Shynelle HINDI NA MAPATID-PATID ang mga luha ko habang biyahe patungo sa airport. Walang kapantay ang sakit na nararamdaman ko ngayon sa dibdib. Umasa pa rin ako kanina na bakasakaling magbago pa ang tadhana naming dalawa ni Chase. Na bakasakaling matuloy pa rin ang kasal naming dalawa. Pero sa mga nakita kong 'yon kanina, tuluyan na niyang winasak ang natitira pang tiwala at pagmamahal ko para sa kanya. Doon ko napatunayang wala na talaga. Niloko niya lang ako. Napasinok ako at nahirapang huminga. Punong-puno at napakabigat ng dibdib ko. Bigla naman akong hinila ni Kuya at dinala sa dibdib niya. Niyakap ko na siya at ibinuhos ang lahat ng luha ko sa dibdib niya. "Kuya..." "He's a f*****g worthless man. He'll be a loser soon..." aniya habang hinahagod ang likod ko. "I will never let