Margauxʼs POV
"Yaya Soling! Yaya Soling!" tawag ko sa aking yaya nang umuwi ako galing eskuwelahan. Pagod na pagod ang katawan ko dahil sa maghapong activities. Samahan pa na nagpraktis kami ng mga kagrupo ko ng sayaw para sa aming practicum.
"O, Hija, nar'yan ka na pala. Ang aga mo ngayon, ah!" hindi makapaniwalang saad ni yaya sa akin nang lumabas sila galing kusina.
Ipinatong ko ang aking bag sa ibabaw ng mesa. Umupo ako at inunat ko mga paa ko para makapagrelaks ako kahit papa'no. "Maaga ba iyong alas singko ymedya, Yaya? Hapon na nga po iyon, eh! Dapat nga ay alas kuwatro ang uwihan namin dahil sa private school naman ako nag-aaral," reklamo ko. "Uhm, si daddy ho? Hindi pa ho ba umuuwi?" tanong ko pa kay Yaya Soling.
"Hindi pa, Hija. Alam mo naman ang daddy mo. Uuwi kung kailan gusto. Pero, ibinilin ka niya sa akin na kung sakaling makauwi siya ay mauna ka na raw kumain ngayong gabi dahil baka tulog ka na raw sakaling dumating siya," pahayag ni Yaya Soling.
Huminga ako nang malalim dahil lagi namang gan'yan si daddy simula nang mamatay si mommy. Kung hindi si Yaya Soling ang kasama ko sa hapunan ay mag-isa ko lang. Kaya, minsan ay mas gusto ko pang kumain sa labas kasama ang mga kaibigan ko.
"Alis na lang ho ako mamaya, Yaya. I want to go out with my friends," sambit ko. Halata ang lungkot ko sa aking boses.
"Okay, bahala ka, Hija at tatapusin ko ang ginagawa ko sa kusina," aniya sa akin.
Tumango lang ako. At hindi ko maiwasang hindi mag-isip. May pera nga kami. Magarang sasakyan, malaking bahay, at nag-aaral ako sa exclusive school. Pero, pakiramdam ko ay may kulang pa.
Tumayo na ako at tinungo ko ang kuwarto ko. I changed into short and sleeveless jeans that showed my cleavage because this is the only time I'm going to wear this, hindi gaya ng mga classmates ko na halos luwa na ang dibdib, masabi lang na malaki ang kanilang hinaharap. Pero, hindi ba sila nabibigatan? Well, I don't care!
Naglagay ako ng kaunting makeup sa aking chickbone at liptint. Muntik ko pang makalimutang alisin ang black shoes ko. Kinuha ko ang boots ko at sinuot ko iyon. At isinukbit ko na ang aking maliit na bag pack, saka na ako lumabas.
"Aalis ka na gan'yan ang suot mo?" untag sa akin ni Yaya Soling nang pumasok ito sa sala.
"Yes, Yaya. And what's problem to my OOTD?" ngiti na saad ko, sabay kindat sa kanya.
"Anong OOTD?" gagad nito sa akin.
"Outfit of the day, Ya! Uso ho ngayon ito, kaya rito muna kayo. Kung darating si daddy, pakisabi rin na huwag na nila akong hintayin at mauna na silang maghapunan," saad ko.
"Ewan ko sa inyong mag-ama. Iyan ang binilin ni Benedicto sa akin, tapos, iyan din ibibilin mo? Hays, magbilinan na lang kayong dalawa o tawagan mo na lang, buti pa. Pero, umuwi ka nang maaga para hindi ka pagalitan ni daddy mo, " paalala ni yaya sa akin.
"Kayo na ho, bahala, Ya. Alam n'yo namang napakabusy ni daddy, eh! Daig pa nila ang presidente. Sige ho, Ya! Bye," sambit ko. Nagflying kiss pa ako kay Yaya Soling at lumabas na ako.
"Aalis ho kayo, Senyorita?" tanong sa akin ni Kuya Kurby. Ang driver ko.
"Oo, Kuya Kurby, pero ako magmamaneho at magpahinga ka na lang," saad ko.
"Pero, baka pagalitan ako ni Don Benedicto kapag nalaman niya na—"
"Ako, bahala sa 'yo, Kuya Kurby kaya, bye," sambit ko. Kaya nagkamot na lang siya ng ulo. Sumakay na ako sa aking kotse. Ni-text ko si Monique at Nicole upang yayahin silang magdisco sa Bar Lust sa Ortigas. At agad rin naman silang um-okay sa text ko. Doon na lang kami magkita-kitang tatlo kaya dahil malapit lang naman sila roon.
Pagkalipas ng kalahating oras na biyahe ay nakarating na ako at nandoon na pala ang dalawang kaibigan ko. Hindi sila halatang mas excited sa akin.
"Uhm, beso-beso again kahit kanina lang tayo nagkahiwalay sa school," ani Nicole sa akin na niyakap ako at ganoon din si Monique.
"I'm sorry, if I'm late, Girls, but I like your ootd! It seems like we're going to a children's party," masayang saad ko sa kanila.
"Para ka ring namang bata sa suot mo. Teka, si puss in boots ba tatay mo?" pagbibiro ni Nicole sa akin. Kalaunay tumawa ito nang malakas.
"Uhm. . . Inumpisahan na naman ni Nicole ang kalokohan niya. Pero, Traffic ba sa daan, Margaux? Kasi, kanina pa kami narito," maarteng wika sa akin ni Monique.
"Not too much, pero, alam n'yo naman na hindi ako puwedeng magpatakbo nang mabilis like you, Girls," sambit ko. "At oo, nawawalang tatay ko si puss. Dahil ako si hello kitty," ngiti na sambit ko. "Pero, pasok na tayo dahil ganda ng tugtog," aya ko sa kanila.
"Okay! Let's party!" tili nilang dalawa.
Pinapasok naman agad kami ng mga bouncer dahil nasa eighteen na kaming tatlo, kaya itotodo ko na ngayon ang paglabas ko dahil kapag nalaman ito ni daddy ay hindi na ako makalalabas pa ng gabi.
Um-order kami ng isang ladies wine at iniinom agad namin iyon nang magyaya si Monique. Kaya tumayo kami at pumunta kami sa gitna at sinabayan namin ng indak ang tugtugin na touch by touch.
"Whoa! Yeah! Let's celebrate dahil nakalabas si Margaux!" sambit ni Nicole habang itinataas-taas niya ang mga kamay. Kaya, pati kami ni Monique ay nakigagaya na rin kami sa kanya.
"Let's cheer!" hiyaw ko. Itinaas ko ang baso na may lamang wine at nakipagtoast sa dalawa kong kaibigan. At sabay naming ininom iyon.
Ngunit tila nahihilo na ako kaya naglakad ako pabalik sa aming kinauupuhan nang ma-out of balance ako. Subalit may matigas na bisig na nakasalo sa akin kaya tiningala ko ito.
"Park Seo Joon?" sambit ko. Tila ang kaharap ko ay isang korean actor.
"Are you okay, Miss?" untag niya sa akin.
"O-Oo. Okay lang ako," saad ko. Tipid akong ngumiti sa kanya. "Thank you," pagpasasalamat ko pa.
"By the way, I'm Vanjour Quejanes," pagpakilala nito sa akin.
"M-Margaux," sambit ko.
"Bago ka lang dito?" tanong pa niya sa akin.
"Hindi naman. Uhm, sige. Roon na ako sa puwesto ko," saad ko sa kanya dahil hindi ko tipo ang pagtingin niya sa aking dibdib. Guwapo nga, pero iba ang dating niya. Something like, manyak*s, yuckk!
"Hoy, Margaux, sino 'yong guy na nakasalo sa 'yo?" tanong ni Monique nang umupo ito, kasama si Nicole.
Nagsalin ako ng alak at ininom iyon. "Nakita n'yo na pala akong natumba, hindi n' yo na ako nilapitan. At saka, hindi ko alam kung sino 'yong lalaki dahil hindi naman ako interasado sa kanya," pahayag ko.
Tinaasan ako ng kilay ni Monique. "Ang guwapo niya, pero hindi ka interesado? Ako na sana ang natumba para ako na lang sinalo niya."
"Tama!" sang-ayon naman ni Nicole kay Monique. "At siguro, panget ang gusto niyang makasalo sa kanya," dagdag pa nito sa amin.
"Tumigil na nga kayo. Kahiya tayo, oh! Ang ingay natin. Saka, mas maraming guwapo sa universidad kaysa sa lalaki na iyon," komento ko pa.
"Hindi mo ba tinanong name niya?" muling tanong ni Monique sa akin.
"Hindi. Kasi, siya ang nagtanong sa akin," saad ko. Tumingin ako sa puwesto niyong lalaking nakasalo sa akin at kinindatan niya ako. "Sh*t! Ayoko ng ma-feeling, eh!" kausap ko sa aking sarili.
"Ano sabi mo?" sabay na tanong sa akin ng dalawa.
"Wala! Dalian na nating uminom at sumayaw pa tayo ng isang beses dahil kailangan ko na ring umuwi," sambit ko.
"Gano'n? Ba't hindi mo na lang sulit in. Nandito ka rin lang ay sulit in na natin," ani Monique sa akin.
"Hindi nga puwede. O, sayaw na tayo mga girls at nasa mood magpatugtog ngayon ang dj," ani ko na muling tumayo dahil paborito kong tugtog ang dancing queen.
Nagpatianod na lang mga kasama ko at muli kaming sumayaw na tatlo at napapansin ko na nakatingin sa amin ang lalaki. Ang pagkakaalam ko ay Vanjour ang pangalan niya. Pero, wala akong paki dahil moment ko ito.
Pagsapit ng alas otso ay kanya-kanya na kaming sakay nina Monique at Nicole sa aming kotse. Ngunit hindi ko nagustuhan ang ginawa ng lalaking Vanjour dahil hinarang niya ako.
"Hey, Miss Margaux! Maybe, you want more drinks," anito sa akin.
"No, thanks. Ikaw na lang, bye!" gagad ko. At pinaandar ko na ang kotse ko. Nakita ko pa sa side mirror na sinundan pa rin ako nang tingin ni Vanjour at nakita ko pa kung paano siya ngumisi nang nakaloloko.
Pagdating ko sa bahay ay agad akong bumaba ng kotse dahil naroon na si daddy. Excited akong salubungin siya ngunit. . .
"Saan ka nanggaling?" matigas na tanong niya sa akin.
"I-In my friend's house," nauutal na sagot ko.
"In your friend's house, but look at you? Hindi halatang galing ka sa bahay ng kaibigan mo! Tell me, where have you been!" muling tanong ni daddy sa akin. Yumuko ako na para akong bata. And talaga namang bata pa ako kung itrato ni daddy dahil masyado niya akong pinaghihigpitan.
"I'm sorry, Dad. I want to hang out with my friends because you're always busy and you don't have time for me. So, I decided to go to the bar para magsaya," paliwanag ko sa kanya subalit nagulat ako sa pagsampal sa akin ni daddy.
"Benedicto!" saway ni Yaya Soling ngunit pinigilan ito ni daddy.
"Sarili mo lang iniisip mo, Margaux!" gagad niya sa akin. "I told you before, that you never go out without letting me know, but, you don't really listen to me at matigas talaga ang ulo mo!" galit na sambit pa ni daddy.
"And what do you want me to do, Dad? I won't go out? And I'll wait for you when you want to go home, huh! I'm your child, that's why I need you. And I need your time, but you're always not here and you don't even call me on my phone to ask me if I'm okay!" bulalas ko.
"I always leave because you know I have business," aniya sa akin.
"Business? And what kind of business is that, Dad? Mas importante ba iyan kaysa sa akin na anak n'yo, ha?" gagad ko.
"Oo! And I'm doing this for your future! So, I can provide all your needs! Your luxury, and everything you want, Margaux!" paliwanag niya sa akin.
"Pero, hindi ko kailangan ng mga iyon, Dad. All I need is you! Your attention!" iyak na sambit ko. Magsasalita pa sana si daddy ngunit pumasok na ako sa aking kuwarto at doon ko ibinuhos ang lahat ng sama ng loob ko sa kanya.