Chapter 15 Allysa Sa halip na dalawang linggo lang ang bakasyon ko ay umabot ng dalawang buwan. Nahuhumaling kasi ako sa lugar na pinagdalhan ni Mama sa akin. Sinabihan ko si Claris na siya na muna ang bahala dumahilan kapag hinananap na ako bilang Claris. Mabuti na lang at nagawa ko ng maayos ang gown ng anak ni Mr. Moore, at sabi ni Claris ay may little brother ito na nasa tatlong taong gulang. Kaya, ginawan ko ito ng tuxedo kapares nang gown ng panganay na anak ni Mr. Morre. Tinulungan ko rin si Claris gumawa ng gown ng mga kambal na pamangkin ni Mr. Moore. Kinuha ko ang isa at ako na ang gumawa. Madali ko naman natapos ang mga gown kahit nas Angel Hann resort ako. Natagalan lang kay Gabby dahil ginandahan ko ito ng husto. May mga dinagdag pa akong mga palamuti para magmukha itong