NANG makapasok sa loob, kaagad niyang tinungo ang staff room kung saan doon sila nanatili kapag ganitong oras at doon din nila inilalagay ang kanilang mga gamit. Katabi lang iyon ng kusina at counter kaya naman hindi niya maiwasan ang makita ang nasa loob noon. Sa totoo nga niya ay may crush siya roong isang chef. Umiling siya at pumasok na sa staff room. Broken-hearted siya pero bakit nasa isip niya iyong crush niya?
"Pangiti-ngiti iyong broken-hearted, o."
'Pagpasok pa lamang niya, bumungad na kaagad ang kaibigan at katrabaho niya. Iyong tingin niya'y tumuon kay Keyla na nakaupo habang nilalagyan ng hair net ang buhok.
"Broken-hearted si Kara? Anyare?" Si Jia, ang tsismosa niyang katrabaho.
"Oo, niloko ng jowaels niyang playboy. Nakita raw ni Kara na may kinakamang ibang babae!" may kalakasang sabi ni Keyla na ikinainis niya.
"OMG!" Halata ang gulat sa mukha ni Jia at iba pa niyang mga katrabaho.
"Ayan na naman kayong dalawa, Jia at Keyla! Huwag niyo nang pag-usapan ang tungkol diyan dahil lalo pang masasaktan si Kara."
Sabay pa silang napatingin sa nagsalita. Si Kuya Gibbs, kakalabas lang ng banyo. He's right, hindi na lang siya umiimik para pagsabihin ang mga ito at baka ma-misinterpret pa siya ng mga ito. Sunod-sunod na lang siyang napailing saka tahimik na naglakad sa bakanteng upuan at doon inalis ang inis.
"Sabi sa inyo, e. Hindi talaga ako nagkamali ng tsismis sa inyo, halata pa lang sa mukha ni Marvin, parang playboy na." Nagpakawala ng mahinang buntong-hininga si Jia. "Baka iyang pagiging playboy ay nasa kaniya na habang buhay..." dagdag pa nito.
"Correct!" Si Keyla.
"Aba't sabi nang tumigil pero itinuloy pa rin. Kayo'y magsiayos na at magsisimula na ang trabaho. Iyong mga naka-assign sa counter, pumunta na. Iyong mga tapos nang mag-ayos, lumabas na at gawin ang kaniya-kaniyang trabaho!"
Kaagad na nagpulusan ang mga nasa loob. Tapos na siguro lahat kaya lumabas na ang mga ito pero naiwan si Kara sa loob kasama si Kuya Gibbs at si Violet, ang manager ng restaurant. Ito rin ang nagsalita. Sa totoo nga niyan ay close silang dalawa at magkaibigan din. Bukod kay Keyla, kaibigan niya rin ito.
"Salamat, Violet," nakangiti niyang sabi pero hindi niya pinapahalatang pagpapanggap lang iyon.
"Ano ka ba, ayos lang iyon, no. Iyang bibig ni Jia, kung kaya ko lang buhatin ang meat processor, baka nagawa ko na para igiling iyang ulo ni Jia sa kaingayan. Sumabay pa si Keyla, parang hindi kaibigan ang tingin sa iyo!" may kadiinan nitong sabi at umupo sa harap niya.
"Ma'am Violet, kailan bibisita si Ma'am Daisy?" mayamaya pa'y tanong ni Kuya Gibbs na nakatayo sa tabi niya.
"Kapag naka-recover na siya."
"Saan?" tanong ni Kara.
"Nanganak na si Ma'am Daisy, no. Kakaanak lang niya kagabi at medyo maselan iyong panganganak niya. But let's just pray na maging maayos na siya."
"Cesarean ba, Ma'am Violet?" Si Kuya Gibbs.
"Sabi niya, oo. Kaya sa tingin ko'y matagal pa niya tayong mapupuntahan dito. Sige, we need to work. If you need me, nasa taas lang ako, okay?"
Sabay pa silang tumango ni Kuya Gibbs kaya naman umalis na si Violet samantalang sumunod na si Kuya Gibbs dito. Siya naman ay naiwang mag-isa dahil hindi pa siya nakakabihis ng uniporme niya. Nag-ayos na siya. Nagbihis, naglagay ng hair net sa buhok, at ipinatong doon ang saklob. Nang makuntento, lumabas na rin siya sa staff room. At dahil counter na ang mabubungaran kapag lumabas, hindi niya mapigilan ang magulat nang makitang marami na kaagad ang tao.
"Kara! Kara! Kara!"
Binalingan niya ang sumisigaw at nakita niya si Keyla na palabas ng kusina at may dala itong tray na may lamang pagkain.
"Bakit, Keyla?" tanong niya nang makalapit ito.
"Ikaw na ang maghatid nito sa Table 8 at ihing-ihi na ako. Pasensya ka na, ha?"
"Oo naman. Akin na, ako na ang maghahatid." Nakangiti niyang tinanggap ang tray. Nagpasalamat pa si Keyla sa kaniya bago lumisan. Samantalang siya'y tinungo ang Table 8 para ibigay ang hawak niya. "Nasaan kaya iyon?" tanong niya.
Nang makita, kaagad niyang nilakad iyon pero habang papalapit, unti-unting kumakabog ang dibdib niya. May nakatalikod na lalaki sa lamesang pupuntahan niya at parang pamilyar ang likod na iyon. Isama pa ang batok nito na may apoy na tatoo. Parang gusto niyang umatras ng mga sandaling iyon dahil doon. Pero hindi iyon maaari, kailangan niyang gawin ang kaniyang trabaho kaya deadma na lang siya nang makarating sa table. Tahimik niyang ipinatong ang mga pagkain sa lamesa. Iisa lang naman ito pero bakit pangdalawang tao ang kakain? Napailing siya at nang matapos, umalis na siya pero hindi pa man siya nakakahakbang nang magsalita ang lalaki.
"Kara, let's talk, please..." At hinawakan nito ang kamay niya na kaagad niyang nabawi.
Nakangisi niya itong tiningnan, nangungusap ang mga mata nito. "Talk? Ano pang pag-uusap ang gusto mong gawin natin, Marvin?" Oo, ang lalaki ay ang walanghiya niyang ex-boyfriend na manloloko. "Sa tingin mo, makikipag-usap pa ako sa katulad mong manloloko, babaero, at hindi pa kuntento?" nakataas kilay niyang tanong dito.
Tumayo ito. "Please, Kara. Mag-usap tayo, pag-usapan natin ang tungkol sa nangyari nitong nakaraan," mahinahong wika nito at parang ayaw talagang marinig ng mga tao sa paligid.
Natatawa siyang umiling. "Ah, gusto mong pag-usapan iyon? Hindi ka pa nakuntento sa ginawa kong pagdikit ng cake sa mukha mo? Hindi ka pa ba kuntento sa mga sampal ko? Baka gusto mong makatikim ulit, o baka gusto mong ihampas ko itong tray sa pagmumukha mo at nang matauhan ka?" may galit niyang turan kay Marvin.
"Ibalik natin ang dati, Kara."
"Matapos mo akong lokohin, umaasa kang maibabalik natin ang dati? Nagkakamali ka, Marvin. Okay, aamin ako. I'm so broken-hearted and until now, hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa mo sa akin. I thought you loved me but I was wrong! Maling-mali ako nang paniniwala dahil lolokohin mo rin pala ako. Wala ng rason para ibalik natin ang dati, dahil sinira mo iyon at sinira mo rin ang imahe mo sa akin. Tanungin kita, hahayaan ko bang ibalik natin ang dati kung ginago mo ako? Hindi, Marvin kaya tigilan mo nang mangarap!" may kadiinan niyang asik habang unti-unting namamasa ang mga mata.
"Babe, who is she?"
Napalingon siya sa nagsalita at mula sa gilid niya, may nakatayo roong isang babae. Hindi siya nakagalaw sa kaniyang kinatatayuan. Babe? Kung hindi siya nagkakamali, ang babaeng ito ay bagong girlfriend ng gagong ito.
"New girlfriend?" nakangisi niyang tanong sa babae sabay turo kay Marvin.
"Yes, I'm his new girlfriend. Who are you, huh?" may katarayang tanong nito.
Ngumiti siya. "Mag-ingat ka na lang."
Matapos sabihin iyon, tumalikod na siya para gawin ang iba niya pang trabaho pero alam niyang naiwan niya ang babae na may pagtataka sa mukha. Talagang kailangang mag-ingat nito dahil baka hindi nito alam, niloloko na pala ito ng gago!
"GRANT told me that you left your condo. Anong nangyari, Gage? Bakit ka umalis? May problema ba, huh?" sunod-sunod na tanong ng mommy niya.
Gage took a deep sigh and faced at his mother. "I don't wanna live there anymore, mom," aniya saka pumamulsa.
"Bakit? Answer me, anak. May problema ba na dapat kong malaman, huh?"
Again, he took a sigh. If he could say that— his reason, baka kanina niya pa nasabi pero ayaw niya. Isa lang ang rasom niya kaya umalis siya sa kasalukuyan niyang tinitirahan iyon ay dahil nakaaway niya ang anak ng may ari ng tinitirhan niya. They are relatives, pinsan niya ang nakaaway niya at tito naman niya ang ama nito na kapatid ng daddy niya. Hindi siya natatakot, ayaw niya lang ng gulo. That's why he decided to leave rather than stay there. Imbes na lumipat ng ibang condo, umupa na lang siya ng apartment. May bahay siya na regalo ng mommy niya noong 25th birthday niya. Halos dalawang taon lang niya iyong tinirhan bago napagdesisyunang lumipat sa condo because he prefered a small house. Ngayon, ang bahay na iyon ay nakatengga sa Baguio at walang nakatira pero may care taker naman na tumitingin at naglilinis araw-araw.
"It's just nothing, mom! Huwag mo na lang pansinin. Where's Grant? I didn't see him when I arrived here."
Grant is his youngest sibling. Three years ang gap nilang dalawa. He's 28 while Grant is 25. How did he know that? That's why he needs to talk to that man.
"Are you sure, Gage? Hindi ba malaking problema iyan?"
He nodded. "I'm pretty sure it's just nothing, mom. And no, it's not big— it's just a small, like a piece of s**t," nakangiti niyang sabi.
"If you say so. Nasa kumpanya si Grant, fixing some small problems."
Napatango siya. His father owned the Martinez Grand Hotel and Resort. Sa kaniya ibinigay iyon ng daddy niya pero tumanggi siya kaya naman napunta iyon kay Grant. Ayaw niyang mamahala ng kumpanya, naiinis siya at baka masigawan lang niya ang mga empleyado niya. His work? Well, it decent. He's a taxi driver. Pero ang nakakatawa, hindi niya ipinapakita ang mukha niya. Nakataklob ang buo niyang mukha para hindi makita ang kaguwapuhan niya. Kahit gabi, ganoon ang set-up niya. Bonet, shades, and face mask. With that, it looks like he's faceless o kaya naman ay may itinatagong malaking sikreto kahit wala naman. The reason why he chose to be that, it's because he saw it better than to be a CEO. Malaki naman ang kinikita niya at hindi siya namomroblema sa mga expenses niya dahil marami siyang ipon sa bangko. He's not rich, his family does.
"Well, it's part of being a new CEO," natatawa niyang wika.
"So, saan ka na titira ngayon? Would you back in Baguio to live in the house that I gave you?"
He shook his head. "I'm sorry, mom, but no. Not now, but maybe soon. I rented an apartment, mas mura iyon kaysa sa condo."
"You know, between you and Grant, ikaw ang gusto ko." His mother walked towards him and slighty fix his messy hair. "Ikaw ang gusto ko dahil simple kang tao, anak. Hindi mo ipinapakita na mayaman tayo. Keep doing that, anak. That would be my pleasure."
"Mom, don't compare me and Grant."
"What? I'm not comparing you two, parehas ko kayong mahal, no. Walang pagkukumpara ang nangyayari, anak. Ang akin lang, iba ka kaysa sa kaniya. You're so simple and kind son to us so me and your father are lucky to have you and Grant," nakangiting sabi ng mommy niya saka niyakap siya.
Humiwalay din ito sa kaniya. Kaya naman tiningnan niya ang wrist clock niya. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto ang oras. It's already passed 12 PM and he needs to drive. Sa ganitong oras, marami na ang nag-uuwian.
"Mom, I need to go."
"Bakit hindi mo muna ako saluhan sa pagkain, anak? The foods are rea—"
He cut her off. He knew it's rude, but he needs to be hurry. "I'm so sorry, mom, but I really need to go. Sa susunod na lang po, mom." He kissed her forehead. "Promise, I won't break it."
Tanging tango lang ang isinagot ng mommy niya kaya naman kumaripas siya ng takbo palabas ng bahay ng mga magulang niya. Nang makalabas, nilapitan niya ang taxi car niya at ginawa ang dating gawi— sinuot ang bonet, shades, at face mask. After that, he drove the car.