Chapter 3

1118 Words
Tatlong linggo na akong grounded simula nang mangyari ang "accidental kiss" ko kay Johnny. Si Kuya na ang palaging naghahatid at nagsusundo sa akin sa eskwelahan. Todo bantay talaga siya sa akin, at hindi maipagkakaila ang galit niya sa nasaksihan. He's mad. Really, really mad. Siguro, ang tanging pasasalamat ko nalang ay hindi siya nagsumbong kay Mommy at Daddy. Dahil kapag nagkataon, baka habang buhay na ‘kong grounded. Hindi ko maiwasan na hindi magalit kay Kuya. Hindi ko alam kung bakit gano’n na lang siyang umasta. Aksidente ang nangyari, hindi ko naman kagustuhan na madulas at bumagsak sa katawan ni Johnny pagkatapos ay mahalikan siya sa labi. At kung galit siya sa ‘kin, mas lalong matindi naman ang galit niya kay Johnny. Marami siyang sinabi… at tila tinapos na ang pagkakaibigan nila. Naalala ko na naman tuloy ang nangyari noong araw na iyon… "PATRICIA ANGELICA BRIONES!" ang sigaw ni Kuya ay umalingawngaw sa kabuoan ng quarters. Nilingon ko siya at halos hindi ko na makilala ang mga mata niya. Bihira lang magalit ng husto si Kuya, pero kapag nagalit siya, talagang dapat ka nang matakot. Katulad ko ngayon, tanging takot na lang ang nararamdaman ko. Marahas niyang hinawakan ang kamay ko. Hinila niya ‘ko palapit sa kanya pagkatapos ay pinagsusuntok na si Johnny. "Gago ka! Anong ginawa mo sa kapatid ko?!" sinutok niya si Johnny sa panga kaya napaupo ulit siya sa sahig. "Alam mong ang bata bata lang niya! Pero gago ka! Ba’t mo siya pinatulan?!" hinila ulit siya ni Kuya at ngayon ay sinuntok naman siya sa sikmura. Napasigaw ako, sinubukan kong awatin si Kuya pero hindi siya nagpatinag. Si Johnny naman, mukhang wala yata siyang balak lumaban. Lumabas ako sa quarters para makahingi ng tulong. Mabuti naman at may mga dumating at inawat na si Kuya sa walang awang pagsuntok kay Johnny. Maging ang security guard ay dumating na rin para awatin siya. "Kuya!" sigaw ko nang nagpupumiglas siyang kumawala sa mga nakahawak sa kanya. Nanlilisik ang mga mata niya nang bumaling siya sa ‘kin. "Nadulas a-ako! At… aksidenteng b-bumagsak ako sa katawan ni J-johnny. Hindi ko naman sinadaya—" "Shut up!" sigaw ni Kuya. Muli siyang bumaling kay Johnny, na ngayon ay inaalalayan na rin ng iba sa pagtayo. Pinagmasdan ko rin siya, may dugo na sa gilid ng kanyang labi. "Noon pa lang, nahahalata ko na balak mong pormahan ang kapatid ko! At ngayon nakita ko kung paano ka sumalakay habang nakatalikod ako!" "Kuya! Wala kaming ginagawang masama!" "Ipagtatanggol mo pa ‘to, ha?" tiningnan ulit ako ni Kuya. "Ano?! Nilason na ba niya ang utak mo?!" Magsasalita pa sana ako, pero sa wakas, nagsalita na si Johnny. Kumalas siya sa mga nakahawak sa kanya at siniguradong ayos lang siya. "Mali ang n-nakita mo," kalmado niyang sabi. "Kapatid lang ang tingin ko kay Angelica… at kahit kailan… hindi magbabago ‘yon." Parang may kumurot sa puso ko nang sambitin niya ang mga salitang iyon. Tuwid ang tingin niya kay Kuya at sigurado akong seryoso siya sa sinasabi niya. Mukhang natauhan naman ng kaonti si Kuya sa kanyang narinig. Gayunpaman, masama pa rin ang titig na ipinupukol niya kay Johnny. "Simula ngayon… hinding hindi ka na makakalapit sa kapatid ko," mariing sabi ni Kuya. "Dahil… simula ngayon… tapos na ang pagkakaibigan natin!" "Kuya! Ano bang—" "Huwag kang makialam dito, Angelica!" sigaw niya sa ‘kin. Gusto ko sanang siyang sigawan, dahil una sa lahat, mukhang ako naman talaga ang puno’t dulo ng galit niya kay Johnny. Kaya, may karapatan akong makialam sa mga nangyayari! At… ang hindi ko matanggap… bakit kailangan pa niyang tapusin ang pagkakaibigan nila ni Johnny?! Hindi ba’t napaka unfair naman, ‘nun? Bata pa lang sila, magkakilala na silang dalawa. Pagkatapos, handa siyang tapusin ang pagkakaibigan nila ng gano’n lang? Gusto ko sanang lapitan si Johnny, pero hinila na ako ni Kuya palabas ng University nila. Nilingon ko nalang si Johnny habang hawak ako ni Kuya. Nakatingin siya sa ‘kin at may kaonting ngiti sa kanyang labi. I’m sorry, Johnny… iyon lang ang tanging naibulong ko sa isip ko. Isang malakas na sigaw kaagad ang sinalubong sa ‘kin ni Kuya nang makapasok kami sa sasakyan niya. "Ano ba naman ang pumasok sa utak mo, Angelica?! Bakit ka pumunta rito?!" Binalewala ko ang kanyang galit. Ano pa bang saysay nito? Wala na… "Kung hindi ko pa nakita si Jessica, hindi ko malalaman na pumuslit ka sa University!" sigaw pa rin niya. "Ayaw pa niyang aminin sa ‘kin, pero… sigurado akong magkasama kayo! At ano, ha?! Bakit magkasama kayo ni Johnny sa quarters nila? Kayong dalawa lang! Nag-iisip ka ba?!" Walang gana akong tumingin sa kanya. "May silbi pa ba ang paliwanang ko? Eh, mukhang may konkluyson nang nabuo sa isip mo. Kaya… ba’t ko pa ipapaliwanag ang sarili ko?" Natigilan siya sa sinabi ko at mukhang nakuha niya ang punto ko. "I already told you, Kuya… it was an accident. Oo, inaamanin ko na niyaya ko si Jess na pumunta sa school niyo para mapanuod ang soccer game ni Johnny. Pero, ‘yun lang yun… ni hindi nga niya alam na nandoon ako, eh. Nagulat lang din siya nang makita niya ko," nanginig ng kaonti ang boses ko nang maalala ang pagsuntok ni Kuya kay Johnny. "Wala siyang alam… pagkatapos susugurin mo siya at susuntukin?" "That’s a natural reaction, Angelica," bumuntong hininga siya. "Kapatid kita… at natural lang na magiging gano’n ang reaksyon ko kapag nakita kang may kasamang lalaki. Sa tingin mo ba… papalakpak ako kapag nakita kang nakapatong sa isang lalaki habang magkadikit ang labi niyo? Kuya mo ako… at alam mong gagawin ko ang lahat huwag ka lang malihis ng landas." "Okay," tumango ako. "I understand your reaction… na baka nadala ka lang ng galit. Pero, kuya, kailangan mo pa ba talagang tapusin ang pagkakaibigan niyo ni Johnny? Ng ganun ganun lang?" "Trust me, Angelica, he's not good for you…" lumambot na ang eskpresyon ni Kuya. "You’re too young. You don’t understand how the world works. Masasaktan ka lang…" Hindi na ako nagsalita pa. Here we go again. He’s using the "you’re too young" card again. Kahit ano yatang gawin ko, kahit na tumanda ako, isang paslit pa rin ang tingin nila sa akin. Simula nang araw na iyon, naging malamig na ang pakikitungo ko kay Kuya. Hindi na kami katulad ng dati na mapalit at palaging nagbibiruan. Ngayon, kakausapin ko lang siya kapag may tanong siya. I know, he’s trying to repair our relationship. I can see his efforts. Kaya lang, sariwa pa rin talaga sa isip ko ang pagsuntok niya kay Johnny. At… hindi ko matanggap hindi na sila magkaibigan ngayon nang dahil sa ‘kin…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD