Chapter 10: A kiss Tahimik lang kaming dalawa habang nakasakay sa kotse. Hawak-hawak ni Stelian ang kaliwang kamay ko habang magmamaneho ito. Dahil sa kawalan ng masabi ay itinuon ko nalang ang aking sarili sa aming mga nadadaanan. Doon ko lang napagtanto na nasa aming lugar kami dumaan. Malas lang dahil hindi ko nakita ang bahay, nakalampas na kami. May kung anong pumitik na lungkot sa aking dibdib! Kailangan ko na yatang tanggapin na nabibilang na ako sa mga bampira. "Anong sinabi saiyo ni Charlie at Denrek?" Tanong ni Stelian na bumasag sa aming katahimikan. Tumingin ako sa kanya at binasa ang ekspresyon ng mukha nito. Parang may kung anong lungkot rito na hindi ko maipaliwanag. "Lahat-lahat." Sagot ko nalang. Mahirap kung iisa-isahin ko pa. Sa dami ng impormasyon na akin