingon sa akin at bigla itobg tumayo at sinalubong ako ng yakap.
"Beshyyyyy i miss you"lambing nito sa akin at napangiti naman ako doon.
"I miss you too"sabay hatak dito at pinaupo dahil pinagtitinginan na kami at may mga pasimpleng kumukuha ng mga picture sa amin.
"Victoria anong balita sayo?"nakangiting tanong ko dito at napansin kong sumimangot ang bruha.
"May isang tao kasi akong kinukulit at alam mo na kung sino siya. Inaalok ko siya ng kasal hehehe"bigla ako napanganga sa sinabi nito.
"Seryoso ka? Inaalok mo ng kasal si Ms. Persephone?"gulat na gulat na tanong ko dito at tumango naman ito agad.
"Oo seryoso ako at hindi nagbibiro kaya"nakapout na sabi nito sa akin.
"Bakit mo naman inaalok agad ng kasal kung pwede naman ligawan mo kung gusto mo siya"suggestion ko sa kaya para naman hindi siya mag mukhang desperada.
"Hindi pwede beshy dahil sinabi ko na kila dad na magpapakasal kami hehehe"sabay peace sign nito at napailing na lang ako.
"Ikaw talagang bruha ka sarap mong hambalusin"nanggigil na sabi ko sabay tawa na lang dito.
"Alam mo naman na college palang tayo baliw na baliw na ako sa kanya di ba?"nakapout na sabi nito at natawa na lang ako sa sinabi niya.
Totoo yun dahil ng makita niya sa isang magazine ang picture ng nga Sarvantes Siblings ay nakakuha ng attention niya ay si Ms. Persephone habang ako naman ay si Alexandra dahil sa nakapoker face lang ito at habang ang mga kakambal niya ay nakangiti.
"Hoy bakit ka naman nakangiti dyan ngayon"tanong ng kasama ko bigla at napailing na lang ako dahil alam naman niya yun.
"Si Alexandra yan right?"nakangising sabi nito sa akin at namula naman ako.
Kinuwento ko dito yung sa nangyaring first kiss namin ni Alexandra at ang bruha ay napanganga.
"What? Really? Nakiss mo ang isang Alexandra na ang pinakamailap sa magkakapatid? Waaaaahh buti ka pa nakakiss kana samantala ako wala pa din huhuhuhu"pag iinarte nito at natawa na lang ako dahil nakapout nanaman siya.
"Ehem"sabi ng isang pamilyar na boses at napatingin kami pareho dahil si Ms. Persephone ito kasama si Anastacia at Alexandra.
Napansin ko na nakasimangot si Alexandra at biglang tumingin sakin at hinirapan ako. Nakita ko naman ang mukha ng beshy ko na nakanganga.
"Persephone waaaahhh"sigaw nito sabay yakap na nakapag gulat sa akin at kay Alexandra habang si Anastacia ay nakangiti lang.
"Hello po tita Nathalia"sabay kiss sa pisngi ko at hinalikan ko din ito.
"Hello po tita Victoria"sabay kiss din nito kay Victoria at hinalikan naman ito ng hinalikan ni Victoria.
"Waaaaahh ang cute mo naman baby"nakangiting sabi nito at napatingin ako kay Ms. Persephone na nakangiti kay Victoria habang kinakausap nito si Anastacia.
"Hi"bati ko kay Alexandra na nakasimangot lang sakin at hindi ako pinansin. Napasimangot naman ako dahil wala naman akong ginawang kasalanan para hindi niya pansinin.
Nagseselos kaya siya? Sa amin ni Victoria? Napangiti naman ako sa naisip ko at ngumisi dito at napansin ko ang gulat sa mukha nito ng mapatingin sa akin.
Selosa ka pala ah..