Chapter 14 Gabriel Matapos ang party ni Gabby ay nagpaalam na ang mga bisita. Sina Dexter naman Liam at Shiena ay nagpaiwan sa hotel. Nag-check in na lang muna sila dahil gabi na. Sa hotel na rin kami natulog ng mga bata habang si Daddy naman ay hinayaan ko lang siya na makipag-kwentuhan at makipagkulitan sa mga apo niya. Nasa lobby ako noon naninigarilyo nang nilapitan ako ni Clark Sebastian. ''Ang ganda nang party ng anak mo. Bukas ko na lang siguro kausapin si Miss Areana.” ''Gising pa naman si Miss Areana, kaya saglit lang at ipatawag ko,'' tugon ko sa kaniya. Tumango siya at umupo sa tabi ko. “Sige, Mr. Moor.” Tinawagan ko sa cellphone si Miss Belmonte dahil iisa Iang ang room nila ni Miss Areana. Agad naman nitong sinagot ang tawag ko. ''Good evening, Sir. What can I do f