CHAPTER 3

1680 Words
"ILANG araw ka nang ganiyan, anak. Hindi mo pa rin ba nakalimutan ang ginawa ng boyfriend mo?" Napa-angat ng mukha si Kara nang marinig iyon mula sa kaniyang mama. Nasa hapag sila at nag-uumagahan pero siya'y hindi kumakain dahil wala siyang gana at nang dahil iyon sa nangyari nitong nakaraang araw. Marvin cheated on her and it made her almost kill herself. She's about to cut her pulse when Kuya Gibbs came that's why she didn't continue it anymore at hindi iyon alam ng pamilya niya. Until now, that moment's still hunting her. The way how she became speechless for what she saw that night. Umuwi siyang luhaan at hindi na na-excite na makita ang papa niyang kakabalik lang mula sa malayo. Kailangan niyang mag-move on agad dahil hindi deserve ng manlolokong iyon ay ginagawa niya ngayon. Marupok siya, oo! Nodding, Kara answered. "Opo, mama. Ma, bakit sa lahat ng lalaking makikilala ko sa mundong ito, bakit si Marvin pa na lolokohin lang ako?" "Baka kasi hindi kuntento si Marvin," sagot ng Kuya Karlos niya na namasyal lang para dalawin sila. Tama, hindi kuntento ang lalaksot na iyon kaya niloko siya. Ayon ang naging rason nito kaya hindi niya ipagkakaila sa Kuya Karlos niya ang totoo. Pero imbes na magsalita, nanatili ang tingin niya sa mama niya dahil alam niyang mas may kabuluhan ang sasabihin nito. "Anak..." Hinawakan nito ang isa niyang kamay na nakapatong sa lamesa saka marahang minasahe. Magkatabi lang sila ng mga sandaling iyon. "Baka plano ito ng Diyos, Kara. Hindi natin alam ang nangyayari bawat araw at lalong-lalo na hindi natin alam ang gagawin ng mahal natin katulad na lang ni Marvin. Nagawa ka niyang lokohin at maaaring tama si Karlos. May mga lalaking gustong makuntento at kaysa sabihin sa kanilang mahal, mas ginagawa nilang miserable ang isa't-isa. Nanloloko na para makuha ang gusto at baka nakukulangan sa iyo. Kara, anak, alam mo ba ang dahilan kung bakit ka niloko ni Marvin? Sabihin mo at tutulungan kita..." Napapikit siya at mumulat din kalaunan saka bumuntong-hininga. "Hindi ko rin po alam, mama," pagsisinungaling niya. "Huwag ba po natin siyang pag-usapan dahil hanggat naririnig ko ang pangalan niya, nagiging sariwa po ang mga pangyayari sa aking isipan," sabi niya saka nagsimula nang kumain. "Huwag ko lang makikita ang lalaking iyon dahil mababangasan ko siya!" gigil na wika ng papa niya na nasa tabi ng mama niya. "Ako rin, hindi ko papalampasin ang ginawa niya sa iyo, Kara," ani naman ng Kuya Karlos niya. "Sama na rin ako, gusto kong upakan iyon, e," sabi pa ng isa pa niyang kapatid na si Kuya Jerome na mas bata sa panganay niyang kapatid na si Kuya Karlos. Lima silang magkakapatid. Ang panganay ay babae na si Ate Karina pero nasa America ito at nagtatrabaho roon bilang isang nurse. Sumunod naman si Kuya Karlos na nagtatrabaho bilang doctor sa isang malaking hospital dito sa Maynila at sinundan ito ng Kuya Jerome niya na isang manager sa hotel. Tapos siya, na isang waitress at sumunod sa kaniya ang bunso nilang kapatid na si Katarina na kasalukuyan pang nag-aaral ng high school. Magaganda ang trabaho ng mga kapatid niya kaya masasabi niyang maayos ang pamumuhay nila. May pamilya na rin ang tatlong nangunguna kaya sila lang ni Katarina ang nakakasama ang kanilang mama at papa. "Ano ba kayong tatlo? Huwag nga kayong magsabi niyan. Hayaan niyo na ang lalaking iyon at makakarma rin siya. Huwag niyong gagawin iyang mga pinagsasabi niya dahil naku, makakatikim kayong tatlo sa akin lalo ka na, Juancho!" madiing sabi ng mama niya saka binalingan ang asawa nito. Juancho ang pangalan ng papa niya. "Katrina, hindi ko iyon gagawin dahil alam kong may kapalit iyon. Joke-joke lang iyon, mahal," nangingiting sabi ng papa niya sa mama niya at nang-aasar nitong pinagsusundot ang tagiliran ng asawa. Nagtawan na lang silang lahat. Nakakalito ang mga pangalan nila dahil halos magkakapareha. Katrina, Karina, Kara, at Katarina. Mabuti naman at madali lang maisaisip iyong pangalan niya hindi katulad ng sa tatlo. "Stop na, papa, nakakainggit na kayo ni mama," mayamaya pa'y sabi ni Katarina. Tumigil ang papa nila. "Bitter ka, anak. Bakit hindi ka na lang mag-boyfr—" "Pa, ayaw ko pong mapagaya kay Ate Kara, no. Natatakot na po ako sa mga lalaki, baka lokohin lang din po ako," nakangusong sabi ni Katarina kapagkuwan. "Huwag ka munang magbo-boyfriend, Katarina dahil bata ka pa. Tapusin mo muna ang pag-aaral bago ka sumabak sa ganiyang buhay dahil maaapektuhan niyan ang pag-aaral mo. Nagkakaintindihan ba tayo, Katarina?" Ang mama niya. "Opo, mama," tatango-tangong sagot ni Katarina. "You can have boyfriend, but you should know your limit. At the age of 17, may girlfriend na ako that time. E, ikaw, magde-debut ka na nga next month, wala ka pa ring boyfriend," ani Kuya Jerome kay Katarina. "Jerome's right, know your limit, Katarina," wika naman ni Kuya Karlos. Tumango lang si Katarina. Nag-usap pa sila ng kung ano-ano. Napag-usapan din nila ang paparating na debut ni Katarina sa isang buwan. Oo, pinaghahandaan nila iyon dahil isang beses lang namang nangyayari iyon sa buhay. Engrande ang gusto ni Katarina na pinagbigyan nila lalo na ang mga kapatid niyang magaganda ang trabaho lalo na ang Ate Karina niya na uuwi pa para lang sa kaarawan ni Katarina. Masasabi ni Kara na suwerte siya sa pamilya niya. Tama lang ang buhay nila, at wala na siyang mahihiling pa. Nang matapos silang kumain, umalis na ang dalawa niyang kuya dahil magtatrabaho na ang mga ito. Samantalang si Katarina ay nag-aayos na dahil papasok na ito. At siya naman ay nagtungo sa salas ng bahay nila at umupo sa sofa. Mamaya pa naman ang pasok niya kaya rito muna siya para mag-isip ng kung ano-ano. "Ayos ka lang ba, anak?" Natigilan na lang siya nang marinig iyon. Nang balingan iyon ni Kara, nakita niya ang mama niya na papalapit sa kaniya. Nang makalapit, umupo ito sa tabi niya. Ngumiti siya at paharap na umupo rito. "Ayos naman po ako, mama. Nga po pala, may sasabihin po ako sa inyo." "Ano naman iyon, anak?" "Ma, puwede po bang mag-solo muna ako. I mean, gusto ko po munang mapag-isa dahil sa nangyari. Napag-isipan ko po kagabi na what if umupa ako ng apartment at doon muna tumira? Hindi naman po sa ayaw ko rito, mama. Ang sa akin lang po ay gusto ko lang po talaga mag-isa." Ngumiti ang mama niya. "Naiintindihan kita, anak kaya kung ano ang gusto mo, payag ako. Umupa ka, sige. Pero mag-iingat ka, okay? Huwag kang magtiwala kaagad sa mga tao lalo na sa mga lalaki. Huwag mo ring kalimutan na pasyalan kami, ha?" Napangiti siya. Mabuti naman at hindi tutol ang mama niya sa desisyon niya. Ang papa na lang niya ang kaniyang problema. Pero alam niyang papayag din ito dahil sa mag-asawa, ang mama niya ang pinakang-istrikto pero nagawa niyang pumayag ito. "May malapit po na apartment building sa pinagtatrabahuhan ko, doon na lang po ako uupa para malapit. Sayang naman kasi iyong magiging pamasahe ko," saad niya. "Mabuti iyan at makakatipid ka. Huwag mo nang isipin si Marvin, makakagulo lang iyan sa buhay mo, anak. At kapag ginulo ka niya, tawagin mo ako para makausap ko siya, okay?" Tumango siya. "Opo, mama. Salamat po at pumayag kayo." "Walang anuman, anak. Basta ikaw, hindi ko mahihindian kasama ang mga kapatid mo dahil kapag alam kong makakatulong ang gusto niya sa inyo, papayag ako." Muli siyang napatango at niyakap ang kaniyang mama. Matapos noon, kinausap naman niya ang papa at masaya siya dahil pumayag din ito kaya naman masaya siyang nag-ayos para makapunta na sa restaurant. Nang makatapos, nagpaalam muna siya sa mama niya na abala sa pagbabasa ng magazine sa salas bago lumabas ng bahay. Mula sa labas ng gate, nakita niyang may nakaparadang kotse roon. Napailing siya at naglakad na palabas. Saktong paglabas niya ay bumukas ang bintana ng sasakyan at sumilip doon ang papa niya. "Papa?" Napakunot-noo siya. "Sakay na, anak at ihahatid kita sa pinagtatrabahuhan mo," nakangiti nitong turan. Napakibit-balikat na lang siya at pumasok na sa loob. Wow, ang ganda tapos amoy na amoy niya na bago ito. "Sa inyo po ito, papa?" taka niyang tanong saka nilingon ito. "Oo, anak, akin ang sasakyang ito. Bunga ito ng paghihirap ko sa Dubai. Magagamit natin ito sa pang-araw-araw natin, anak." "Wow! Congrats, papa. I'm so happy for you." "Salamat, anak. Tara na at lalayag na tayo!" tatawa-tawa nitong turan kaya wala siyang nagawa kundi ang sumabay sa pagtawa nito. Mayamaya pa ay pinaandar na nito ang kotse patungo sa lugar kung saan siya nagtatrabaho. HALOS kalahating oras ang byinahe nang makarating sila sa The Grill House, ang fast food chain restaurant na pinagtatrabahuhan niya. Ipinarke ng papa niya ang kotse nito sa parking lot ng restaurant kaya naman lumabas na siya. Sumunod naman ang papa niya. "Salamat po sa paghatid sa akin, papa," nakangiti niyang sabi. "Walang anuman, anak. Anak kita kaya dapat lang na ihatid kita. Nga pala, ano bang oras ang awas mo? Gusto ko sanang sunduin ka, e." At nagkamot ito ng ulo. "9:30 po, papa. Pero hindi po palagi, minsan alas-diyes na ng gabi." "Sige, susunduin kita mamaya, ha? Hintayin ko ako at huwag na huwag kang aalis kapag wala pa ako. Magte-text na lang ako sa iyo. Nabalitaan ko rin sa mama mo na nahihirapan kang sumakay sa gabi dahil maunti na lang ang nadaang taxi kaya asahan mo ako mama, Kara." Napatango si Kara. "Opo, papa. Sige na po, papasok na po ako at baka ma-late po ako." Tanging tango lang ang naisagot nito sa kaniya kaya naman nilapitan niya ito at yumakap saka naglakad na patungo sa restaurant na malapit lang sa kanila. Dinako niya ang entrance sa loob, wala pa namang mga tao. Iyong male-late siya, gawa-gawa niya lang iyon. Dito kasi sa trabaho niya, ayos lang ang ma-late dahil iyon mismo ang sinabi ng may-ari nito na si Ms. Daisy Macalintal. Mabait iyon pero minsan lang pumunta rito dahil mas pinagtutuunan nito ng pansin ang isa pa nitong restaurant na naka-base rin dito sa Maynila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD