4

344 Words
Alexandra Chloe Sarvantes "Tita Lexi"tawag sa akin ng pamangkin ko at tinignan ko ito sabay ngiti. "Yes?"tanong ko dito sabay punas sa gilid ng labi niya na puro ice cream pa. "Tita Nathalia is so pretty"sabi bigla nito sa akin at hindi ko mapigilan napangiti ng marinig ang sinabi nito. "Yeah, so pretty"wala sa sariling sagot ko dito nagulat ako ng biglang may pamilyar na boses akong narinig. "Ehem, so pretty pala ah"mapang asar na sabi ni Ate Hera sa akin at nasa likod niya si Ate Aphrodite na may hawak na baby. "Tss"walang ganang sabi ko dito at bigla naman tumayo sa pagkakaupo sa sofa si Anastacia at pinuntahan agad sila Ate Hera. "Tita Jade! Tita Aphrodite i miss you"sabay pakarga nito kay Ate Hera at hinalikan sa pisngi. "We miss you too my baby princess"sabay halik ulit dito ni Ate Hera at hinalikan din ito ni Ate Aphrodite. Lumapit ako sa kanila at kinuha ang baby girl din nila na si Eos Sarah Saavedra Sarvantes. Hindi ko mapigilan na halik halikan ito sa mapupulang pisngi niya. Kagigil talaga ang cuteness ng mga pamangkin ko. "Alexandra bagay pala sayo maging mommy"sabi bigla sa akin ni Ate Aphrodite at napansin kong nakatingin pala sila sa aking tatlo. "Bata pa ako para maging mommy"walang gana na sabi ko sa kanila sabay upo sa sofa habang karga ko pa din ang anak nila. "Bakit hindi ka tumulad sa iba nating kapatid mga busy sa kakahabol at pakikipag asaran sa mga nagugustuhan nila"mapang asar na sabi nito sa akin. Tinignan ko lang siya ng walang gana sabay tingin ulit sa anak nila. "Buti na lang kamukha ko lahat ng pamangkin ko"mapang asar na sabi ko sa kanila sabay tingin at ngumisi na din sa kanila. "Kapal mo! Hoy ako ang kamukha dahil anak namin yan"biglang sabi ni Ate Hera at nakitang natawa si Anastacia at maging ang asawa nito. Napaisip naman ako sa sinabi nila. Well ang totoo niyan si Ate Artemis busy sa kakahabol sa taong matagal niya din tiniis at ang karma dumating sa kanya. Habang si Ate Ley naman ay busy halik halikan yung pinsan nila Athena na si Demeter. While Ate Persephone naman busy pa sa company niya pero mukhang magkakalove life na din at yun ang bestfriend ni Nathalia na si Victoria dahil kinukulit si Ate Persephone na maging asawa niya. Ilang sandali lang ay dumating pa ang ibang mga kapatid namin na nagpangiti sa akin dahil mga nakabusangot sila hahaha. "What's with that face Ate Ley?"natatawang tanong ko dito at mabilis na hinalikan ulit itong si baby eos. "Kasi naman si Demeter sobrang cold niya eh tapos pachoosy"nakapout na sabi nito at tinawanan lang siya ng ibang kapatid namin. "Here hawakan mo si baby eos at may kailangan ako tawagan"sabay abot sa kanya yung baby pero hinalikan ko ulit ito. Iniwan ko muna sila at nag dial sa pangalan niya na nasa pinakaunang list ko. "Hello may mission na ba ako?"tanong ko agad dito dahil naiinip ako at isa palang nabibigay nilang mission sakin simula nakabalik ako. "Mainipin katalaga Alexandra, yes meron and papasa ko sayo yung details agad"sabay end ko ng call ng marinig yung sinabi niya at hindi ko mapigilan ngumisi dahil may dugong dadanak nanaman. Mabilis na bumalik ako at nagsenyas sa mga kapatid ko at napansin kong nakatingin din pala si Anastacia kaya nginitian ko ito at ngumiti ito pabalik. Pumasok ako sa kwarto ko at tinignan agad ang message na dumating sa phone ko. Binasa ko ang files at napangiti ako dahil isang politiko ang kailangan kong patayin ngayon. "Emilio Gancia Trillanes" pagbasa ko sa name niya at napangiti ako dahil isa itong magnanakaw ng pera ng bansa. May mga business din ito na mga illegal. Kaya kating kati na ako patayin ito. Nang maihanda ko na ang gamit ko at ang silver dagger ko ay tumalon ako dito sa nakabukas na bintana ng room ko at pumasok sa loob garage namin kung saan nakalagay ang car na ginagamit ko sa mission. Sumakay ako at may pinindot na button para maopen ang gate namin at mabilis na pinaandar itong car. Ilang sandali lang ay nakarating na ako sa isang lugar. Nasa harap ako ngayon ng isang malaking mansion pero bukas lahat ng ilaw at parang may gaganapin na party. "Hindi man lang sinabi sakin ni tanda na may party pala ngayon dito"sabay ngisi ko dito at pinarada yung kotse ko sa part na madamo. Lumabas ako at sumilip sa isang pader tinignan ko ang mga cctv na nakakalat at napangisi ako dahil nasa gilid lang ang cctv monitor nila. Tumalon ako at naglanding sa tabi ng isang guard at napatingin ito bigla sakin at nginitian ko ito. Sabay saksak sa ulo nito ng silver dagger ko at pumasok ako sa room sabay inoff ko ang power nito sa lahat ng bahay. Nakita kong nataranta silang lahat at nakita ko na nasa isang room ang papatayin ko. Nasa tabi ko lang din pala ang main switch para sa buong electricity ng bahay. Binaba ko ito at napangiti ako dahil naririnig ko ang mga sigawan nila. Third Person POV "Ano yun? Bakit namatay ang mga ilaw"sabi ng ating dakilang senator na lumabas ng banyo na nakatapis lang ng tuwalya. Pinidot nito ang isang button para may pumunta na isang tauhan niya pero napasampal siya sa sarili ng maisip niyang hindi pala gagana yun dahil walang power source. Habang sa baba naman kung saan nagaganap na party ay pinapakalma ng mga guard at maids ang mga taong nagpapanic dahil sa nawalan ng kuryente. Sa isang sulok naman nandoon si Nathalia na nakaupo lang habang hinihintay na magkaroon ng kuryente. Napatingin ito ng may dumaan na parang pamilyar na tao pero napakurap ulit siya at napailing. "Imposible na nandito si Alexandra"natatawang bulong nito sa sarili. Si Alexandra naman ay napahinto sandali ng makita niya si Nathalia. "Anong ginagawa ng babae na yun dito?"naiinis na bulong nito pero nagpatuloy pa din siya sa pag punta sa kwarto na dapat niyang puntahan. Nang makalapit siya ay kumatok siya at naramandaman niyang isa lang ang taong nasa loob nito. "Wala man lang pumunta na guard kahit isa ang bobo nila"mabilis na bumukas ang pinto at tinadyakan agad ni Nathalia. Takot ang bumalot sa senator na maramdaman niya ang sipa ng taong pumasok. Dahil sa silaw ng buwan ay nakita niya ang isang marka na nandito at bigla siya napalunok. "Silver Huntress"bulong niya na kawalan ng pag asa. "Mr. Triallnes the most corrupted person at ang maraming illegal na business sa buong pilipinas" Sasaksakin na sana ito ng biglang may marinig na tumatakbong mga guard at hindi na nag aksaya si Alexandra at sinaksak niya agad sa ulo gamit ang kanyang silver dagger na agad na ikinamatay nito. Tumalon agad ito sa nakabukas na bintana at binuksan ang ilaw at narinig niya ang sigaw ng mga tao na nasa loob ng mansion. Pinaharurot niya ang sasakyan niya at mabilis na umalis ng lugar. Yung mga guard naman ay natulala ng makitang nahuli sila ng dating at patay na ang kanilang amo. Mas natakot sila dahil nanaman sa silver dagger na matagal din nilang hindi nakita. "Silver Huntress is really back"bulong nila at wala na silang magawa kundi ang mapalugod sa harap ng amo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD