Episode 2

2224 Words
Chapter 2 Areana Naglalakad ako sa highway dito sa New York. Papasok na ako sa aking trabaho bilang isang designer. Malapit lang ang tirahan ko sa buliding na pinapasukan ko. Sobrang natutuwa ako at naaliw sa trabaho ko. Lalo na ngayon at may isang kompanya na kumuha sa akin; ang FGM Company. Isa akong designer ng mga damit sa branch nila dito sa New York at hindi ko inaasahan na maraming magkakagusto sa mga design ko. Palagi nga itong naso-sold out sa FGM mall dito sa New York. Laking tuwa ko nang sabihin sa akin ng superior ko na sa buong FGM mall na makikita o mabibinta ang mga design ko. Kaya, ang swerte-swerte ko talaga. Akalain mo ba naman bago lang ako sa industriyang ito ay nakakuha kaagad ako ng sampong taon na kontrata sa FGM Company. "Wow! Oh, ‘di ba, napaka-amazing 'yon.” Well, gano’n talaga siguro ang charisma ko. ‘Yong mga fashion show na sinalihan ko last year sa Nevada ay nanalo pa ako, oh, ‘di ba? Ang galing-galing ko. Pero sa tuwing sasali ako sa mga fashion show at lalabas ako sa tv o magazine ay lagi akong naksuot ng maskara. Alam niyo ba kung bakit? Isa lang ang dahilan, gusto ko mamuhay ng simple lang, ‘yong makapaglakad ako sa mall na walang nang-i-isturbong mga fans sa akin. Alam niyo naman kapag sikat ka na ay hindi ka makapasyal mag-isa. Kaya, ayaw ko ng gano’n. Gusto ko kasi makapunta sa palingki na walang nakakakilala sa akin. Maliban lang sa mga kasamahan ko sa trabaho at sa Daddy ko. Ako nga pala si Areana De Villa, dito na ako namulat sa New York. Thirty three years old na ako. Single, pero maraming mga manliligaw. Minsan pa nga kapag nasa office na ako ay maraming tumatawag sa akin na mga manliligaw ko sa telepono. Minsan ‘yong ibang tumatawag sa akin ay mga na-curious lang sa akin, kung ano ba ang mukha ko? Bakit lagi ako nakatago sa maskara? Pangit ba raw ako o may piklat sa mukha? O kasing pangit ako ni Betty Lafeya? Pero hinahayaan ko na lang sila dahil ang totoo maganda ako at maputi saka sexy. Ngayon ay nakakapaglakad ako sa kalye na walang nakakapansin sa akin kung sino ako. Kilala lang ang pangalan ko pero hindi ang mukha ko. Kaya, malaya ako na nakakapunta kung saan-saan. Papunta ako ngayon sa aking trabaho. Pagdating ko sa buillding na pinapasukan ko ay binati ako ng guardia. "Good moorning, Miss De Villa." "Good morning," ngiting bati ko at dumaretso sa elevator. Agad kong pinindot ang button sa 3rd floor nang nakapasok ako sa loob ng elevator. Maya pa ay nakarating sa 3rd floor at agad akong nagtungo opisina. Sa pintuan pa lang ako ng opisina ay masigabong palak-pakan naman ang sumalubong sa akin. "Congratulations! Wooo!'' sigawan ng mga kasamahan ko sa trabaho. May mga balloons at cake silang inihanda para sa akin. Napaawang ang labi ko literally dahil sa surpresa nila sa akin. "Hahahaha, ang dami n'yong pakulo, ha!'' natutuwa kong sabi sa kanila. ''Syempre, dahil dalawang taon ka pa lang ditto ay limpak-limpak na pera na ang dinala mo sa kompanya," ngiting sabi ni Claris na kaibigan ko rito sa New York. Isa rin siyang designer ng mga damit. ''Congratualation, Areana! Nakuha mo ang isang big time contract na inaasam-asam ng marami,'' bati naman nng head designer namin na si Ate Violeta. ''Uhmm… Nakaka-touch naman. Thank you, rin po sa inyo dahil binigyan niyo ako ng pagkakataon na ipakita ang talent ko,'' emosyonal kong sabi sa kanila. ''Lahat naman tayo may pagkakataon na ipakita ang mga talent natin, kaya congratulation sa’yo!'' bati ni Annabel na kasamahan ko rin sa trabaho. ''O sige na, Mamaya na natin kainin ang inihanda natin para kay Areana. Oras na ng trabaho baka mamaya maabutan tayo ni Sir Clark,’’ saad ni Ate Violeta na ang tinutukoy nito ay ang pinaka-superior head and Presedent namin. Agad kaming nagtungo sa mga pwesto namin. Naupo na ako sa aking lamesa at kumuha ng papel saka lapis para magsimulang gumuhit ng bagong design na naaayon sa buwan na ito. ''Oy, bruha. Ang swerte mo talaga,'' turan ni Claris na nakaupo na sa pwesto niya. ''Bahagian mo naman ako ng swerte mo,'' sabay nguso pa niya sa akin. ''Para kang sira! Nakatyamba lang ako, noh?'' sagot ko. ''Paano kung mag-request ang Presedent ng FGM Mall na ilipat ka sa Holand? Papayag ka ba?'' tanong pa nito. ''Bakit naman ako ililipat? Eh, pwede ko naman e-send sa email ang mga design ko,'' sagot ko kay Claris. ''Saka hindi pa naman natin alam kung papatok ang mga designs ko sa Holand." ''Ay, nako! Marami na nga ang bumibili online na taga-Holand.'' ''Well, let us see. Wala namang masama kung pupunta ako ng Holand para doon magtrabaho,'' kibitz balikat kong tugon kay Claris. Naputol ang usapan namin ni Claris nang tinawag ako ni Ate Violeta. "Areana, may tawag ka sagutin mo na lang diyan sa telepono na nasa harap mo at naka-connect na ‘yan diyan.” ''Sino raw, Ate? Malamang mga stalker ko na naman ito o mga gusto lang manligaw,'' nakasimangot kong sabi at dinampot ang telepono na nasa harapan ko. Si Claris naman ay tumaas ang kilay sa huli kung sinabi. “Sagutin mo na lang,’’ utos ni Ate Violeta sa akin. ''Helo! Who’s this?'' pataray kong sagot sa kabilang linya. ''Can I speak to Ms. Areana De Villa?'' tanong ng isang baretonong boses sa kabilang linya. ''Speaking, what do you want? Who are you?'' pagtataray ko pa rin na tanong. ''I’m Gabriel Finn Moore, I have something to discu-'' May sasabihin pa sana ito nang inagaw ko na ang sasabihin niya. "Hindi kita kilala, kung gusto mo akong ligawan pwes I'm sorry to tell you, but im not interested nagsasayang ka lang ng oras at sinasayang mo lang ang oras ko dahil marami pa akong ginagawa. Kaya, huwag kang umasa na sasagutin kita dahil hindi ako nag-e-entertain ng manliligaw! Bye!'' pagkasabi ko ay ibinagsak ko ang telepono. ''Hoy! Sino raw 'yon? Manliligaw mo? Grabe ka sa mga manliligaw mo, ha! Basted kaagad? '' sunod-sunod na sabi ni Claris. ''Mabuti na ‘yong daretsahan kaysa naman magpaligo-ligoy ka pa,'' pairap kong sagot kay Claris. Maya-maya pa ay tumunog ulit ang telepono at sinagot ko ulit. ''Hello, this is Areana De Villa of FGM company what can i do for you Ma’am/Sir?'' agad kong sagot sa kabilang linya ''Miss De Villa-" hindi na naman nito natapos ang sasabihin at nagsalita na naman ako. ''Oh, its you again. Sinabi ko na sa’yo wala akong panahon makipag-entertain sa’yo, okay? Kaya huwag ka nng tumawag! Kung tumawag ka para hingiin ang personal number ko. Pwes! Hindi ko ibibigay sa'yo!'' suplada kong sabi sa kabilang linya. 'Hindi mo ba kilala kung sino ang kausap mo?" sarkastiko nitong tanong na halata sa boses ang pagkainis. ''I don’t care even you are the President of the United Kingdom! Basta ang sinasabi ko sa'yo wala akong oras makipag-usap sa mga manliligaw ko. Babo!" sabay ibinagsak ko ulit ang telepono. ''Ang aga-aga nakakainit nng ulo. Isa pang tawag n'yan babagsakan ko ulit siya ng telepono,'' maktol kong sabi. ''Mamaya client 'yan,'' paalala ni Claris sa akin. ''Lalaki? Kadalasan na tumatawag sa atin puro babae. Kaya sigurado ako na isa lang iyon sa mga stalker ko at gusto lang sirain ang araw ko,'' nakasimangot kong sagot kay Claris. ''Sabagay tama ka,'' kibit balikat na sang ayon ni Claris sa sinabi ko. Nag-focus na lang ako sa pagguhit ng gown na ere-present ng modelo ng FGM Mall dito sa New York sa susunod na buwan. Nasa kalagitnaan na ako ng pagguguhit nang bumukas ang pinto ng opisina at inuluwa si Sir Clark. ''Areana!" tawag nito sa akin. ''Yes, Sir!'' agad ko namang sagot at tumayo. ''Bakit mo sinungitan at binagsakan ng telepono si Mr. Moore?'' nakakunot-noo nitong tanong sa akin. ''Eh, sino po ba ‘yon, Sir? Akala ko kasi mga stalker ko lang,'' kibitz balikat kong sagot. ''Anong stalker ang pinagsasabi mo? Nagpakilala na nga siya sa’yo, ‘di ba? Siya si Mr. Moore; ang may-ari ng buong FGM Company at FGM Mall sa buong bansa.’’ Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Sir Clark at gano’n din si Claris na nagulat pa sa sinabi ni Sir Clar. '''Yan kasi! Lagot ka, Areana,'' pananakot ni Claris sa akin. ''I-i-ibig sa-sabihin siya ang may-ari ng kompanya?'' nalilito kong tanong. ''Oo, at bahala ka magpaliwanag sa kaniya! Oh, sagutin mo!'' sabay abot ni Sir Clark ng cellphone niya sa akin. Nanginginig ang mg akamay ko nang abutin ang cellphone ni Sir Clark. “A-anong sasabihin ko?'' pabulong kong tanong kay Sir Clark. ''Ano pa? E ‘di, humingi ka ng sorry. Grrr…'' gigil ni Sir Clark sa akin at kulang na lang ay tirisin niya ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kinakabahan ako at dahan-dahan na inilagay ang cellphone sa aking tainga. ''He-hello, Sir?" kabado kong sabi sa kabilang linya. "Miss De Villa! Ganiyan ka ba makipag-usap sa ibang tao?" mataas na boses nitong tanong sa akin. ''Si-Sir!'' nauutal kong sabi. ''Pa-pasensiya na po. A-akala ko kasi-'' naputol ang sasabhin ko nang magsalita siya. ''Akala mo ano? Manliligaw mo? For your information wala sa isip ko ligawan ang isang katulad mo. Kaya, huwag kang assuming! At dahil sa pakikitungo mo kanina sa akin puputulin ko na ang kontrata sa’yo!" banta nito sa akin. Uminit ang ulo ko sa sinabi niya. Ayaw ko kasi na pinagbabantaan ako. Kung gusto niya e-cancel ang kontrata e ‘di e-cancel niya! Hmmpp! Pero nakapanghihinayang naman. "Sir, pasensiya na po talaga. Tatanggapin ko po kung ano ang gusto ninyong parusa sa akin pero huwag niyo lang po putulin ang contrata ko sa inyo," pakiusap ko0 sa kaniya. Syempre saying ang opportunity na iyon. "Alam mo, Miss De Villa, magaganda sana ang design mo. Kaso, kung ano kaganda nang design mo gano'n din kapangit ng ugali mo! Sana hindi gano'n kapangit ang mukha mo. Para naman kahit paano may maganda pang natitira sa’yo." Umuusok ang tainga ko sa pang-iinsulto niya sa akin. Sino siya para pagsabihan ako ng gano'n? Wala pa kahit isang lalaki ang nakapag-insulto sa akin ng ganoon. Mabuti at sa cellphone kami nag-uusap dahil kung hindi baka nasipa ko na siya sa itlog! May-ari lang siya ng kompanya na pinagta-trabahuhan ko rito sa New York. Kaya, wala siyang karapatan na insultuhin ang pagkatao ko pero syempre kailangan ko muna magtimpi. "Sir, kung pangit man ang ugali ko depende na lang po iyon sa mga taong kausap ko. Kung may gusto po kayong sabihin sa akin sabihin niyo na lang po. At wala po kayong karapatan na insultuhin ako," mahinahon ko pang sabi sa kaniya sa kabilang linya pero ang totoo ay nanggigil na ako. "Ha! hindi kita iniinsulto, Miss Areana De Villa. Sinasabi ko lang ang totoo. Tumawag ako para sana magpagawa ng design para sa anak ko. Kaya, huwag kang mag-assume na tumawag ako para ligawan ka dahil ngayon pa lang sinasabi ko sa’yo hindi kita gusto at hindi kita type! Sa ugali mo pa lang nakaka-turn off ka na!" prangka nitong sabi. Lalo akong nanggigil at pakiramdam ko umuusok na ang ilong ko sa sobrang inis sa kaniya. "Excuse me po, Sir. Hindi po ako nag-a-assume, noh! At hindi naman kita magugustuhan dahil maliban sa may-anak at asawa ka na napaka-arogante pa ng ugali mo!'' hindi ko napigilang sabihan siya ng masama. Aba, ano siya hello? Matapos niya ako insultuhin gano’n-gano’n na lang? Wala akong pakialam kung may-ari man siya nag buong Universe. ''Ako pa ang arogante ngayon? Eh, ikaw nga itong masiyadong mataas ang tingin sa sarili. Huwag mo akong galitin, Miss Areana de Villa. Kung mahal mo ang trabaho mo matuto kang magpakumbaba dahil kapag ako napikon sa’yo baka mawalan ka career,'' banta pa nito sa akin. ''Sir, kung pinagbabantaan niyo po ako, pwes! Hindi ako natatakot. Kung gusto niyo e-cancel ang kontrata, e ‘di gawin niyo! Hindi lang naman kayo ang nag-iisang company sa mundo, noh?'' naiinis kong sagot sa kaniya. Nanlalaki na ang mga mata nina Claris at Sir Clark sa sinasabi ko sa may ari ng kompanya. Napapakamot na lang ng ulo si Sir Clark. ''Lung 'yon ay may tatanggap pa sa mga gawa mo at kung may kompanya pa na tatanggap sa’yo dahil isang pitik ko lang mawawalan ka ng career, kaya kung ako sayo magpakabait ka na lang. I give you another chance, Miss Areana!'' diin nitong sabi at pinatayan na ako ng cellphone. ''Grrrrr... Napakayabang naman niya!'' inis kong wika at inabot ang cellphone kay Sir Clark. '' Areana, what are you saying to Mr. Moore? Hindi mo ba kilala ang kausap mo?'' problemadong tanong ni Sir Clark habang salubong ang mga kilay nito. ''Ngayon ko lang po nalaman na siya ang may-ari ng FGM Company. Saka napakasungit niya! Wala siyang karapatan na insultuhin ako,'' inis kong sagot kay Sir Clark. ''Well, it's up to you. Bago ka pa lang sa larangan ng mga designer ng mga damit, kaya huwag kang pakampante dahil kapag nainis sa’yo si Mr. Moore, baka mawalan ka ng career. Hindi magandang kalaban si Mr. Moore, dahil ma-impluwensya siyang tao,'' paalala pa ni Sir Clark at tumalikod na ito. Napaawang ang mga labi ko sa narinig mula sa kaniya. Masyado ba ako naging masungit kay Mr. Moore? Nako, lagot na. Paano na lang kapag totoo ang banta niya? Nako, hindi pwede kailangan magpakumbaba ako sa kaniya. Haysss… Nakakae-stress naman ang araw ko ngayon. Minabuti ko na lang na umupo at gumuhit ulit kaysa naman kung ano na naman ang maisip ko. ''Ayan kasi napakasungit mo. Nakakita ka ngayon ng katapat, ano?'' pang-iinis pa sa akin ni Claris. ''Huwag mo na nga akong sermonan diyan! Dagdag ka pa ng iisipin ko. Siguro ang pangit ng Gabreil na 'yon matandang uhugin na siguro 'yon,'' nakasimangot kong sabi kay Claris. Nagkibit balikat lang ito at tinuon ang atensyon sa pagguguhit at gano'n na rin ang ginawa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD