Chapter 02- A Woman who knows Karate!

2195 Words
“Faster Daddy, we won’t let to see the fight of Ate if we won’t hurry! Mommy!” “We know Cathrene, but don’t get excited too much.”naaliw na kumento ng ina ng bibong batang babae na kitang-kita sa mukha ang excitement at saya na mapanuod ang laban ng kaniyang ate na magsisimula isang oras mula ngayon. Madaming tao ang dumadagsa sa sport center ngayon at lahat sila ay may kaniya-kaniyang hawak na tarpaulin upang i-cheer ang pambato nila. Nagaganap ngayon sa malaking sport center ang isang Karate League kung saan nagkatipon-tipon ang mga sumali na magagaling at bihasa sa karate na gustong maiuwi ang champion belt at tanghaling kampyon ng patimpalak ngayon. Lahat ng kasali sa malaking event na ito ay hinahangad na maging panalo, dahil hindi lang belt ang makukuha nila kundi malaking halaga na pera ang isa sa goal na makuha ng mga kasali dito maliban sa isang manlalaro na nakaupo ngayong sa isang bench at hinihintay ang laban niya. Naka focus ang isipan niya sa goal niya na manalo hindi dahil sa prize na makukuha niya, kundi upang maipanalo ang palarong bata palang siya ay gustong-gusto na niya. “Nastia Livy Landerson and Helena Roldan, please prepare yourself for your fight after 30 minutes. Thank you and good luck.” Huminga ng malalim si Nastia at tumayo sa kinauupuan niya upang makapaghanda na sa nalalapit niyang laban, bahagya niyang tinapunan ng tingin ang makakalaban niya na nagwa-warm up sa corner nito. Masasabi ni Nastia na may bilis ang kilos nito at well-built ang bawat galaw nito pero malakas ang kumpyansa ni Nastia sa kaniyang sarili na maipapanalo niya ang laban na ‘to dahil todo ensayo din ang ginagawa niya. Isa pa, hindi siya nakakaramdam ng kaba sa kaniyang dibdib kahit maraming nanonood dahil sa laban niyang ito alam niyang full support ang buo niyang pamilya. “ATE, BE THE CHAMPION OKAY!” Lahat ng mga tao sa malaking sport gym kabilang si Nastia ay napalingon sa isang batang babae na may mahabang kulot na buhok na may malawak na ngiting kumakaway kay Nastia na hindi napigilang ikangiti ni Nastia. Ginantihan niya ng pagkaway ang kaniyang bunsong kapatid at mas lalo sumaya ang puso niya ng makita niya na nakatayo sa likuran ng kaniyang kapatid ang kaniyang mga magulang na may malawak na ngiting kumakaway din sa kaniya. Walang pakielam si Nastia sa mga premyo na makukuha niya sa araw na ‘to, wala din siyang pakielam kung manalo o matalo siya, ang mahalaga sa kaniya ay makapag enjoy siya sa passion niya at matupad niya ang pangarap niyang magkaroon ng sariling Karate studio kung saan tatanggap siya ng mga estudyante mayaman man o mahirap. Si Nastia ang panganay na anak ng isang kilalang businessman na nagmamay-ari ng maunlad na Petroleum Company in Europe, in some part of Dubai and Philippines. Masasabi niyang isang perpekto at masayang pamilya ang meron siya dahil kahit may malaking negosyo na inaasikaso ang kaniyang mga magulang ay laging naglalaan ng oras ang mga ito para sa kanilang dalawa ng bunso niyang kapatid. Suportado siya ng kaniyang mga magulang sa passion at pangarap niya, at ang bunso niyang kapatid ang number one fan niya na laging nagiging taga cheer niya sa lahat ng laban niya. Minsan ay tumutulong si Nastia sa kanilang negosyo at ginagamit niya dito ang mga napag-aralan niya bilang isang magna c*m laude Business graduate, siya minsan ang naghahandle sa mga planta at ang su-supervise sa mga employee nila at gustong-gusto siya ng mga trabahador nila dahil sa kabaitan niya kahit istrikto siya pagdating sa trabaho. Mas lumakas ang kumpyansa ni Nastia na maipanalo ang laban niya at kung manalo man siya, may naisip na siyang gagawin sa perang makukuha sa palarong ito. “Now Livy, focus on your fight. I must take down my opponent and win this.” Cheer ni Nastia sa kaniyang sarili bago huminga ng malalim nang lapitan na siya ng isang staff upang sabihin siyang isuot na ang mga gear na kailangang suotin bago ang kaniyang laban. Isa-isa ng sinuot ni Nastia ang mga gear na kailangan niya, inayos niya ang pagkakasuot ng chest protector niya, ang foot guard niya, ang head gear at ang karate gloves niya. Naghanda narin ang kalaban ni Nastia at nang matapos na ang tatlompung minuto na paghihintay nila ay pinapunta na sila sa dojo tatami mats at pinatayo sa magkabilang asul mat at pumagitna sa kanilang dalawa ang refree nila na ipinapaliwanag ang do’s and don’ts ng magiging laban nila bago sila mag bow ang isa’t-isa. “Semi-finals match between female martial artists is about to begin.” Pahayag ng announcer na ikina-ingay ng buong center gym. “Go Ate Livy!” sigaw na cheer ng bunsong kapatid ni Nastia na bahagyang ikinangiti niya dahil kahit malalakas ang hiyawan ng mga tao sa buong gym ay naririnig niya parin ang tinig ng kaniyang kapatid. “Red. Helena Roldan.” Pagpapakilala ng announcer na ikinapalakpak ng marami. “Hai!” sigaw na sagot ng kalaban ni Nastia “Blue. Nastia Livy Landerson.” “Hai!”sigaw na sagot ni Nastia Bawat corner ay may naka-pwesto na judges at may hawak na pula at asul na flag, rinig ang sigawan sa buong center gym at naririnig ni Nastia ang cheer ng kaniyang kapatid. Ipinasuot na sa kanila ang mouth guard nila to cover their teeth to reduce the risk of concussion. “Start!”sigaw na pahayag ng refree na ang ibig sabihin ay simula na ng laban. Naghanda na ang dalawang magkatunggali lalo na ng mag sign na ang refree na simula na ng laban nila. Parehas nagiging ma-ingat si Nastia at ang kaniyang kalaban at ng unang sumugod ang kalaban ni Nastia ay agad siyang dumedepensa at umiiwas upang hindi ito makakuha ng puntos. Sinasangga niya bawat sipa at suntok nito at ng may makita siyang butas sa kalaban ay siya naman ang sumugod ng suntok at sipa na ikinaatras ng kalaban niya at mataas siyang sumipa dahilan upang dumaplis ito sa baba ng kalaban niya na agad silang pinatigil ng refree at sabay-sabay nagtaas ang mga refree ng blue flag. “Blue! High kick from the chin! Half point! Continue!”bulaslas ng referee bago sila binigyan ng senyas na magpatuloy sa laban nila na si Nastia na ang unang sumugod. Sunod-sunod na suntok ang ibinigay ni Nastia sa kalaban niya na pilit iniiwasan ang mga pag sugod niya at pag atake niya, tuloy-tuloy lang si Nastia sa pag atake niya hanggang sa malakas niyang sinipa ang braso nito mula sa loob dahilan upang tumilapon ang braso nito upang mawala sa pwesto ng pagsangga at malakas niyang sinipa ang abdomen ng kalaban na ngiwing ikinabagsak nito sa sahig na muling pinatigil ng refree ang dalawa at sabay-sabay muling nagtaas ng blue flag ang apat na refree kasabay ng pagtunog ng buzzer. “Blue! Abdomen kick! One blow! Blue won!”deklara ng referee na ikinapalakpak ng lahat ng nanunuod. Nag bow muli si Nastia at ang nakalaban niya sa isa’t-isa bago umalis sa tatami mat na may malaking ngiti si Nastia sa kaniyang mga labi habang naririnig niya ang pagtawag ng susunod na maglalaban para sa mkakaharap niya sa finals. Isa-isa ng inalis ni Nastia ang mga suot niyang gear hanggang sa matira ay ang uniform niya bago naglakad palayo sa center gym. Walang mapaglagyan ng kaniyang saya si Nastia ng makita niyang lumalapit na sa kaniya ang kaniyang mga magulang at ang kapatid niyang natutuwang tumatakbo palapit sa kaniya. “Ate!!”masayang tawag sa kaniya nito at sinalubong siya ng mahigpit na yakap. “Ang galing galing mo talaga ate! You won, you won!” “Thank you Cathrene, nagpanalo sa akin ang cheer mo kaya salamat.”masayang sambit ni Nastia na ikinalingon niya sa kaniyang mga magulang na hinaplos ang kaniyang magkabilang pisngi. “We’re so proud of you Livy, you’re going in the finals.”masayang bati ng kaniyang ama na mas ikinasaya ng puso ni Nastia. “Thanks, Daddy, alam kong busy these past weeks pero thank you for coming in my fight.” “Of course, I’ll go here to watch you than to attend to that boring business summit. I’d rather watch my princess win the finals than hear the boring speaker in the summit I should attend.”ngiting pahayag ng kaniyang ama na bahagyang nilang ikinatawa. “You did a great job, Livy, alam kong ikaw ang magiging kampeyon sa palarong ‘to.”ngiting sambit ng kaniyang ina na matamis na ikinangiti ni Nastia. “Thanks, mom, I’ll do everything to win the finals.” “Pag ikaw ang nanalo, what will you do in the price?”tanong ng kaniyang ama na malawak niyang ikinangiti. “Kung ako man po ang manalo sa finals, gusto ko po sanang ibigay sa Little Homes Orphanage sa Tagaytay ang makukuha ko po dito.”sagot ni Nastia na ngiting ikinahaplos ng kaniyang ama sa kaniyang buhok. “You have a big heart sweetie, I’m so proud of you.” “My ate is so kind but when she’s got mad in a certain people who do bad stuff that she doesn’t gusto, my ate instantly turn into a monster, but a beautiful one.”pahayag na kumento ng kaniyang bunsong kapatid na ikinatawa nila rito. “Nastia?!” Lahat sila ay napalingon sa humahangos at papalapit sa kanilang magandang babae na kumakaway pa sa kanila na ikinatuwa ni Nastia. Alam niyang marami itong ginagawa at trabaho pero hindi niya akalain na pupunta ito para panuorin ang laban niya. Humihingal na nakalapit na ito sa kanila na ngusong ikinahalukipkip ng kapatid ni Nastia at lumapit s abagong dating niyang kaibigan na simpleng ripped jeans at loose shirt ang suot. “You’re late Ate Joy, you didn’t see how Ate won in her fight.”sermon ng kapatid ni Nastia sa kaibigan niyang ngiting nagdaupang palad sa harapan ng kapatid niya. “Sorry Cathy, tinapos ko pa kasi ang shift ko sa pinagtatrabahuan kong shop.”paghingi ng despensa nito na ikinahawak ng ina ni Cathrene sa balikat niya. “Ang mahalaga baby, nakarating ang ate Joy mo sa huling laban ng ate mo and that’s more important, right Livy?” “Sorry talaga Nastia, tawag ng raket eh tsaka…” Lumapit it okay Nastia at mahinang bumulong sa tenga nito. “Tinakbo ko lang ang pagpunta dito kasi naipit sa traffic ang sinasakyan kong jeep, atleast nakarating ako para i-cheer ang bestfriend ko!”ngiting pahayag nito na ngiting ikinahawak ni Nastia sa kamay ng kaibigan niya. “I understand Athena, kailangan mong bumawi ng cheer sa huling laban ko.” “Maasahan mo ko diyan, sa cheer ko palang madi-distract sa akin ang makakalaban mo kaya, leave it to me.”pahayag nito na ikinatawa ng mga magulang ni Nastia ng mapansin niya ang kwintas na suot ng kaniyang kaibigan dahil ngayong niya lang ito nakitang suot nito. “Hindi ko alam Athena na nagsusuot ka pala ng kwintas, mukhang maganda. Can I see it? Parang ring ang pend---“ hindi niya naituloy ang sasabihin niya ng mabilis na itinago nito ang kwintas sa loob ng tshirt niya at inilagay sa magkabilang balikat nito ang mahaba at maganda nitong buhok at ngiwing ngumiti sa kaniya na ikinapagtaka ni Nastia sa kaibigan. “Wala ‘to epek lang ‘to Nastia, napulot ko lang.”sambit ng kaibigan niya na ikinatango niya nalang dito. “What is epek ate Joy?”takang singit na tanong ni Cathrene sa kanila na ngiwing ikinakamot ng kaibigan ni Nastia sa batok nito. “Fake ‘yun Cath, peke as in mura lang.”paliwanag nito na sabay-sabay nilang ikinalingon sa ginaganapan ng laban ng tumunod ang bell na hudyat na tapos na ang laban at nanalo na ang makakalaban ni Nastia para sa finals. “I think you should go and be ready for your last fight, nasa may side lang kami to watch and support you sweetie.”sambit ng kaniyang ama na ngiting ikinatango ni Nastia. “Be the champion ate, beat your opponent and win!” cheer muli ng kapatid niya na ikinahaplos niya sa buhok nito. “Go best friend, lampasuhin mo ang kalaban mo.”sambit naman ng kaibigan niya na ngiting ikinatango niya dito. “I’ll win this fight and let’s celebrate after this.”pahayag ni Nastia na nagpaalam na sa kaniyang pamilya at kaibigan bago bumalik sa corner para maghanda sa huling laban niya. Masasabi ni Nastia sa kaniyang sarili na kuntento na siya sa buhay niya, may masaya at supportive siyang kaibigan, mapagmahal na kapatid at kaibigan na kahit malayo ang katayuan ng pamumuhay nito sa kanila ay hindi ito naging hadlang sa pagkaka-ibigan meron sila. Wala ng maisip si Nastia na kulang sa buhay niya, hindi naman siya interesado na pumasok sa isang relasyon lalo na at wala naman siyang makitang lalaki na maha-handle ang tulad niya. Kung meron man, piping dasal na hinihiling ni Nastia na sana ay huwag muna itong magpakita sa kaniya at guluhin ang puso at isipan niya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD