Chapter 3
Gabriel
Nasa opisina ako nang panahong tumawag ako sa New York. Hiningi ko ang number ng opisina na pinagta-trabahuhan ng Areana na iyon sa secretary ko. Para sana magpagawa ng design ng gown ni Gabby para sa kaarawan nito. Pero ang masungit na babae kung ano ang pinagsasabi at dalawang beses pa akong binagsakan ng telepono. Kaya, ang sakit ng tainga ko sa ginawa niya. Kung hindi lang ito nakalagda sa kontrata malamang ay hindi ko na itutuloy ang pagiging designer nito sa kompanya ko dito sa Holand.
Masyadong assuming ang babaeng iyon. Kung ano kaganda ng mga design niya gano'n naman kapangit ng ugali niya. Siguro matandang dalaga iyon o menopos na. Kaya, nangigil ako sa kaniya. Paparusahan ko ang babaeng iyon.
Sasabihin ko sa management sa New York na ilipat ang babaeng iyon dito sa Holand. Nang sa gano'n ay mababantayan ko ang kinikilos niya at iinisin ko siya. Tingnan natin kung hanggang saan ang pagsusungit niya sa akin. Baka hindi niya makayanan at makikiusap siya na tanggalin ko na lang siya sa kompanya.
''Miss Belmonte come to my office!'' tawag ko sa aking secretary.
Agad naman siyang pumasok sa opisina ko.
''Yes, Sir?'' malandi nitong sabi sa akin at nagrampa pa ito palapit sa mesa ko. Saka itinukod ang mga kamay sa mesa na parang nang-aakit ito. ''What do you want, Sir? Do you want coffee tea, or me?'' sabay kindat nito sa akin.
''Tsss... Umayos ka nga! Nakakadiri ka,'' saway ko sa kaniya.
Mabuti at umayos naman siya ng tayo. ''Hayss, si Sir talaga napakaprangka. Binibiro lang naman, eh! Nandidiri kaagad,'' sabay padyak niya ng kaniyang paa at inirapan ako.
''Miss Belmonte, gusto mo pa bang tumagal bilang secretary?"
'' Ofcourse naman, Sir! Pero mas maganda kung magiging kasintahan niyo ako, Sir,'' biro pa nitong sabi na nakangiti sa akin.
''Miss Belmonte, magpasa ka na ng resignation ngayon na!'' seryoso kong utos ko sa kaniya.
''Bakit po, Sir? Gagawin niyo na po ba akong kasintahan niyo?'' ngisi pa ng baliw kong secretary.
'' Hindi! Gagawin kitang tagakuskos ng banyo sa buong building na ito kung hindi ka pa titigil sa kakapantasiya sa akin,'' banta ko sa kaniya.
''Sir, naman! Hindi mabiro. Hindi ka na nasanay sa akin. Kuntinto na akong kasama mo araw-araw bilang secretary mo,'' seryoso nitong sabi pero nakahaba ang nguso.
''Mabuti naman kung gano'n! Ibigay mo sa akin ang imformation ni Miss Areana pati ang larawan niya,'' Utos ko habang pinipirmahan ang ibang mga papeles.
Napataas naman ito ng kilay na seryosong tumitingin sa akin.
''Don't tell me, Sir, na gusto mo si Miss Areana? Hummmp!'' pairap nitong tanong.
''Oo, I like to smash her face! Nang sa ganoon mabawasan ang katarayan niya!'' nainis kong sagot sa secretary ko.
Napalunok ito ng laway sa sinabi ko. ''Grabe ka naman, Sir!''
''Bilisan mo na! I-research mo ang information ng Areana na iyan.''
''Okay, Sir,'' sang-ayon niya at lumabas na ito. Napapa-iling na lang ako na sinundan siya ng tingin.
Kahit ganon si Miss Belmonte ay mabait naman ito. Parang kapatid na ang turing ko sa kaniya. Matagal na rin siyang nagta-trabaho sa company bilang secretary ko.
Maya-maya pa ay tinawagan ko ang kaibigan kong si Dexter, nasa Australia ito nagho-honey moon kasama ang asawa nito na si Hanna. Two years ago ay pinakasalan niya na si Hanna.
Dineial ko ang number nito sa Australia. Maya-maya pa ay sinagot niya na ito.
''Ohh! Ano ang problema mo?'' parang naiinis nitong sagot sa akin.
''Bakit? Porket tumawag ako ay problema na agad? Hindi ba pwedeng nanga-ngamusta lang sa baliw kong kaibigan?'' naatawa kong sagot sa kaniya.
''Tsssss... Wrong timing ka kasi alam mong nasa honeymoon kami nang asawa ko, eh. Tapos tatawag-tawag ka?”
Halata sa boses nito ang pagkairita at nabitin yata ang loko.
''Hahaha... Kaya, pala ang init ng ulo mo. Naudlot ko yata ang init ng katawan mo,'' natatawa kong turan sa kaniya.
''Ano pa nga ba? Sa sunod pare huwag mo namang itama sa oras na kung kailan na gigil na gigil na ako eh saka ka mang-isturbo. Pasalamat ka at wala si Allysa dahil kung nasa tabi mo lang siya iisturbuhin rin kita,'' natatawa na rin na sabi ni Dexter.
''Hahaha… Well sorry na lang. Bumawi ka na lang mamaya. Kumusta na ang mag-ina mo?'' tanong ko sa kaniya.
''Okay, lang naman at bago ang kaarawan ni Gabby, uuwi kami. Para makadalo kami sa kaarawan niya. Nami-miss na nga siya ni Angelo, eh. Kumusta na ang mga bata?'' tanong niya.
'' Mabuti naman sila. Kaso nakukuha na ni Gabby ang ugali nang ina niya. Minsan napakadaldal at napaka-strikto sa kapatid niya kay Finn. Pero minsan naalala niya pa rin ang ina niya,'' sabi ko kay Dexter.
''Nami-miss ko na ang mga bata. Saan magce-celebrate ng kaarawan si Gabby?”
''Sa hotel na lang siguro gaganapin o 'di kaya sa Queen resort. Hindi ko pa natanong kay Gabby kung saan ang gusto niya. Pero may napili na siyang designer sa gown niya,’’ sabi ko kay Dexter.
''Itanong mo kay Gabby kung ano ang gusto niyang pasalubong. By the way sino ang gusto niyang mag-design ng gown niya?'' tanong nito.
''Isang sikat na designer na pagit ang ugali. Actually sa New York siya ngayon. At designer siya a FGM Mall sa New York. Kaya, kinuha ko na rin siyang designer sa buong FGM mall,'' sagot ko kay Dexter.
''Pangit ang ugali? Eh bakit mo naman kinuha na designer kung pangit ang ugali?'' tanong pa nito sa akin.
''Maganda naman kasi ang mga design niya. Kaya, lang kung ano ang kinaganda ng mga gawa niya, gano'n rin kapangit ang pag-uugali ng babaeng iyon,'' sagot ko kay Dexter at umiinit ang ulo ko kapag naalala ko ang pagtataray ng babaeng iyon sa akin.
''Sino ba ang babaeng iyon, ha? At para yatang napakainit ng ulo mo sa kaniya?'' natatawang tanong ni Dexter.
''Eh, paano sa unang pag-uusap namin tinarayan niya na ako. Saka ang lakas ng tupak sa ulo. Napaka assuming niya feeling maganda. Areana De Villa ang pangalan niya,'' naiinis kong sumbong kay Dexter.
''Areana De Villa? ‘Yong sikat na designer sa New York? ‘Yong laging nakamaskara?'' sunod-sunod na tanong niya sa akin.
''Malay ko ba! Hindi ko pa nakita ang Areana na iyan! Baka naman nagtatago siya sa maskara dahil pangit rin ang mukha niya! Tsskk... tsskk… Design lang yata ang maganda sa babaeng iyon.”
Natatawa naman si Dexter sa huli kong sinabi.
''Well, malay natin baka naman nagtatago siya sa likod ng maskara ay dahil ayaw niyang pakaguluhan siya,'' pagtanggol ni Dexter sa babaeng iyon.
''Sos! Siya lang ang designer na nagtatago sa likod nag maskara. Pustahan tayo pangit ang pagmumukha nang babaeng 'yan dahil kung maganda 'yan sigurado na hindi magtatago 'yan sa likod nang maskara,’’ mapanglait kong sabi.
''Hahaha… Well, tingnan na lang natin. Kumusta mo na lang kami kina Gabby at kina Mama Meding,'' aniya.
Mama ni Hanna na asawa ni Dexter sa Manang Meding. Kukunin sana nila si Manang, kaya lang ayaw naman ni Manang iwanan ang mansiyon at masaya ito sa paninilbihan sa amin. Pero para ko na rin itong pangalawang magulang. Kaya, kumuha pa ako ng isang katulong para maging katuwang ni Manang sa paglilins nang mansyon.
''Okay, have a nice day. Ipag patuloy mo na ang ginagawa mo. Kumusta na lang kay Hanna,'' natatawa kong paalam kay Dexter at pinatay ko na ang cellphone saka naman ang pagpasok ni Miss Belmonte sa office ko may bitbit itong papel.
''Sir 'yan lang po ang nakuha kong information kay Miss Areana,'' aniya sabay abot nito ng papel sa akin.
Areana De Villa. Fashion Designer, 33 years old. Working at FGM Mall. Branch in New York.
First winning award in fashion show designer in Nevada.
At kalakip no'n ay isang larawan na suot-suot niya ang isang damit na kulay silver at makikintab at may hati iyon sa kaliwang bahagi nang hita niya. Slim ang pangangatawan nito at sexy ito tingnan. Pero pagdating sa mukha niya ay may suot siyang maskara na hugis paro-paro na kulay black nakatakip iyon sa buong mukha niya at kalahati ng labi niya lang ang nakalutang.
''Anong klaseng designer ito? Bakit lahat ng mga larawan niya ay nakamaskara?'' nagtataka kong tanong sa secretary ko.
''Mas kilala po kasi siya sa maskarang iyan, Sir! At kahit sino ay walang nakakakita ng mukha niya maliban lang sa malalapit sa kaniya,'' sabi ng secretary ko.
''Siguro pangit ang babaeng 'yan, kaya nakatago siya sa isang maskara,'' saad ko kay Joy at tiningnan mabuti ang larawan.
''Exactly, Sir. 'Yan rin ang tsismis na naririnig ko. Baka raw may scratch ang mukha niya o baka raw maraming tagyawat. O 'di kaya baka mukhang unggoy ang itsura niya,'' panlalait pa nito.
''Okay, go back to your work. Tawagan mo ang management sa New York na ilipat si Miss Areana rito sa Holand,'' seryoso kong utos kay Joy.
''Ibig sabihin Sir dito sa building na ito magta-trabaho si Miss Areana?'' natutuwang tanong ni Joy sa akin.
''Bakit? May problema ba?'' masungit kong tanong.
''Hindi po, Sir. Kundi natutuwa ako dahil isa rin po kasi akong naghuhumaling sa mga damit na design niya," excited nitong sabi."Saka idol ko kaya siya Sir, hehehe…"
"Tssss… Bumalik ka na nga sa table mo. Makapanglait ka kanina wagas tapos idol mo pala ‘yan," pagtamboy ko sa kaniya.
"Yes, Sir!" sagot niya at lumabas na ito habang tumatawa ng nakakainis. " Yes! yes! yes! Guy's! Maka-katrabaho na natin si Misa Areana! Yohh, hoooo!" sigaw pa nitong ibinalita sa mga kasamahan niya.
Napapa-iling na lang ako sa kabaliwan ni Joy. Hindi ko akalain na gano'n pala kasikat ang masungit na babaeng iyon na nakatago ang mukha sa isang maskara.
Makalipas ang buong araw ay maaga akong umuwi sa mansion. Naabutan ko naman si Gabby na nanggigil sa kapatid niyang si Finn.
''Gilbert Finn, naman kasi, eh! Sabi ko sa'yo huwag mong pakialaman ang mga gamit ko. Ayan tuloy sira-sira na ang mga color pencil ko. Tapos ginuhitan mo pa 'yong mga notes ko,'' sermon ni Gabby sa kapatid niya na magtatatlong taong gulang pa lang.
''Nyaanyayaya!'' sagot naman ng kapatid niya na hindi maintindihan ang sinasabi.
''Hay, nako! Nakakainis ka!'' maktol pa ni Gabby.
''Gabby, ano ba 'yan? Bakit mo pinapagalitan ang kapatid mo?'' tanong ko kay Gabby. ''Nasaan ba si Yaya Des?”
''Nagtempla po ng gatas ni Finn, Daddy,'' nakasimangot nitong sagot sa akin. “Tingnan mo Daddy ang ginawa ni Finn sa gamit ko, oh?" mangiyak-ngiyak na sumbong ni Gabby sa akin sabay pakita ng kaniyang mga gamit.
'’Eh, bakit naman dito ka gumagawa sa sala ng gawain mo sa school? Eh, kaya nga may study room ka 'di ba? Para doon ka gumawa ng mga gawain mo sa paaralan at hindi rito sa sala,” sabi ko at lumapit sa kanilang dalawa.
''Baby Finn, huwag mong pakialaman ang mga gamit ni Ate mo, ha?'' saway ko sa bunsong anak namin ni Allysa.
Tumango-tango lang ito at naiintindihan naman niya ang sinabi ko.
“Dedey, milk,'' hingi nito ng gatas sa akin.
''Sandali lang, Anak. Nagtimpla pa si Yaya ng milk mo,'' sabi ko at bumaling naman ang tingin ko kay Gabby na naluluha.
''Sweetheart, hayaan mo bibilhan na lang ulit kita ng gamit mo. Huwag ka nang malungkot, ha? Alam mo naman na wala pang kamuwag-muwang ang little brother mo,'' paliwanag ko kay Gabby at hinaplos ang buhok niya.
''Opo, Daddy,’’ tango nito sa akin. “Finn, huwag mo na pakialaman ang mga gamit ni Ate, ha? I love you,'' sabi niya kay Finn at hinalikan ang bunso nitong kapatid.
"Yav yo, Te,'' bulol na sabi ni Finn kay Gabby at pumalakpak.
''Sweatheart magpapagawa na ako ng gown mo sa ika siyam na kaarawan mo. Ano ang gusto mong kulay?'' tanong ko.
Ngumiti ito sa akin ng matamis. "Talaga, Daddy? Yehey! Gusto ko sana Daddy 'yong kulay light blue pero may halo siya na kulay baby pink,'' excited nitong sabi sa akin.
''Okay, don't worry dahil ipapagawa ko na ang gown mo kay Miss Areana,’’ sabi ko sabay haplos sa buhok niya.
''Yehey! I Love you, Daddy,'' tuwang-tuwa niyang sabi at tumalon-talon.
Maya-maya ay dumating na si Yaya Des. Kinuha nito si Finn sa akin at dinala sa silid nito para padedehin. Umakyat na rin ako sa taas para magbihis. Pero no'ng nasa itaas na ako ay napatingin ako sa kwarto ni Allysa. Pumasok ako sa silid ni Allysa. Hindi ko binago ang desinyo ng silid niya. Naroon pa rin ang mga gamit niya at mga collection ng bag na pinamili ko noong bagong kasal kami.
Alaga ito sa linis. Gusto ko man e-donate ang mga gamit niya pero ayaw ko itong pakawalan na tila ba naghihintay pa rin ako na bumalik siya. Katulad ng limang taon niyang pagkawala noon. Subalit ngayon ay naghihintay ako sa wala dahil alam ko na hindi na siya magbabalik pa sa akin.
Umupo ako sa kama at kinuha ang larawan niya na nakalagay sa gilid ng kama niya. Niyakap ko iyon at humiga sa kama. Hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko na hindi maiyak sa pagkawala niya. Sobrang miss na miss ko na ang asawa ko. Walang gabi na hindi ko siya maiisip. Sa bawat sulok ng silid na ito ay nakikita ko ang mukha niya. Ang pag talon-talon nito sa kama dahil sa takot sa daga na dinala ko sa kuwarto niya.
Kung maibabalik ko lang sana ang panahon. Sana niyakap ko na lang siya ng mahigpit noon. Sana sa huling sandali ng buhay niya ay ako ang kasama niya at nadamayan ko sana siya sa mga oras na nakakaramdam siya nang panghihina.
Sana sa huling sandali nang buhay niya ay na alagaan ko siya. Lalo na no'ng mga panahon na buntis siya sa bunso naming anak. At sana nakasama ko siya no'ng buntis na siya kay Gabby. Sana hindi siya tumakas noon sa kulangan. Pero wala ng magagawa ang sana ko dahil kahit gustuhin ko man na ibalik ang panahon ay hindi na maibabalik kahit ang buhay ng asawa ko. Ang magagawa ko na lang ay ikulong siya sa puso ko habang nabubuhay ako.