Chapter 2

2218 Words
“Sigurado ka ba sa plano mo?” paulit ulit na tanong ni Jessica sa ‘kin simula kanina. Siya ang kaisa isang kaibigan ko sa school na ‘to. Grade 7 na kami, pero hanggang ngayon, wala pa ring gustong makipagkaibigan sa ‘kin. Ewan ko ba kung bakit. Hindi naman ako masungit. Sa tingin ko nga’y friendly ako, eh. Kaya hindi ko maintindihan kung anong ayaw nila sa kin. Well, anyway… ayos lang din naman. Sapat na si Jess sa ‘kin bilang kaibigan ko. “Oo, sure ako. Sige na kasi. Sumama kana…” Nandito kami ngayon sa cafeteria dahil wala na kaming pasok mamayang hapon. Kanina ko pa siya pinipilit na pumunta kami sa university ng kuya niya. Doon din kasi nag-aaral si Johnny. Doon din naman pumapasok si kuya, kaso nga lang, hindi siya gano’n ka-sporty. Eh, varsity ng soccer si Johnny pati na rin ang kuya ni Jess.  “I’m not sure. Baka magalit ang kuya ko pag nakita nya ako dun,” irap ng best friend ko. “Please, Jess?” nag puppy eyes with matching pouty lips pa ako. Sana naman ay effective din sa kanya ito. “Bessy?” “No, pa rin. Hindi effective sa akin yan. Tsaka baka makita tayo ng kuya mo,” she rolled her eyes. Ang maldita talaga ng isang ‘to!  “Please?” come on, Jessica! Pumayag ka na. “No.” “Please? Please? Please?” “Still no…” iling niya. Hmm. May naisip na akong idea. Tingnan lang natin kung makakatanggi ka pa sa akin. Akala mo, ah. Mas matalino ako sayo, Jessica! “Oh, sige na nga. Wag nalang kung ayaw mo. Sayang, nasa Paris pa man din ngayon si mommy. Ipapabili pa naman sana kita sakanya ng gusto mong watch. Diba sa Paris lang available ‘yun? Sige pala, ipapa-cancel ko—“  “Ano pang tinatayo tayo mo d’yan? Tara na nga at umalis na tayo!”  nagmamadaling sabi ni Jess sabay hila sa akin. See? I caught her weakness. Kahit kalian talaga hindi niya kayang tanggihan ang mga suhol ko sa kanya. Sumakay na kami sa kotse nila. Mabuti na lang talaga dahil wala pa ang sundo ko. Hindi kasi nila alam na half day lang kami ngayon. Plano ko talaga na hindi sabihin sa kanila ‘yun kasi hindi ako makakapunta sa game nila Johnny pag nagkataon. “Manong sa school nila kuya,” bungad ni Jess sa driver nila. “Ano pong gagawin natin dun?” nagtatakang tanong naman nio. “May game sina kuya. Manonood kami.” “Teka ma’am, diba bawal ang mga high school dun?” ang dami namang tanong, kuya! “Alam ko…” kibit balikat na sagot niya. “Paano kayo makakapasok dun?” “May plano na ako.”  “Anong plano mo?” tanong ko. “You’ll see…” she smirked. Hindi na ako nagtanong pa. Tiwala naman ako sa best friend ko. Wala pang pumalpak sa mga plano ng babaeng ‘to. Nanahimik na lang ako at hinayaan siyang kalikutin ang iPad niya. Hay, ewan ko ba kung ba’t baliw na baliw ‘to sa gadgets at social media. Ako, walang masyadong hilig d’yan. Mas gusto ko pang magbasa na lang ng mga libro. Naimpluwensyahan kasi ako ni kuya at ni Johnny nung bata pa lang ako. Napangiti ako ng maalala ang pangyayaring yun. “Like… hello? Nandito na po tayo sa school ng KUYA KO,” Maldita talaga ‘to. Talagang in-emphasize pa niya ang huling sinabi, ah? “I’m sorry. Maganda lang. Minsan natutulala rin,” tawa ko at binuksan na ang pintuan ng kotse nila. Bumaba na rin si Jess at sinabihan ang driver nila na hintayin kami. Masaya kaming naglalakad patungo sa gate ng university. Tumatalon talon pa ‘ko dahil sa excitement. Grabe, ang laki talaga ng school na ito. I think, it’s times bigger than ours. Halos pagtinginan naman kami ng mga estudyanteng nandito. Nagtataka siguro sila kung anong ginagawa namin sa school nila, eh mga high school palang kami. Isa pa, talagang mapapansin kami dahil kami lang ang naka uniform. Wala naman kasing uniform code dito sa school nila kuya. Kahit mag bra, panty, o briefs lang pwede na. Pero, syempre, joke lang ‘yun. Baka makick-out ang gumawa nun. Papasok na sana kami sa gate nang pigilan kami ng security guard na nagbabantay. “Oppss mga bata. Bawal ang mga high school dito,” nakangiting sabi ng guard. “Kasama po namin ang parents namin,” masiglang sabi ni Jess. “Ayun po oh…” sabay turo sa kalayuan. Huh? Tinignan ko ang tinuro niya, pero wala naman. Ano bang trip ng isang ‘to? “Wala naman, eh,” baling ulit ng security guard sa amin. “Nandito na pala sila.” “Saan?” May gumuhit na nakakalokong ngiti sa labi ni Jess. At alam ko na kung ano ang pinaplano niya. “Eto oh!” sabay tapak ng madiin sa paa ni manong. “A---raaaaaaay!” halos magtinginan ang lahat ng estudyante dahil sa sigaw ng security guard. At dahil dun, nakakuha ng pagkakataon si Jess at hinila ako patakbo sa loob ng university. “Mga bata! Bumalik kayo-- Arrraaay!” sigaw pa ulit ni manong. Tumigil na kami sa pagtakbo nang makalayo na kami sa main gate. Hingal na hingal kami sa ginawa naming pag takbo. Nagiging track and field athlete talaga kami ni Jess kapag nasasangkot kami sa mga kalokohan. Felleng ko nga pwede na kaming makipag compete sa Olympics. “Grabe Jess! Ha… ‘yun pala ang plano mo,” habol hiningang sabi ko habang natatawa. “What can I do? Matalino talaga ako…” sabay na lang kaming natawa sa sinabi niya. Buti nalang talaga at naging kaibigan ko ang babaeng ‘to. “Teka nga pala, alam mo ba kung saan yung field nila dito?” tanong ko. First time ko palang kasing nakapasok dito, eh. Hanggang tingin lang ako sa labas. Si kuya kasi ayaw akong isama. Baka raw mag mukha siyang babysitter. As if naman! “Yup. Sumasama kasi ako lagi kay kuya pag enrolment nila.” “Wow, e di sana all!” “Tara na nga!” hinila na niya ako kung saan hanggang sa nakarinig na kami ng hiyawan. Sinundan namin kung saan nanggaling ‘yon dahil hindi naman pala talaga alam ni Jess kung saan banda ang field. Naku, ang babae talagang to! Salamat sa tulong ng mga naghihiyawan, nakadating kami on time sa field. Umupo kami sa may bandang unahan kahit na pinagtitinginan kami. “Go, Dela Vega!” teka, last name ni Johnny yun, ah! Napatingin ako sa mga humiyaw na babae sa likuran namin. I smirked at them. Sa ‘kin lang si Jonny, ‘no! Maturuan nga ng leksyon ang mga ‘to. Huminga muna ako ng malalim. Sinigurado ko na marami akong hangin na mailalabas kapag sumigaw ako. “GO JOHNNY!” halos takpan na ni Jess ang magkabilang tainga niya dahil sa lakas ng pagsigaw ko. Bigla naman natigilan ang mga babaeng sumisigaw. Nang makabawi, nagtawanan silang tatlo. pero agad “Wow! Ang lakas naman ng appeal ni Johnny. Pati high school students na aakit niya,” sabi nung isa at muli silang nagtawanan. Tatayo na sana ako para awayin sila pero hinawakan ni Jess ang braso ko. “Hayaan mo na sila. Mag uumpisa na ang game.” “Fine!” tiningnan ko ulit ang mga babae at sinamaan sila ng tingin. Nag ayos nalang ako ng upo. Hindi na dapat ako magpa badtrip pa. Nagsimula na ang game. Una ay parang warm up lang dahil pinag papasa pasahan lang nila ang bola. First time kong panuorin ang laban ni Johnny, kaya hindi ko alam kung paano siya maglaro. Sa kanya lang nakatutok ang mga mata ko. Grabe talaga, ang gwapo niya suot ang soccer uniform. Nang tumagal ay naging mainit na ang labanan. Patas lang ang score. Almost two minutes na lang bago matapos ang game. Ang hirap pala ng soccer. Akala ko madali lang maka score kasi puro sipa lang naman, pero hindi pala. Ang laki ng field, tapos isang bola lang yung pinag aagawan. Nanunuod pa nga lang ako parang nakaka pagod na. Paano pa kaya ‘yung mga players? Napatingin ako kay Johnny, pawis na pawis na siya pero gwapo parin. Napabalik ako sa realidad nang sipain ni Johnny ang soccer ball, then poof! Hindi nahabol ng goal keeper ng kabilang team. Segundo lang ang pagitan at agad siyang naka score. Mas lalong naghiyawan ang lahat. Hindi ko akalain na gano’n pala siya kagaling! Nanalo ang team nila dahil five seconds na lang ang natitira matapos makapag goal ni Johnny. Lahat ng team mates niya ay pinuri siya. Sino ba naman kasi ang hindi pupuri sa kanya? Eh, siya lang naman kasi ang nakapag score sa team nila. “Jess! Puntahan natin sila,” aya ko pagkatapos ng laro. “Ha?” “Ang sabi ko puntahan natin sina Johnny!” ulit ko. “Ha? Hindi tayo pwede dun. Tsaka makikita tayo ng kuya ko.” “Tssk! Ako na nga lang ang pupunta,” sabi ko sabay takbo papunta sa quarters nila Johnny. “Wait lan, Angelica!” tawag pa ni Jess sa akin pero hindi ko na siya pinakinggan. Halos hindi na ako magkasya papunta sa quarters dahil sa sobrang dami ng tao. Kailangan kong makita si Johhny para mabigyan siya ng super hug! Ganyan ang palagi kong ginagawa nung bata pa lang ako. Niyayakap ko siya agad kapag may nagawa siyang maganda. “Oh… ba’t may high school dito?” sabi nung isa sa mga player. Nandito na kasi ako sa ako sa tapat quarters nila Johnny. Hindi naman kasi ako pwedeng pumasok dahil puro boys ang nasa loob. “Where’s Johnny?” tanong ko sa lalaking kumausap sa ‘kin. “Wow. Nice talking, huh? Ano ka ba niya? Kapatid?” Ano raw? Kapatid? Like, duh! “Duh. I’m not his sister. Will you just call him? Like, right now?” pagtataray ko. “Whhooaa! Kung makapag utos naman ‘to parang prinsens,” ngisi niya. “Tatawagin mo ba siya o hindi?” dinungaw ko ang ulo ko sa pintuan ng quarters pero hinarangan ako ng lalaki. “Bawal ‘yang ginagawa mo. Ang bata bata mo pa, naninilip ka na…” tawa niya. “Duh!” tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Nakasuot din siya ng soccer uniform na katulad ng kay Johnny. “James, sinong kausap mo?” Finally, it’s Johnny! But my eyes grew bigger when I saw him. I’m just thirteen but seeing him with his half-naked body makes me feel like I’m a 20-year-old college girl. “Hinahanap ka pare,” sabi ng kausap ko kanina. “Oh Angge!” gulat na sabi ni Johnny sabay punas sa basang buhok niya. “Nandito ka pala. Paano ka nakapasok?” I can’t concentrate. Napo-pollute na ang innocent mind ko! Goodness! Ang bata ko pa para magisip ng dirty thoughts. “Ahh, yeah…” I answered timidly. “Paano ka nakapasok dito? At anong ginagawa mo dito?” nakangiti siya. Nanatili lang akong nakatayo sa tapat ng pintuan ng quarters nila. “I came here to watch your game,” I looked down. Nadi-distract kasi ako sa abs niya… I mean, sa mga tingin niya. “Whoa! Wait there. Girlfriend mo siya pare?!” sabi naman nung guy na kausap ko kanina. Hindi pa pala siya umalis. “Labas ka nga muna!” bulyaw naman ni Johnny. Tinapik lang ng lalaki ang balikat ni Johnny at nagpaalam na. Tumingin ulit siya sa akin nang maiwan kaming dalawa. Dun ko lang napagtanto na walang ibang tao sa quarters nila. Mukhang siya lang dahil tahimik sa loob, kaya naman pumasok na ‘ko “Hindi naman sa ayaw ko na nandito ka. Pero wala ka bang pasok ngayong hapon?” nakatayo kami ngayon sa tapat ng locker. “Wala na. Kasama ko si Jess pumunta rito. Gusto namin panuorin ang game mo… pati na rin ang game ng kuya niya.” “Naku. Kayo talaga,” ngiti niya. “Come here, give me a hug,” in-extend pa nya ang dalawang kamay niya, encouraging me to come near him. Kaya naman lumapit na ako. Medyo binilisan ko ang pag lakad. I’m so excited to hug him na kasi eh. “Basa ang sahig, Angge,” paalala niya. “Dahan dahan baka madulas ka— awmmmmph—” Gaya ng sabi niya, nadulas nga ako. Hindi ko napansin na basa pala ang sahig. Nagulat ako dahil bumagsak ako sa katawan ni Johnny… and my lips landed on his! Goodness! Ang first kiss ko! But wait, I want him to be my first kiss, hindi ba? But, not in this kind of situation! Accidental kiss lang ‘to! Tatayo na sana ako nang madulas na naman ang kamay ko na nakatungo sa sahig, then boom! Nahalikan ko ulit ang lips ni Johnny! What the! Bago pa man ako makaget over sa pangyayari ay may biglang pumasok sa quarters nila. And I was literally shock when I heard a baritone voice. “PATRICIA ANGELICA BRIONES!” Oh no! He’s mad. My kuya is fuming mad! I’m so dead.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD