Chapter 9

2208 Words

NAGING MAGANDA ANG SAMAHAN ng pagka kaibigan nina Jasmine at Dylan. Laging hinahatid sundo ni Dylan si Jasmine at minsan ay lumalabas din sila upang kumain. "Mukhang napapadalas na ata ang pakikipag Date mo, kay kulogo, ha, Jasmine?!" pabirong tanong ni Heather sa kaibigan. May ngiti din sa labi nito at mukhang masaya ang dalaga, para sa kanyang kaibigan. Mahinang tumawa si Jasmine. Natawa din siya sa tawag ni Heather kay Dylan na Kulogo. Kung sabagay sa kanya naman iyon galing ang salitang Kulogo. Huwag lang sanang marinig pa ito ni Dylan at baka magtampo sa kanya ang binata. "Mag kaibigan lang kami, kaya huwag mong bigyan ng ibang kahulugan ang paglabas naming dalawa. Kayo nga ni Nathan laging mag kasama, pero hindi ko naman iyon binibigyan ng malisya!." sagot din niya sa kaibigan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD