Chapter 2: Sindikato

2249 Words
Chapter 2 "Listen to me, Margaux, kapag inulit mo pa 'yon, grounded ka ng isang buwan sa gadget!" banta pa ni daddy sa akin. Nasa loob na ako ng aking kuwarto pero, nagagalit pa rin siya. "Okay! Dahil d' yan naman kayo magaling!" bulalas ko. "Gusto lang kitang protektahan, Anak dahil tayo na lang ang magkasama. So, please, makinig ka sa akin. Kung pinaghihigpitan man kita, para din sa 'yo, 'yon," aniya sa akin. Hindi na ako nagsalita. Bagkus ay humiga na lang ako dahil wala naman akong panalo. At nanood na lang ako ng Korean drama. KINABUKASAN, maaga akong nagising dahil ngayon ang aming practicum sa P. E, kaya naman todo ang ayos ko. Siyempre, para mataas ang grades ko dahil isa ako sa mga Dean lister ng aming paaralan. I'm in my second year of college and I'm studying here at la España Universidad De El Gana. And I'm currently taking a BSE or Bachelor of Secondary Education because it's been my dream to teach since I was a child. Lumabas ako sa kuwarto ko at tinungo ko ang kusina upang mag-almusal. At napansin kong mag-isa si yaya. "Good morning,Ya. Where's daddy?" tanong ko. Iyon naman lagi itinatanong ko kay Yaya. "Maagang umalis ang daddy mo, Hija. Madilim pa lang, umalis na," saad sa akin ni Yaya. Parang may lahing zombie si daddy. Kung 'di uuwi nang gabi, umaalis naman ng madaling araw. Ano bang trip nila? "Uhm, Ya, hindi ba sinasabi sa inyo ni daddy kung saan siya pumupunta? At kung ano negosyo niya?" tanong ko. Baka, may alam si Yaya Soling kung bakit laging wala si daddy. Oo nga' t may negosyo kami. Pero, hindi ko naman alam kung ano'ng uri ng negosyo iyon. At saka isa pa, kahit na negosyante ka, naglalagi ka rin sa bahay, unlike kay daddy na alis doon, alis dito. "Hindi ko alam, Hija dahil iyon ang ayaw na ayaw ng daddy mo. Iyong tinatanong mo siya. Hintayin mo na lang na magkusa siyang magsalita. At ayaw rin ng daddy mo ang pakialemara," paliwanag sa akin ni Yaya, kaya tumango-tango na lang ako. Nagpaalam na ako kay Yaya Soling at hinatid na ako ni Kuya Kurby sa eskuwelahang pinapasukan ko. Muntikan pa akong na-late dahil sa traffic sa daan. "Hey, Girls!" saad ko sa aking mga ka-grupo nang dumating ako sa aming gymnasium. "Handa na ba kayo?" tanong ko. Wala pa ang professor namin kaya makpagpapraktis muna kami. "Yes!" sigaw nila sa akin. "Mabuti naman, kung gano'n dahil 1st group tayo at kailangang ibuhos natin ang ating lakas para sa ating grado, aja!" sambit ko. "Aja!" masayang sambit din nila. Nagpraktis kami ng isang beses lang nang dumating na ang aming prof. "Good morning, Sir Roberto," bati naming magkaklase sa aming professor. "Good morning too, my dear students. Are you ready for your practicum today?" tanong ni Sir Roberto sa amin. "Yes, Sir," sabay-sabay na sagot naming magkaklase. "Okay, so let's start from the group 1. And good luck," ngiti na aniya sa amin, kaya pumunta kami sa harapan ng aking mga kagrupo. "So, we can do it, and let's enjoy this guys!" sigaw ko sa palaban na boses at inumpisahan naming sayawin ang wanna be ng spice girls. Natapos namin ang aming practicum sa masigabong palakpakan at umupo na kami sa aming upuhan. "Nag-enjoy ba kayo?" masayang tanong ko sa aking mga kagrupo. "Yeah, kahit nakapapagod," sagot ni Monique na uminom ng tubig. "Girls, napanood ko sa balita kanina lang na may pinatay na dalawang estudyante kagabi malapit sa bar lust at sa ilalim ng tulay ng Barangay Tampipi . Ni-r*pe daw sila at kinuha ang mga internal organ," saad sa amin ng isa naming kagrupo na si Ashley dahilan upang magkatinginan kami nina Monique at Nicole. "Hindi ka ba nagbibiro r'yan, Ashley? Baka, naman mema lang 'yan dahil alam mo naman ang panahon ngayon. Advance pa sa advance, kaya maraming namamatay ngayon sa maling akala," komento naman ni Nicole. "Hindi kasi kayo nanonood ng balita, dahil puro kayo selfie at pisbuk! Manood rin kaya kayo, para alam n'yo naman ang nangyayari sa paligid ninyo," gagad nito sa amin. "Sorry naman, Ashley, dahil mas gusto naming magjamming kaysa sa manood ng TV na iisa lang naman ang ibinabalita ng mga channels. Mabuti pa na Korean actors ang panoorin ko dahil ang guwapo ni Kim Soo-Hyun, Lee Min Hoo, at Park Seo Joon! Manood ka, Girl at kikiligin pati t*ngle mo! " saad ko dahilan upang tumingin sa akin ang mga iba naming classmates. "Fan ka talaga ng Korean actors 'noh? Kaso, hindi ka naman nila kilala," gagad sa akin ni Monique. "And so?" gagad ko rin. "And so na mugto ang mga mata mo at ngayon lang namin napansin," komento ni Nicole. "Umiyak ka kagabi ano?" untag naman ni Monique sa akin. "Nakakaiyak kasi 'yong pinanood ko, kagabi kaya heto ang napala ko. But, don't mind this, dahil mawawala rin ito," saad ko. "Lagyan mo lang ng concealer, Girl. But, wait! Kung may dalawang ni-r*pe na babae, malamang na kailangan nating mag-ingat. Pero, boring naman sa bahay kung nando'n ka lang at magbibilang ka lang ng mahuhulog na dahon, right? Pero, kung labas ka naman nang labas, baka makita tayo ng mga rap*st at isunod nila tayo. . Oh, my! Hindi ko pinangarap gahasain ng lalaking hindi ko kilala. Mabuti sana kung jowa ko o kasing guwapo ni Ian Veneration ang mag-aangkin sa akin dahil no need to utos-utos na at bubukaka agad ako!" gagad ni Nicole sa amin dahilan upang matawa lang kami sa kanya. "Hays, huwag naman sana kung panget na nga ay bungi pa! Baka, hindi pa ako nari-r*pe ay mamamatay na ako sa baho ng hininga niya! At pangarap ko pang grumadweyt with summa cumlaude, " pahayag naman ni Monique. Nagkrus pa ito, kaya napakunot noo lang ako. "So, kung guwapo? Kahit, kayo na lang mag-aya, gano'n?" gagad ko. "Yaz! Siyempre, guwapo, eh! May karapatan tayong mamili siguro sakaling tayo mapagtripan. Hirap nga lang, kung 2 options na nga ay pareho pang suwanget! Kung ako 'yon, magpakamamatay na lang ako," ani Nicole ulit sa amin. "Ewan ko sa inyo! Ginagawa ninyong kalokohan ang ibinalita ko. Roon na nga ako!" sambit ni Ashley na lumayo sa amin. "KJ naman niyon!" komento ni Monique. "Bayaan na natin dahil magmamadre daw 'yon," hagikgik naman ni Nicole. "Eh, ikaw, Margaux, ano naman gagawin mo kung sakaling ikaw ang makuha ng mga rap*st d' yan, ha? Ang tahimik mo kasi," gagad pa niya sa akin. "Anong gagawin ko? Ewan ko. Baka, magsplit na lang ako," sambit ko, para maiba naman ang sagot ko sa kanila. "Baliw!" gagad rin nila sa aking dalawa. Ngunit, paano nga kung ako ang mapagtripan ng mga rap*st? Ewan ko kung ano'ng gagawin ko. Pagkatapos ng aming practicum sa P. E ay lumipat na kami sa aming math subject. At heto na naman ang kalbaryo ng aking mga kaklase dahil hirap sila sa Algebra. Sino ba naman kasing hindi mahihirapan kung nakatatamad at boring magturo ang professor? At higit sa lahat, may pagkamanyak*s pa! "Okay, Students, solve 6x+1= 7x?" sambit ni Sir Sorosa, habang sa akin ito nakatingin. Sa halip na ngitihan ko siya ay hindi ko na lang siya pinansin. Pinasa ko na agad ang papel ko sa kanya nang matapos kong sagutin ang solving na ipinasagot niya sa amin. Subalit, hindi sinasadyang magdikit ang aming mga kamay dahilan upang haplusin niya ang daliri ko na tila may ibig sabihin. Kaya, agad kong binawi ang kamay ko, at umupo na ako sa aking kinauupuhan. Kinilabutan tuloy ako sa inasal na iyon ni Sir Sorosa. Nang matapos ang klase namin sa kanya ay napansin ng mga kaklase ko ang biglang pananahimik ko, dahilan upang tanungin ako ng mga ito. At ang sagot ko ay gutom na ako. Pumasok pa kami sa mga sumunod pang subjects, hanggang lunch break namin. At dumating ang oras nang aming uwihan. "Bye, Margaux!" paalam ni Monique sa akin. "Ingat ka, dahil baka ikaw na isunod ng mga rap*st!" pagbibiro naman sa akin ni Nicole. "Sila mag-ingat sa akin!" maawtoridad na sambit ko. Kumaway pa ako. Subalit sa pagkaway kong iyon ay parang nakita ko si daddy sa labas ng gate. He was in the car, so I ran out to catch up with him. But, I even texted Kuya Kurby not to pick me up. But daddy's car was quite far away so I took the taxi passing by. "Manong, sundan natin ang sasakyang itim na iyon," sambit ko. Tumango lang ang taxi driver. At sinundan nga namin ang sasakyan ni daddy. Nang mapansin ko na nasa liblib na lugar na kami. I felt fear that I shouldn't have because I knew I was brave! "Miss, malayo na itong narating natin. At saka, ano'ng oras na, o. Baka, hinahanap na ako ng pamilya ko," reklamo niya sa akin. "Okay, balik na po tayo, Manong," sambit ko. Saka, ko na lang susundan si daddy, kapag naaktuhan ko siyang aalis ng bahay. Alasais nang makauwi ako sa bahay. Naghapunan ako at pagkatapos ay naligo at nag-aral ng kaunti. I looked at the time and to my surprise, daddy still wasn't there until ten o'clock, kaya nakapagtataka lang kung ano talaga ang negosyo niya. Inabala ko na lang ang sarili ko sa panonood ng Korean novela nang marinig ko ang tunog ng mga sasakyan. Tumingin ako sa relo at alas dose na. I stood up and peered out the window when I saw that not only two, three, but four cars had arrived. Bumaba ang mga ito, kasama si daddy at may bitbit silang maleta. Alam ko naman na iba't ibang tao ang nakasasalamuha ni daddy dahil sa negosyo. Pero, bakit hanggang dito sa bahay ay may transaksyon sila? Nakita ko pa na nagkamayan sila bago umalis ang mga ito. At nagsisakay na sika sa kani-kanilang mga sasakyan. Ayaw ko na ring salubungin si daddy dahil alam kong pagod siya. Pero, ang ipinagtataka ko pang isa ay kung bakit, lagi na lang nagagabihan si daddy? Natulog na ako nang gabing iyon. At nagising ako sa katok ni Yaya Soling nang umaga na iyon, dahil anong oras na pala. Binilisan kong maligo. Nagbihis ako, pero hindi na ako nagpahatid kay Kuya Kurby dahil magko-commute na lang ako. At himala na nandito pa ang kotse ni daddy. Ibig sabihin ay hindi pa siya umaalis. Nagtambay muna ako sa labas. Gusto kong subaybayan ngayon si daddy, kaya hindi ako papasok. Nang mapansin ko na pababa si daddy ay nagtago ako sa poste. Lumabas na siya ng gate, kaya kinawayan ko ang pararating na taxi at sumakay na ako. "Sundan natin 'yon, Kuya," saad ko sa taxi driver. Tumango lang ito at sinundan nga namin ang sasakyan ni daddy. Nang mapansin ko na wala na halos kabahayan sa lugar na pinagsunuran namin kay daddy ay bumaba na ako. Binigyan ko ng limang daan ang taxi driver at bago ito umalis ay pinaalalahan muna niya ako. "Delikado 'tong lugar na ito, Neng, kaya kung ako, sa 'yo ay huwag ka nang tumuloy sa pupuntahan mo," pagpapaalala niya sa akin. Tumango lang ako. At umalis na ito sa aking harapan. Lakad-tago ang ginawa ko, hanggang makarating ako sa isang bodega. At tama nga ang sinabi ng taxi driver na delikado ang lugar na ito. Bukod kasi sa maraming lalaking armado ay malalaki pa at puno ng tattoo ang katawan ng mga ito. "Nasaan kaya si daddy?" tanong ko sa aking sarili. I'm still moving from place to place to find my daddy. And I make sure no one notices me. Because otherwise they will kill me. When I saw daddy, I saw the gun tucked in his waist, so my eyes widened. I even covered my mouth because I might make a noise. "W-Why, daddy has a gun? What is he doing here?" I asked myself again. "Dala mo ba ang mga baril na kailangan namin, Don Benedicto!" narinig kong sigaw ng lalaki. "Baril?" bulong ko. Sinilip ko ito. At nakatatakot ang hitsura nito, pati na ang mga kasama nito. "Oo!" sigaw na sagot naman ni daddy. "Para makasiguro kami, buksan mo 'yang bag na dala mo!" muling sigaw ng lalaking puno ng tattoo ang katawan. Tumingin ako kay daddy, binuksan niya ang malaking bag na dala niya. "Ano kaya' ng laman niyon? Baka mga baril!" bulong ko. "Kumpleto ito, Bogart. Puwede ka namang lumapit para tingnan mo at hindi mo sabihing niloloko kita," umiling-iling na sambit pa ni daddy. "Hindi na kailangan, Don Benedicto! Alam ko naman na okay kang kausap at hindi mo kami lolokohin!" sambit ng lalaking Bogart. "Alam mo namang matino akong kausap, Bogart. Kilala mo 'ko at kailanmay hindi kita niloko!" ngisi na saad ni daddy. Pero, nakita ko ring ngumisi si Bogart. "Sa pagbilang ko ng tatlo, maghagisan tayo ng bag, Don Benedicto. Isa! Dalawa! Tatlo!" bilang nito at naghagisan nga sila ng bag ni daddy. Palipat-lipat ako nang tingin sa kanilang dalawa. At nakita ko kung paano mamilog ang mata ni Bogart. Mga baril ang nasa loob ng bag. "Nagbebenta ng baril si daddy? I-Isa siya-siyang sindikato?" hindi makapaniwalang sambit ko. "Mga kasama, peke ang ibang pera ni Bogart!" narinig kong sigaw ni daddy, kaya nagkagulo na sila at nagpaputok na ang mga ito ng baril. I saw daddy run, as he exchanged shots. So, in my fear, I ran and slammed my body into the big drum. Subalit nakita kong may palalapit na lalaki sa akin, dahilan upang manginig ako sa takot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD