Hindi maka pagsalita si Jasmine, parang ninigas din siya sa kanyang kina uupuan. Napaka lakas din ng kaba sa kanyang dibdib, para siyang mabibingi sa lakas nito. Nanlalamig din ang kanyang mga kamay at halatang nangingig ito. "Jasmine! please..." muling pakiusap ni Dylan sa kanya. Tuluyan na rin umagos ang luha sa kanyang mga mata na kanina lang ay namumula. Hindi maipaliwanag ni Dylan ang kanyang nararamdaman. Dahil ngayon lang siya nagkaganito sa isang babae. Aaminin niyang napakaraming babae na ang dumaan sa kanya, ngunit ni isa ay walang nakakuha ng kanyang attention. Tanging si Jasmine lang ang nag-iisang babae na kinabaliwan niya. "D-Dylan, natatakot ako." kinakabahan na sagot ni Jasmine sa binata. Hindi niya alam kung bakit, ngunit iyon ang kanyang nararamdaman. Natatakot siya s