MEG Hatinggabi na ng umuwi si Marvin. Tahimik ang buong kabahayan, tanging ang malakas na tunog ng engine nang sasakyan nito ang naririnig ko ng dumating ito. Laglag ang balikat na pumasok ang magaling at taksil ko na asawa na tila ba pasan ang mundo at naghihinagpis ng husto dahil sa pagkawala ko. Kung hindi ko pa alam ay ang batang nawala sa sinapupunan ni Brenda ang dahilan kung bakit siya nagluluksa at hindi dahil sa pagkamatay ko. "Andito ka na pala Marvin," sabi ni Yaya Bering ng bumungad ito sa pintuan. "Opo Nana, kakauwi ko lang po galing ospital," malungkot na sagot nito. "Kumusta si Miss Brenda?" Umiling si Marvin habang nababakas sa mukha nito ang labis na lungkot lalo na at pinag-uusapan dito ang batang bunga ng kasalanan nila ni Brenda. "Nalaglag po ang batang dinad