Chapter 18- The Beat of Her Heart
Split Intentions to Love Conflicts
Pagkarating ni Maki sa parking area ng Ainsoft ay agad siyang bumaba ng motorbike at naglakad papasok sa loob ng company niya, binabati siya ng kaniyang mga empleyado na ikinatatango niya lang sa mga ito. Kinuha niya ang calling card ni Devon at pinagmasdan ito bago disappointed na napabuntong hininga na tinago ‘yun sa likuran ng pants niya.
“Malas, bakit kasi nasaktuhan na busy ako gayong makikita ko pala ng personal ang idol ko. Sayang, kape na with her naging bato pa.”nanghihinayang na sambit ni Maki na naiiling na deretsong pumasok sa elevator.
Wala siyang interest sa love pero alam niyang hindi siya inosente, ultimate crush niya ang sikat na actress na si Devon dahil sa husay nito sa larangan ng pag-arte, bilib siya sa bawat role nito na gagampanan nito ng maayos at kung tatanungin siya kung sakaling anong klaseng babae ang gusto niya, si Devon ang naiisip niya.
Nang bumukas ang elevator ay agad lumabas si Maki doon na agad din naman siyang napansin ng kaniyan secretary na napatayo sa lamesa nito at agad umalis doon upang lapitan siya ng biglang tumunog ang cellphone niya na ikinatigil niya sa kaniyang paglalakad at agad kinuha ang cp niya. Napakunot ang noo niya dahil unknown number ang natawag sa kaniya na hindi naman siya ang klase ng tao na sumasagot ng tawag na hindi naman niya kilala kung sino, pero imbis na i-cancel niya ang tawag ay sinagot niya ito.
“Bos—“
Hindi natuloy ng secretary niya na si Trina ang sasabihin nito ng itaas ni maki ang kaliwang kamay nito at nag gesture sa kaniya na ‘just a minute’ na tahimik na ikinatayo lang nito sa harapan nito.
“Hello? Sino ‘to---“
(Giel?! Ikaw na ba ‘yan? Bumalik ka na ba sa katawan mo?)
Nagsalubong ang kilay ni Maki ng marinig niya ang pamilyar na boses sa kabilang linya, lalo na ng tawagin siya nito sa second name niya.
“Livy?”
(Tell me kung ikaw na si Giel? Ikaw ang bago kong kaibigan na kinulang sa height diba?)
“Wow, salamat sa insulto ha, na appreciate ko.”sambit ni Maki na ikinalakad niya papunta sa opisina niya na ikina hand sign niya sa secretary niya na mamaya na sila mag-usap na ikinatango nito.
(Pwede ba sabihin mo nalang sa akin na ikaw na si Giel at hindi na ang bruskong Ody na ‘yun!)
Nang makapasok na si Maki sa opisina niya ay dumaretso siya ng umupo sa working table niya, sa sinabi ni Nastia sa kaniya, mukhang nagkita ulit ito at si Ody.
“Yeah, ako na ‘to. Teka? Paano mo nalaman ang number ko?”kunot noong tanong ni Maki na rinig niyang ikinabuntong hininga ni Nastia sa kabilang linya.
(Hiningi ko sa secretary mo, sabi niya papunta ka daw sa kumpanya mo ngayon. Narito kaya ako sa rooftop Gard---)
Hindi pinatapos ni Maki ang sasabihin ni Nastia ng mabilis siyang mapatayo sa pagkaka-upo niya at mabilis na lumabas sa opisina niya na ikinatigil niya sa harapan ng mesa ng secretary niya.
“Bakit hindi mo agad sinabi sa akin na narito na si Livy?”bahagyang sermon ni Maki na ikina poker face ng secretary niya sa kaniya na itinaas ang kanang kamay nito at binalik ang gesture na pinakita niya dito kanina.
“Paano ko sasabihin Boss kung ibubukas ko palang ang bibig ko pinatigil mo na ako.”bahagyang angal nito na naiiling na mabilis na ikinatakbo ni Maki sa elevator at agad sumakay dito pataas sa rooftop garden ng Ainsoft.
Nang makarating siya sa rooftop ay agad niyang nakita si Nastia na nakaupo sa bench na ikinalakad niya palapit dito. Nang malapit-lapit na siya sa bench na kinauupuan nito ay natigilan siya ng marinig niya ang naiinis na boses nito.
“…Maki Giel Laochecko, sa oras na magkita tayo talagang ibabalibag kita ng husay sa pagbaba mo ng tawag ko! Hindi ako pumasok sa trabaho para lang alamin kung buhay ka pa tapos pagbabaan mo lang ako ng tawa? How dare you?!” naiinis na reklamo ni Nastia na hindi naiwasang ikinangiti ni Maki bago muling naglakad papalapit dito.
“Ibabalibag mo ko matapos kong bilisan na makarating dito? Iiwasan ka ng mga lalaki kung ganiyan ka katapang, Livy.”kumento ni Maki na agad ikinalingon ni Nastia sa kaniya na ikinasimangot nito.
“Mas okay ng iwasan nila ako dahil wala naman akong time sa kanila.”sagot ni Nastia na ikinatayo nito sa pagkaka-upo sa bench at naglakad palapit sa kaniya na ikinagulat ni Maki ng paikot siyang bigyan ng sipa ni Nastia na mabuti nalang ay naiwasan niya.
“Sh*t! Para saan ‘yun? Muntik na ako ha?!” hindi makapaniwalang angal ni Maki kay Nastia nagpamewang sa harapan niya.
“Paanong nakalabas si Ody sayo? At bakit ikaw…I mean siya ang kasama ni Cathy pauwi sa bahay?”
“Dinala pauwi ni Ody si Cathy sa bahay niyo?” gulat na sambit ni Maki na buntong hiningang ikinatango kay Maki.
“May ginawa ba siya kay Cathy?” tanong ni Maki na hindi naiwasang mag-alala para sa bunsong kapatid ni Nastia na ikinabalik nito sa bench at umupo muli doon.
“Wala siyang ginawa kay Cathy, binilhan pa nga siya ng laruan ni Ody at binantayan niya dahil niligaw lang naman niya si Jacob. Maisip ko lang na isinakay ni Ody si Cathy sa dala niyang motorbike gusto ko siyang harapin at ibalibag dahil delikado ang ginawa niya para sa kapatid ko!” reklamong pahayag ni Nastia na bahagyang ikinatitig ni Maki sa kaniya.
Bumalik sa isipan ni Maki ang video message na iniwan ni Ody sa kaniya, ang pagbawal nito sa kaniya na huwag mainlove kay Nastia. Hanggang ngayon ay hindi parin siya makapaniwala na nagka interest si Ody kay Nastia pero sa tingin niya, isa sa dahilan kung bakit nakuha ni Nastia ang atensyon ng ikalawang persona niya ay dahil sa matapang nitong ugali. Napabuntong hininga si Maki bago naglakad sa bench at umupo na rin doon.
“Wala akong maalala sa nangyari ng mag switch si Ody sa katawan ko, wala akong clue kung paano siya nakalabas dahil wala naman akong narinig ng araw na ‘yun tungkol sa taong ‘yun. I think, Ody can stole my time and body if he sees an opportunity. The last time I remember ay nasa harapan ko si Cathy then nang makabalik ako sa katawan ko, alam mo bang nasa illegal na negosyo na ako ni Ody napadpad.”kwento ni Maki na ikinatitig ni Nastia sa kaniya.
“Atleast nakabalik kang muli sa katawan mo, kahit papaano nag-alala ako sa’yo nuh. Umalis ka, I mean si Ody na parang badtrip at sa tingin ko siraulo ang alter mo. Sabihin ba naman niya na ‘Be mine, right now’ ang lakas ng apog niyang sabihin ‘yun sa akin. Baliw ang alter mo, Giel. Kahit iisang katawan ang pinaghahatian niyong dalawa, masasabi kong pag siya ang nasa katawan mo talagang iba ang dating niya compare sa’yo. Dahil sa pag-aalala ko kagabi sayo habang si Ody ang nasa katauhan mo talagang mababalibag ko siya pag lumabas siya ulit sayo.”pahayag ni Nastia sa kaniya.
“Siguro Livy, mas mabuti na lumayo ka nalang sa akin. Kung pinagka-interesan ka ni Ody mas mabibigyan siya ng rason para lumabas sa akin. Mas maigi ng hindi ka madamay sa magulong buhay ko dahil sa kondisyon ko. Siguro nga ay may mga panahon na napipigil mo siya sa paglabas sa akin pero ngayong interesado siya sayo I’m sure pipilitin niyang makalabas.”seryosong pahayag ni Maki na ikinabuntong hininga ni Nastia sa kaniya na ikinatayo nito sa pagkaka-upo na ikinalingon niya sa dalaga.
Kahit papaano ay naging malapit na rin si Nastia sa kaniya bilang bagong kaibigan pero kung totoong interesado si Ody dito, madadamay ito sa gulo ng buhay niya dahil sa kondisyon niya. Kaya pumasok sa isip niya ngayon lang na mas mabuting lumayo na si Nastia at kalimutan na nakilala siya nito.
“Sa sinasabi mo parang mas pinalala ko pa ang sitwasyon mo.”seryosong pahayag ni Nastia na akamang itatanggi ni Maki ng mapahiyaw siya sa sakit at napahawak sa ulunan niya matapos siyang batukan ng malakas ni Nastia.
“Balak mo bang sirain ang bungo ko ha? Ang lakas nun ah? Sigurado ka bang babae ka?”angal ni Maki habang hinihimas ang ulunan niyang bahagyang nananakit sa pagkakabatok ni Nastia sa kaniya.
“You deserved naman kasi, buti nga hindi kita binalibag sa way ng pag-iisip mo. Ngayong nagka interes sa akin ang alter mong siraulo ia-unfriend mo na ako. Siraulo ka din ba? Kung interesado nga sa akin si Ody sa tingin mo pag-lumayo ako ay hindi niya ako guguluhin once na nakalabas siya sayo? Hindi naman sa nagmamaganda ako Giel ha, though maganda naman ako pero guguluhin parin niya ang mananahimik kong buhay. Nag-iisip ka ba?”singhal na sermon ni Nastia sa kaniya na ikinasandal ni Maki sa bench na kinauupuan niya.
“Hindi ka naman attractive pero bakit nagka interest sayo si Ody?”pahayag ni Maki na ikinasamingot ni Nastia sa kaniya.
“Insulto ‘yan Mr. Kinulang sa height? Well, hindi man ako attractive, maganda ako.”sambit ni Nastia napabuntong hininga bago tinalikuran si Maki at tumingin sa kalangitan kung saan natatakpan ng mga ulap ang araw.
“Ang totoo, naawa ako sa kalagayan mo kaya gusto kitang tulungan. Isa pa, once na nagkaroon ako ng kaibigan gusto ko nakakatulong ako sa kaniya sa kahit anong paraan. I think I can deal with your alter, hindi mo kailangang mag-alala sa akin.”pahayag ni Nastia na ngiting ikinabalik niya ng tingin kay Maki.
“I think, hindi naman ganun kasama ang alter mo. He takes care of Cathy kahit papaano kahit hindi ko parin gusto ang pagpapasakay niya sa motorbike sa kapatid ko.”
“What if ma-fall ka sa kaniya? It will be hard on you, his existence is not real at hindi nawawala sa plano ko na alisin siya sa akin. Once na magawa ko ‘yun baka maging mahirap para sayo.”seryosong pahayag ni Maki na ikinatitig ni Nastia sa kaniya na miya-miya ay napatawa na ito sa harapan niya.
“Anong nakakatawa?”
“Ikaw? Nakakatawa kasi ‘yung sinabi mo? Bakit naman ako magkakagusto sa alter mo? Alam mo huwag kang mag-alala, I just really want to help you as a friend. Masyado malawak ang imahinasyon mo…”ngiting pahayag ni Nastia na ikinapatong niya sa ulunan ni Maki at ginulo ang buhok nito.
“Kung saan-saan naglalakbay ang imagination mo, Giel. Kung paanong kaibigan lang ang turing ko sayo, ganun lang din ang ang sa alter mo, okay.”pahayag ni Nastia na bahagya niyang ikinatigil ng hawakan ni Maki ang kama niyang nasa ulunan ito habang nakatingin sa kaniya.
“Paano kung ako ang ma-fall sayo? Anong gagawin mo? As a friend parin ba ang magiging tingin mo sa akin?”seryosong pahayag ni Nastia na hindi niya alam kung bakit biglang kumabog ang kaniyang puso sa sinabi ni Maki na akmang kokontrahin niya ng ito naman ang napatawa na ikinakunot ng noo niya.
“A-ang epic ng reaksyon mo Livy, nagulat ka sa sinabi ko noh? Joke lang ‘yun, agree naman ako na maganda ka pero hindi ikaw ang type ko. Masyado kang matapang, mas kaya mo pang protektahan ang sarili mo imbis na lalaki ang dapat gumagawa nun sayo. Okay tayo as a frie---tangna Livy! Y-yung buhok ano ba?! Balak mo ba akong kalbuhin?!” angal na singhal ni Maki habang nakahawak na siya sa kamay ni Nastia na sinasabunutan ang buhok niya.
“Hindi ako natutuwa sa joke mo Giel ah! As if naman papatulan din kita! Mas pogi pa sayo si Leonardo De Carpio nuh, mahiya ka nga!”singhal na reklamo ni Nastia na ikinabitaw na niya sa pagkakasabunot niya kay sa buhok ni Maki na sinimangutan siya.
“Ang sakit nun ah! Pag ako nakalbo sa lakas ng pagkakasabunot mo idedemenda kita.” Sambit ni Maki na biro lang ang huling sinabi niya na ikinaingos ni Nastia sa kaniya.
“Oh I’m scared. Kung makalbo ka magpasalamat ka nalang, mas bagay sayo ang kalbo. Sipain kita diyan eh!”pikon na singhal ni Nastia na inirapan si Maki bago siya nagsimulang maglakad palabas ng rooftop garden.
“Oi saan ka pupunta?”sigaw na tanong ni Maki sa kaniya na masamang tingin na ikinalingon niya dito.
“Sa kumpanya ng tatay ko. Nasayang kasi ‘yung oras ko sa pagpunta dito, nasayang ‘yung concern ko sayo.”singhal ni Nastia na nakangiting ikinatakbo ni Maki palapit sa kaniya.
“Biro lang naman ‘yun, alam ko namang mas click tayo bilang kaibigan. Teka Kumain ka na ba ng umagahan? Let’s eat sa kalapit na restaurant ng Ainsoft, may ikukwento ako sayo.”pahayag ni Maki na ikinairap ni Nastia sa kaniya.
“No thank you, baka masira appetite ko pag kumain akong ikaw ang nasa harapan ko .”
“Ang harsh ah, sa gwapo kong ‘to talagang masisira ang appetite mo? Nakakabusog ngang titigan ang mukhang ‘to.”ngising pagmamalaki ni Maki na poker face na ikinatitig ni Nastia sa kaniya na ikinataas ng dalawang kamay nito at inilapit sa pisngi ni Maki bago malakas na pinisil ang magkabilang pisngi nito na ikinangiwi ni Maki sa pagkakapisil niya sa pinsgi nito.
“Ang yabang mo, ni hindi ko nga makita ‘yung gwapo sa mukha mo na tinutukoy mo. Nakakabusog, really? Baka nakakaumay!”singhal na sermon ni Nastia dito ng hindi niya naiwasang mapatitig sa mukha ni Maki na agad inalis ang pagkakapisil niya sa pisngi nito at sabay na hinimas ng dalawang kamay nito ang pisnging pinisil niya.
“Ang sakit nun ah! Ikaw na nga ang inaayang mag-umagahan, ayaw mo pa.”reklamo ni Maki na natigilan ng makita niyang nakatitig si Nastia sa kaniya.
“Oh? Bakit ganiyan ang titig mo sa mukha ko? Na realize mo na bang gwap---hoy! Livy?! Ikaw na nga ang inaayang mag-umagahan ayaw mo pa?!” habol na singhal ni Maki ng mabilis siyang talikuran ni Nastia at mabilis ang lakad na ginagawa nito papunta sa elevator.
“Livy!”
“Kumain ka mag-isa mo! Ayokong kasabay kumain ang panget na kagaya mo.”sigaw na singhal ni Nastia sa kaniya na nakapasok na ng elevator na akmang hahabulin ni Maki ng magsara na ang elevator at hindi na niya naabutan.
“Problema nun? Libre ko na nga ang umagahan, tinanggihan pa niya.” Naguguluhang sambit ni Maki na napapailing nalang sa pagwa-walk out ni Nastia sa kaniya.
SAMANTALA, mabilis na lumabas si Nastia sa elevator ng makarating na ito sa ground floor. Dere-dereto lang siya ng lakad hanggang sa makalabas na siya ng kumpaniya ni Maki at makasakay na siya sa dala niyang kotse na ikinasandal niya sa kinauupuan niya.
Agad na napahawak si Nastia sa tapat ng kaniyang dibdib dahil sa abnormal na t***k ng kaniyang puso ng matitigan niya ang mukha ni Maki kanina kaya agad siyang umalis sa harapan nito. Nakakunot ang noo niya habang naguguluhan sa kung anong dahilan kung bakit biglang nagreak ng kakaiba ang puso niya ng mapatitig siya kay Maki.
“Why did my heart suddenly beat abnormally while staring at him? So weird? I know hindi ko siya crush at hindi ko siya type, so why did my heart react like this?”naguguluhang sambit ni Nastia sa kaniyang sarili ng biglang tumunog ang cellphone niya na ikinakuha niya at makita niya ang caller id na kaka save niya lang kanina.
“Bakit kailangan pang tumawag ng Mr. Kinulang sa height na ‘to?”naiinis na sambit ni Nastia na wala siyang choice kundi sagutin ang tawag ni Maki.
“Ano?”singhal na sagot ni Nastia dito.
(Ang sungit ah, kumain na kasi tayo ng umagahan, libre ko na.)
“Ayoko nga diba? Mas gusto ko pang kasabay kumain ng umagahan si Leonardo de carpio kaysa sayo na makapal ang apog.”
(Nagsasabi lang naman ako ng katotohanan na gwapo ako ah? Fact ‘yun Livy, huwag ka ng choosy, libre ko na nga diba?)
“I can buy my own breakfast Mr. Kinulang sa height so thank you sa alok m---“
“Boo!”biglang panggugulat na ikinasulpot ni Maki sa may bintana ng kotse ni Nastia na ikinasigaw sa gulat nito dahil sa biglaan niyang pagsulpot na bahagya nitong ikinagulat bago nito binuksan ang pintuan ng driver seat at sinenyasan si Nastia na lumipat ng upuan.
“Ako na magda-drive, may masarap na restaurant malapit dito. Tulad ng sabi ko libre ko na para mawala inis mo sa akin.”pahayag ni Maki na akmang sesermunan ni Nastia sa panggugulat niya na hindi niya binigyan ng pagkakataon at siya na ang nagtulak kay Nastia upang makalipat ito sa kabilang upan.
“Ano ba Giel! Hindi naman ako pumapayag ah!” singhal na reklamo ni Nastia na wala ng nagawa ng mapaalis siya ni Maki sa driver seat at ito na ang nakaupo doon na sinamaan niya ng tingin.
“Nakasakay na ako eh kaya wala ka ng magagawa, huwag ka ng mainis diyan.”pahayag ni Maki na ikinairap ni Nastia sa kaniya.
“Libre ko naman kaya huwag mo na akong irapan.”
“Hindi ako masyadong kumakain ng umagahan, inaalagaan ko ang weight ko para sa nalalapit na competition ko next month.”singhal ni Nastia na pinaandar na ni Maki ang makina ng kotse niya.
“Edi kung anong pwede mo lang kainin ang orderin mo, minsan lang ako manlibre kaya grab the opportunity. Teka anong exact date ng competition mo? Manunuod ako.”pahayag ni Maki ng umalis na sila sa tapat ng Ainsoft.
“Wala pang exact date, next week ko pa malalaman. Tsaka FYI hindi ko kailangan cheerer.”pagsusungit ni Nastia na bahagyang ikinangisi ni Maki.
“Don’t worry hindi naman ako manunuod para i-cheer ka, manunuod ako para ibash ka.”sambit nito na ikinasama ng tingin ni Nastia sa kaniya.
“Eh kung balian kaya kita ng buto diyan.” Inis na singhal ni Nastia na ikinatawa ni Maki sa kaniya.
“Nagbibiro lang ako, ikaw na mismo ang may sabi na ang pikon ang laging talo.”ngiting pahayag ni Maki sa kaniya na ikinairap niya lang dito.
“Anyway, salamat sa concern mo. Dumagdag ka kina Verchez na nag-aalala sa kondisyon ko, masaya ako na kahit nagkakapikunan tayo minsan, magkaibigan na tayo. Kung maagaw ulit ni Ody ang oras at katawan ko at puntahan ka niya, mag-ingat ka sa kaniya, ayokong may gawin siyang hindi maganda sayo.”pahayag ni Maki na ikinabaling ng tingin ni Nastia sa kaniyang bintana dahil sa muling pagtibok ng kaniyang puso na ikinasalubong ng kilay niya.
I’m not having a crush on him, right? This abnormally beating of my heart is not because I’m starting to like him as a man, right? Yeah! This is just nothing and no meaning, he’s just a friend that’s all. Sambit na pahayag ni Nastia sa kaniyang sarili.