Chapter 03- Their First Encounter

3536 Words
Malakas na sinipa ni Maki ang bandang leeg ng kalaban niya na ikinabagsak nito sa semento at bago pa ito makatayo at makaganti sa kaniya ay madiin niyang tinapakan ang dibdib nito na ikinahiyaw ng malakas ng kaniyang kalaban habang pilit inaalis ang kanang paa niya na dinidiinan niya pa ang pagkaka-apak niya sa dibdib nito dahilan upang mahirapan itong huminga.   Nilingon ni Maki ang mga kalaban niyang wala ng malay na nakahandusay sa sahig, ang iba ay namimilipit sa sakit dahil sa natamo nilang bali ng iba’t-ibang parte ng katawan nila. Hindi masyadong sumasabak sa labanan si Maki dahil nagpo-focus siya pagdating sa tracking pero hindi ibig sabihin nun ay hindi siya marunong lumaban. Kaya niyang magpatumba ng mga kalaban niya kahit siya lang mag-isa, walang galos o sugat na matatamo sa parte ng katawan niya.   Ibinaling naman ni Maki ang tingin niya kay Ruhk na patapos na rin sa mga kalaban niya, katulad niya hindi kailangan ni Ruhk ng katulong upang pabagsakin ang mga kalaban niya. Napabalik ang tingin ni Maki sa natitira niyang kalaban na pilit paring inaalis ang pagkaka-apak niya sa dibdib nito na bahagyang ikinangisi ni Maki.   “Masakit na ba?”tanong niya dito na ngiwing hindi nito ikinasagot dahil mas diniinan niya ang pagkaka-apak niya sa dibdib nito na mas lalo nitong ikinahirap sa paghinga.   Nang makita ni Maki na nauubusan na ng hangin ang kalaban niya ay dahan-dahan niyang pinagaan ang pagkaka-apak niya sa dibdib nito hanggang sa tuluyan niyang maialis ang pagkaka-apak niya sa dibdib nito, pero hindi na hinayaan ni Maki na makabawi ng lakas ang huli niyang kalaban niya malakas niyang sinipa ang sikmura nito kasunod ang mukha nito na bahagya nitong ikina-ikot pagulong at ikina-ubo ng dugo.   “Verchez! Tapos na ako dito.”pagbibigay alam ni Maki kay Ruhk na kita niyang malakas nitong sinutok sa sikmura ang kalaban niya bago nito sinabunutan ang buhok nito at malakas na hinimpas ito sa pader na malapit sa kanila na ikinangiwi ni Maki .   “Damn! Masakit ‘yun.”ngiwing kumento ni Maki na ikinalakad niya palapit kay Ruhk na pinapagpagan ang sarili.   “Mga mahihinang klase pala ang pumasok sa bodega natin, hindi lang talaga nila alam kung sino kinalaban nila.”pahayag na kumento ni Maki na ikina-ikot ng tingin ni Ruhk na parang may hinahanap hanggang sa makita niya ang isang lalaking walang malay na nakaupong nakasandal sa pader na ikinalakad palapit ni Ruhk dito, sinundan naman ng tingin ni Maki ang kaibigan.   Tumigil si Ruhk sa tapat ng walang malay na kalaban nila at bahagyang yumuko at may kinuha sa jacket na suot nito. Lumapit si Maki sa kinatatayuan ni Ruhk hanggang sa makita niyang may hawak ng papel si Ruhk na bahagya niyang ikinatitig dito.   “Eh? Kung hindi ako nagkakamali mga design at blue print ng bodega natin ang laman ng papel na ‘yan, isama mo pa ang mga transaction natin. Iba din pala magka interest ang mga gagong ‘to, akala naman nila magiging tiba-tiba sila ng ganun kadali.”umiiling na pahayag ni Maki na ikinalingon ni Ruhk sa kaniya.   “Laochecko.”   “Huh?”   “Stupid Laochecko.”sambit pa ni Ruhk na agad ikina-inis ni Maki at sinamaan na ito ng tingin.   “Anong problema mong palaboy ka?! Kung maka stupid ka parang ang galing-galing mo ah!”asar na singhal ni Maki na ikinatango ni Ruhk.   “Good, I thought you’re him because of the way you fight. It’s the same like him.”seryosong pahayag ni Ruhk na bahagyang ikinatigil ni Maki sa kinatatayuan niya.   “Don’t mind what I said stupid Laochecko, let’s go back to Manila.”pahayag ni Ruhk na ikinasimula na nitong ikalakad.   “I won’t let him take my body again, I won’t give him a chance.”pahayag ni Maki na ikinatigil ni Ruhk sa paglalakad niya at binalingan ng tingin si Maki na seryosong nakatingin sa kaniya.   Hindi itinago nina Paxton kay Maki ang banta na iniwan ni Ody sa kanila, sinabi nila ito kay Maki upang maging maingat ito na mapalabas ang ikalawang persona nito na alam nilang magbibigay ng problema kay Maki.   Ayaw man ni Maki ang sakit na meron siya ngayon ay wala na siyang magagawa kundi pigilan ang second personality niya na lumabas sa kaniya. Sa huling kunsulta ni Maki sa psychologist niya, hindi ganun kabilis na maalis sa kaniya ang isang persona na nabuo sa kaniya. Dahil sa trauma na naranasan niya simula ng bata siya, hindi niya inakala na makakabuo siya ng ganitong katauhan. Pinag-aaralan ni Maki ang tungkol sa sakit niya at kung paano niya maiiwasan na mapalabas ang taong ‘yun sa katauhan niya, dissociative identity disorder ang sakit na kinakaharap ni Maki simula ng bata pa siya. Alam niyang pinipigilan nina Paxton na lumabas si Ody sa katauhan niya, hindi dahil sa natatakot ang mga ito dito kundi iniiwasan lang nila na may gawin na hindi maganda ito habang ito ang nagta-take over sa katawan niya. At ang paraan upang hindi na lumabas si Ody sa katauhan niya ay ang iwasan na alalahanin at balikan ang taong naging dahilan kung bakit may ganito siyang sakit.   “We won’t let him Laochecko, mas magtitiyaga ako sayo kaysa sa pangalawang katauhan mo. Its fine to have a stupid man like you than hi---“   Hindi natuloy ni Ruhk ang sasabihin niya ng bahagyang isuntok ni Maki ang kanang kamao nito sa dibdib niya. Seryoso lang na tingin ang binibigay ni Maki kay Ruhk ng bahagya na itong ngumiti at tinapik ang balikat ni Ruhk.   “Hindi ako stupid, sadyang nagmamagaling ka lang Ruhk palaboy.”sambit ni Maki na bahagyang ikinangisi ni Ruhk.   “Bumalik na tayo sa Manila, nagutom ako sa lakad natin ngayon. Pwede pala tayong dumaan sa La cuisine russiano, sagot mo ang kakainin ko Verchez.”pahayag ni Maki ng magsimula na silang maglakad ni Ruhk paalis sa lugar kung saan iiwan nila ang mga walang malay at dumadaing nilang kalaban.   “Tss! Hindi ka lang stupid Laochecko, patay gutom ka din. I’m broke if you f*cking remember.”sagot ni Ruhk na bahagyang ikinasimangot ni Maki sa sinabi ni Ruhk.   “Anong broke pinagsasasabi mo? Ikaw ang may sabi na pinili mong magpakalaboy tapos ililibre mo lang ako bigla mong sasabihin na ‘I’m broke’ gusto mong mamatay Verchez?”inis na banta ni Maki na balewala kay Ruhk dahil nginisian lang nito si Maki.   “I’m reserving my money for my marriage.”   “Walang kinakasal na torpe!”   “I am.”   “Asa, paano ka ikakasal wala ka namang bride.”natatawang pang-aasar ni Maki na malakas na ikinabatok ni Ruhk sa ulunan nito.   “Tangna mo Verchez!”inis na angal ni Maki   “F*ck you too, Laochecko.”bahagyang naiinis na sagot ni Ruhk na palitan na silang nagbibigayan ng suntok sa isa’t-isa.       MAGKA-HAWAK KAMAY si Nastia at ang kaniyang bunsong kapatid na naglalakad sa malawak na kalsada kung saan nadadaanan nila ang ilang mga café, boutique at iba pang stall na nakatayo sa gilid ng kalsada. After ng laban ni Nastia at naipanalo niya ang finals ay pinayagan siya ng kaniyang mga magulang na lumabas kasama ang kaniyang kapatid. Gustong ipasyal ni Nastia ang kapatid niyang si Cathrene dahil minsan lang silang makapag bonding na dalawa dahil kung hindi siya abala sa pagpa-praktis ng karate ay abala naman siya sa pagtulong sa negosyo nila.   Masaya siya sa pagpayag ng kaniyang magulang pero pinayagan lang sila dahil pumayag siyang sumama ang isa sa tauhan nila sa pagga-gala nila na ngayon ay naglalakad sa likuran nila na bahagyang ikinalingon ni Nastia dito.   *FLASHBACK*   “Kailangan ba talaga Daddy na isama namin si Jacob sa pamamasyal namin ni Cathy?” tanong na sambit ni Nastia sa kaniyang ama na buntong hiningang tumango sa kaniya.   Nasa labas na sila ng Gym na pinag-ganapan ng laban niya ng magpa-alam siya sa kaniyang magulang na ipapasyal niya si Cathy sa bayan. Nagkatinginan ang kanilang mga magulang ng bumuntong hininga ang kaniyang ama at ngumiti naman sa kaniya ang kaniyang ina.   “I know that you can protect yourself and your sister, but this is for the safety measure Livy. At least Jacob can watch Cathy if some unnecessary will happen in your way. Kilala kita anak, if you see someone that needs help, you didn’t hesitate to help them. Jacob will come with you to watch Cathy and not you, so don’t worry.”ngiting pahayag na sagot ng kaniyang ama na bahagya niyang ikinangiti.   “I understand Daddy, uuwi din kami agad ni Cathy before dinner.”ngiting sambit ni Nastia na ngiting ikinatango ng kaniyang ama.   “Yehey! We’re going out, ate and me were going out!”masayang pahayag ni Cathy na ikinahalik ng kanilang ama sa noo ni Cathy bago sa noo niya na ginawa din ng kanilang ina.   “Enjoy, don’t spoil Cathy by buying her anything she likes Livy.”paalala ng kaniyang ina na bahagyang ikinanguso ng kaniyang kapatid.   “That’s unfair.”bahagyang angal ni Cathy na natatawang ikinagulo ni Nastia sa buhok ng kapatid.   “I will but I won’t promise.”sagot ni Nastia na masayang ikinayakap ng kapatid niya sa hita niya.   “We’re going, take care and enjoy.”paalam ng kanilang mga magulang bago nilingon ng kaniyang ama ang bantay na sasama sa kanila.   “You know what you will do Jacob.”bilin ng ama nito dito na ikinayuko nito.   “Yes boss.”sagot nito bago ikinasakay na ng mga magulang ni Nastia sa kotse nila bago umalis na kinakawayan pa ni Nastia at Cathy ang papalayong sasakyan ng kanilang mga magulang.   “Let’s go Cathy?”ngiting sambit ni Nastia na ikinatuwang ikinasagot ng kaniyang kapatid.   *END OF FLASHBACK*   Napabuntong hininga si Nastia na binalik ang tingin sa nilalakaran nila, naiintindihan niya ang dahilan ng kaniyang ama kung bakit ipinasama nito ang isa nilang tauhan. Hindi niya gusto ang pakiramdam na may sumusunod sa kanila pero hindi niya nalang pinapansin dahil alam niyang may tama ang sinabi ng kaniyang ama kaniya.   “Ate Joy is sobrang daya, she leaves the tournament without watching your fight until the end.”bahagyang reklamo ni Cathy na bahagyang ikinangiti ni Nastia.   “Kilala mo naman ang ate Joy mo, madaming tawag nang trabaho ‘yun. Ang mahalaga nagpunta siya sa laban ko kahit papaano.”   Nauunawan ni Nastia kung hindi natapos ng kaibigan niya ang kaniyang laban, marami itong trabaho at pinahahalagahan nito bawat trabaho na meron ito. Hindi niya alam anong mga part time job ang meron ang best friend niya dahil hindi naman niya natatanong, maliban lang sa alam niyang informant ito ng mga pulis na ikinareklamo niya dito dahil alam niyang delikadong trabaho ang pinasok nito.   “Still, ate Joy is so madaya. I will make her panuod so many horror movies when she visits in our house. I’ll choose a movie that will frightened her very sobra.”pahayag ng kapatid niya na bahagya niyang ikinangiwi dahil alam niyang hindi makakatulog ng maayos ang kaibigan niya sa oras na mangyari ang balak ng kapatid niya.   Her best friend doesn’t like to watch horror movies at ngayong palang ay naawa na siya sa kaibigan niya.   “Have mercy on her Cathy, besides stop talking conyo already, baka madala mo ‘yan hanggang paglaki mo.”kumento ni Nastia sa pagsasalita ng kapatid na ikinangiti lang nito sa kaniya.   “I’m good in speaking conyo ate, I’m so galing kaya.”sagot nito na ngiting ikinabuntong hininga niya na lang.   “Do you want to go in an amusement park near here? Matagal na rin simula ng magpunt----“   “Magnanakaw?!”   Hindi natuloy ni Nastia ang sasabihin niya sa kaniyang kapatid ng umalingaw-ngaw ang sigaw ng isang babae habang hysterical na tinuturo ang isang lalaking nakabonet na may hawak ng isang brown na bag na mabilis na tumakbo sa direksyon nila at may hawak na balisong na agad niyang ikinayakap sa kapatid niya at agad silang tumabi sa daan na ikinalagpas ng magnanakaw sa kanila na mabilis na tumatakbo palayo.   “Tulungan niyo ko! ‘Yung bag ko ninakaw ng ng lalaking ‘yun!”mangiyak-ngiyak na pahayag ng may kaedarang babae na ikinalingon ni Nastia sa daang tinakbuhan ng magnanakaw.   “Jacob, take care of Cathy.”sambit ni Nastia bago ibinigay ang kapatid niya sa kasama nilang bantay na agad hinawakan ang kamay ni Cathy.   “Ate…”   “Stay here with Jacob okay, babalik si ate.”ngiting pahayag ni Nastia bago mabilis na tumakbo at tinahak ang daan na tinakbuhan ng magnanakaw.   “Is she going to make habol the magnanakaw Jacob?”tingalang tanong ni Cathy sa bantay niya na ikinatango nito sa kaniya na ikinasilay ng malawak niyang ngiti.   “Wow! My ate were going to be a superhero, right now.”   Mabilis na tinatakbo ni Nastia ang daan na dinaanan ng magnanakaw, alam niyang hindi pa ito nakakalayo kaya agad niyang sinusuri ang paligid niya upang makita ang kaniyang hinahabol. Sumisilip si Nastia sa mga eskinita kung saan pwede itong magtago, hindi tumigil sa paghahanap si Nastia hanggang sa makarating siya sa panglimang eskinita na nadaanan niya at nakita niya ang magnanakaw na naghahalungkat na ng bag na ninakaw nito.   “Hoy!”agaw atensyon niya dito na ikinagulat nito nab ago pa niya malapitan ay mabilis na kumaripas ito ng takbo na agad hinabol ni Nastia.   “Tumigil ka!”sigaw niya dito pero mas binilisan nito ang pagtakbo nito hanggang makalabas sila ng eskinita.   Pilit na hinahabol ni Nastia ang magnanakaw na itinutulak pa sa kaniya ang ilang taong nadadaanan nila para mapigilan siya sa paghabol niya rito na bahagyang ikina-inis ni Nastia.   “Pag-nahabol kita, sinisiguro ko na babalian kita ng buto!”bantang sigaw ni Nastia ng makita niyang muling pumasok ang magnanakaw sa isang palikong daan na ikinabilis niya ng paghabol dito nang makita niya ibinigay nito ang ninakaw nitong bag sa isang lalaki bago mabilis na kumaripas ng takbo na sa tingin ni Nastia ay kasabwat nito ng magnanakaw nagyon ang lalaking may hawak ng brown na bag na napalingon sa kaniya.   “You damn thief! Hindi ba kayo marunong maghanap ng matinong trabaho!”inis na singhal niya bago mataas na tumalon papunta sa lalaking nanlaki ang mga mata sa gagawin niya.   “T-teka h-hoy anong gagawin m—ughhh!”   Pagulong na bumagsak ang lalaking pinag-abutan ng bag ng magnanakaw na rinig niyang nagmumurang umaangal sa nangyari sa rito, nabitawan nito ang bag na ninakaw ng kasama nito dahil sa pagsipa na ginawa niya. Malakas niya kasing binigyan ng sipa sa dibdib ito upang hindi ito makatakas sa kaniya.   “Damn! What the f*ck!”rinig niyang mura nito na iknalakad niya palapit dito at ikinaapak niya sa dibdib nito na gulat na ikinatingin nito sa kaniya.   “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!”asar na singhal sa kaniya ng lalaki na bahagya niyang ikinatitig dito dahil ngayong lang nakakita si Nastia ng isang gwapong magnanakaw na sa klase ng suot nito ay hindi mapagkakamalan na gagawa ng masama.   “Hoy babae! Alisin mo ‘yang paa mo sa dibdi—aray!”angal nito na hindi natapos ang sasabihin nito ng bahagya niyang diinan ang dibdib nito at masama itong tinitigan.   “Hindi ka ba marunong maghanap ng trabaho ah?! Gwapo ka naman bakit hindi ka maghanap ng trabahong bagay sa itsura mo!”singhal na sermon niya dito na kita niyang ngiwing ikinakunot ng noo nito sa kaniya.   “A-ano? Mukha ba akong magnanakaw ha?”   “Bakit hindi ba? Kasabwat ka ng lalaking ‘yun diba? Look, I saw him give that bag to you. Sa tingin mo makakapagpalusot ka sa akin ha?”pahayag ni Nastia na inalis niya ang pagkaka-apak niya sa dibdib nito at hinawakan ang kwelyo ng damit nito at agad na itinayo.   “Damn! You mistook me as a f*cking thie---aray aray! Tangna, nakakasakit ka na babae ha!”nasasaktang angal nito ng pilipitan niya ang dalawang kamay nito sa likuran nito upang hindi ito makatakas sa kaniya.   “Pati pagsasalita ng English talagang pinag-aaralan niyong mga magnanakaw kayo ah, I didn’t know that a kind of people like a thief is learning how to speak English. Infairness, you learned well.”pahayag ni Nastia na akmang pipihit paharap sa kaniya ang lalaking hawak niya ng marinig niya ang bahagyang impit na daing nito dahil hinigpitan niya ang pagkakahawak niya sa dalawang kamay nito sa likuran nito.   “Teka langya! Oi babae hindi ako magnanakaw!”asar na paliwanag ng lalaki na ngising ikinatulak ni Nastia palakad dito.   “Yeah! Sa presinto ka magpaliwanag.”pahayag ni Nastia bago dinampot ang bag na ninakaw ng mga ito.   Hindi pinapakinggan ni Nastia ang mga sinasabi ng lalaking hawak niya dahil alam niyang gumagawa lang ito ng kwento, alam niya ang nakita niya at hindi siya naniniwala sa mga alibi ng lalaking hawak niya. Nang makarating sila sa presinto ay tinulak niya ang lalaking nahuli na napamurang hinaplos ang braso nitong inipit niya na binalingan siya ng masamang tingin na nag-aasar na ikinangiti niya lang dito.   “Ikulong niyo ang magnanakaw na ‘yan, may kasabwat pa ‘ya---“   “How many times should I f*cking tell you woman, hindi ako magnanakaw! Ang lakas mo magbintang ha, alam mo bang paninirang puri ‘yan!”angal nito na ikinasama niya na din ng tingin dito.   “Anong paninirang puri ang sinasabi mo diyan?! Bakit tinatanggi mo pa na hindi kasabwat ng magnanakaw na ‘yun eh huling-huli ko na binigay niya sayo ang bag na ‘to!”singhal ni Nastia na iniharap pa dito ang bag na hawak niya.   “Teka lang miss, sigurado ka bas a sinasabi mo?”tanong ng pulis kay Nastia na taas noong ikinatango ni Nastia dito.   “I’am hundred for sure officer, kaya ikulong niyo na ‘yan.”   “Sinabi ng hindi ako magnanak---“   “Ser, nahuli namin ang magnanakaw na ito na pilit na kinukuha ang bag ng isang babae.”   Napalingon sina Nastia sa isang pulis na may hawak-hawak na lalaking ikinakunot ng noo ni Nastia ng makilala niya ang lalaking hawak ng pulis na agad niyang itinuro.   “Officer that is his accomplice! I’m sure na kasabwat ‘yan ng lalaking ‘to!”akusa ni Nastia na ikinaturo niya sa lalaking nahuli niya na naka poker face ng nakatingin sa kaniya.   “Mr. Laochecko?”   Agad napalingon si Nastia sa pulis na may hawak sa magnanakaw na ikinasalubong ng noo niya dito dahil alam niyang ang tinawag nito ay ang gwapong lalaking kasabwat ng magnanakaw.   “Ki-kilala niyo ang magnanakaw na ‘to officer?”naguguluhang tanong ni Nastia na takang ikinalingon ng pulis sa kaniya.   “Kilala ko siya, sa kumpanya niya nagtatrabaho ang kapatid ko. Siya may ari ng Ainsoft Developing Company na kilala sa pag develop ng mga online gaming, siya si Mr. Maki Laochecko.”paliwanag na pagpapakilala ng pulis sa lalaking dinala niya sa presinto na ilang beses na ikinakurap ni Nastia bago dahan-dahan na ibinalik ang tingin sa lalaking umungos sa kaniya.   “H-hindi ka magnanakaw? Hi-hindi mo kasabwat ang lalaking ‘to?”hindi makapaniwalang tanong ni Nastia na ikinasimangot nito sa kaniya.   “Bingi ka ba? Kanina ko pa kaya sinasabi sayo na hindi ako magnanakaw! Aish, inabutan lang ng bag pagbibintangan mo na agad?!”singhal na reklamo nito na unti-unti ng ikinabangon ng hiya ni Nastia sa pagkakamaling nagawa niya.   “So-sorry, a-akala ko kasi ano ka eh, inabutan ka kasi nung ninakaw niyang ba---“   “Anong magagawa ng sorry mo kung nabitbit mo na ako sa presinto at sinira mo pa ang balak na pagkain ko na ililibre pa sa akin ng palaboy na ‘yun!”inis na reklamo nito bago nagpa-alam sa mga pulis at deretso ng naglakad palabas ng presinto.   “Ms.?”   “Ikulong niyo ang magnanakaw na ‘yan ha! Ahhh nakakahiya!”sambit ni Nastia na akmang babatukan ang magnanakaw na hinabol niya kanina na ikinasubsob nito sa dibdib ng pulis na may hawak dito na naiinis na mabilis na ikinalabas na niya ng presinto upang humingi ng tawad sa lalaking napagbintangan niya pero hindi niya na ito makita.   Pinagpapalo ni Nastia ang sariling braso dahil sa pagkakamali na nagawa niya.   “Bakit kasi ang bilis mo magconclude Livy, nakakahiya ka. Pero kasalan din naman kasi ng lalaking ‘yun dahil hindi man lang nagreak nung ibinigay sa kaniya ‘yung bag. Pero fault ko pa din dahil inakusahan ko siya, nakakahiya talaga!”angal ni Nastia sa kaniyang sarili bago naglakad na upang balikan ang pinagiwanan niya sa kapatid niya at maibalik sa babaeng ninakawan ng bag.   Sa unang pagkakataon, hindi inakala ni Nastia na makakagawa siya ng kahiya-hiyang bagay na sa tingin niya ay hindi niya basta-basta makakalimutan. Hindi niya akalain na sa ginawa niyang pagtulong ay may maaabala siyang inosenteng tao na hindi magnanakaw kundi isang tao na sa tingin niya ay kilala sa business world.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD