Chapter 17- Maki's Crush

3587 Words
Chapter 17- Maki’s Crush. Split Intentions to Love Conflicts Mula ng mapanuod ni Maki ang video message ni Ody ay hindi na ‘yun mawala sa isipan niya, hindi parin siya makapaniwala na nagbigay ito ng offer sa kaniya na papayag ito na hindi na nito ituloy ang planong pagkuha sa buhay at katawan niya basta huwag lang siya mai-inlove kay Nastia. Sigurado naman si Maki na hindi siya magkakagusto kay Nastia at kaibigan lang sila nito pero hindi niya inasahan na ang katulad ni Nastia ang makakakuha ng interest ng ikalawang persona niya na alam niyang hindi gagawa ng maganda. Kanina pa si Maki napapa-isip sa video call ni Ody sa kaniya at gumugulo din sa isipan niya kung sasabihin niya kina Paxton ang nangyari kanina sa kaniya. Hindi natatakot si Maki sa ikalawang persona niya pero, pero sa tingin niya ang klase ng negosyon na meron ito na nakita niya ng bumalik siya sa katawan niya ay hindi magandang pakielaman. Kaya napagdesisyunan niyang huwag nalang banggitin kina Ruhk ang nasaksihan niya, hindi dahil sa banta ni Ody kung di dahil ayaw ni Maki ng dagdag na gulo na dala ng ikalawang persona niya. Tahimik lang si Maki sa kinauupuan niya ng may tumamang throw pillow sa ulunan niya na agad niyang ikinalingon kay Ruhk na kababa lang ng isang kamay nito habang nakatingin sa kaniya na ikinasimangot niya dito. “Ikaw ang bumato Ruhk palaboy?” “Yeah, mukhang ang layo kasi ng nilalakbay ng isipan mo kahit wala ka nun. We’re having a serious talk here and you’re just f*cking spacing out when you came down after you change your shi*ty clothes you wear a while ago.”punang kumento ni Ruhk sa kaniya na agad ikinalingon ni Maki kay Trace na walang emosyon na nakatingin sa kaniya at ikinalingon niya din kay Paxton na seryosong nakatingin naman sa kaniya. “Okay ka lang ba Maki?” tanong ni Irish sa kaniya na malawak niyang ikinangiti sa mga ito. “Oo naman,bakit naman ako hindi magiging okay Ate Tanya.” “Tell us? What happened to you while you’re roaming outside? Lumabas ba siya?”seryosong tanong ni Paxton na agad ikinailing ni Maki dito. “Hindi Kuya Paxton, wala namang rason para makalabas siya dahil wala naman akong naririnig tungkol sa kaniya. Galing akong Ainsoft kanina at may mga troubleshoot lang akong ginawa dun.” Pagsisinungaling ni Maki kina Paxton. Ayaw man niyang maglihim sa mga ito ay wala siyang nagawa upang mas hindi siya alalahanin ng mga ito, alam niyang ang kalagayan niya ay nagiging pabigat na kina Ruhk dahil alam niyang nag-aalala din ang mga ito sa tuwing nakakalabas si Ody sa katawan niya at ayaw niya ng dagdagan ang dalang problema ni Ody sa mga kaibigan niya. “Are you sure Laochecko? Wala kang nililihim sa amin na dapat mong sabihin?”tanong ni Ruhk sa kaniya na lingong ikinasimangot ni Maki dito. “Ano namang ililihim ko Verchez? Kung dahil sa get-up ko kanina ang iniisip mo trip ko lang talaga mag-suot ng ganun, kung naiingit ka sa trip ko gumaya ka.”singhal ni Maki na ingos na ikinangisi ni Ruhk sa kaniya. “No way, kung ganung klase ng pormahan ang gagayahin ko patayin mo nalang ako.”pahayag ni Ruhk na ikinadampot ni Maki ng throw pillow nito na akmang ibabato niya ng higitin ito ni Paxton sa kaniya. “Tama ng asaran, bumalik na tayo sa dapat nating pag-usapan.”sita ni Paxton sa kanila na ikinaayos nalang ni Maki sa kinauupuan niya at binalingan ng tingin sina Trace. Napag-usapan nila na ang tungkol sa pagkahanap ng bahay ampunan na tinirhan ng hinahanap ni Bliss na kapatid nito, at kung paano naguguluhan ang asawa ni Trace kung paano napunta sa isang bahay-ampunan sa pilipinas ang kapatid nito gayong sa kwento ng ina ni Vincenzo ay sa Italy nagkahiwalay ang magkapatid. Pupuntahan nina Trace ang bahay-ampunan na sinabi ng kaibigan ni Paxton na si YoRi na hinigian nila ng tulong upang mapabilis ang paghahanap ni Bliss sa kapatid nito, kahit papaano ay nakaramdam ng inggit si Maki dahil may clue na si Bliss upang mahanap ang kapatid nito samantalang siya, hanggang ngayon wala siyang makitang clue kung saan dinala ng kaniyang ama ang kaniyang Ate. Gusto mang sumama ni Maki kina Trace upang tumulong pero sa susunod na araw  na ang punta niya sa Iraq para sa bago nilang kliyente na susuplayan nila ng mga baril. Kailangan niya munang bumalik sa Ainsoft upang pirmahan ang mga natitirang financial report ng nangyaring launching, pwede naman niyang gawin ‘yun by email pero dahil may isang araw pa siyang bakante bago ang lakad niya para sa trabaho nila nina Ruhk ay sa opisina niya na ito pipirmahan at mag-iiwan narin siya ng bilin sa secretary niya para kay Cathy sakaling guto nitong pumunta ulit sa rooftop garden ng company niya. Matapos ang pag-uusap nila ay nagdesisyon na silang magpahinga dahil malalim na rin ang gabi, at dahil gabi na ay napagpasyahan na sa bahay nalang muna ni Paxton matulog sina Trace kaya sina Ruhk at Maki ay sa sala ngayon natutulog. Si Maki ay mahabang sofa nakahiga habang si Ruhk ay sa sahig na binigyan siya ng mailalatag ni Irish sa sahig. Tanging ilaw lang sa secondfloor ang nagbibigay ng bahagyang liwanag sa sala, tahimik si Ruhk sa kinahihigaan nito habang si Maki ay nakatulala sa may kisame at bumalik na naman sa isipan niya ang video call ni Ody na iniwan nito sa kaniya. Hanggang ngayon ay hindi niya maisip ang dahilan kung paanong nakuha ni Nastia ang interest ng ikalawang persona niya, alam ni Maki na ayaw ni Ody dito dahil banta ito sa dito dahil napipigilan nito ang paglabas nito pero aaminin niya na nagulat siya sa banta ni Ody na huwag siyang mahuhulog kay Nastia dahil dineklara ni Ody na pagmama-ari nito si Nastia. Ayaw niyang madamay si Nastia sa naiisip ni Ody pero kung totoo ang sinabi nito na kaya na nitong agawin ang oras niya at ang katawan niya kahit walang nagbibigay ng trigger sa kaniya ay mas malaking banta si Ody sa kaniya, Though hindi parin siya tiwala sa offer nito sa kaniya. “Gising ka pa Verchez?” tawag ni Maki kay Ruhk ng may lumipad na throw pillow sa kaniya na hindi niya naiwasang bahagyang ikatawa. “Gising ka pa nga, iniisip moa ng Liana mo?” “I always think about her.”sagot ni Ruhk sa kaniya na bahagya niyang ikinangisi. “Seriously Verchez, bakit ayaw mo pang umamin kay Liana. Sabihin mo na sa kaniya ang tunay mong nararamdaman at kung sino ka talaga, sige ka, pag nalaman pa niya sa iba kamumuhian ka nun.”pahayag na payo ni Maki kay Ruhk na rinig niyang ikinaingos nito kaya napalingon siya dito. “Sana ganun lang kadali ‘yun Laochecko, I don’t want my grandfather’s attention draw to her. I decided to stay away from her.”sagot na pahayag ni Ruhk na kunot noong ikinaupo ni Maki sa pagkakahiga niya sa sofa habang nakatingin kay Ruhk. “Ano? Sa dami ng ginawa mo para mapansin ni Liana, sa pagiging possessive mo sa kaniya wag lang siyang malapitan ng ibang lalaki bigla ka nalang lalayo sa kaniya? Siraulo ka ba?” sita niya dito na ikinalingon ni Ruhk sa kaniya. “You don’t fully know the situation Laochecko, loving her will make her life messy.”pahayag ni Ruhk na ikinaalis ng tingin nito sa kaniya at tinakip ang kanang braso sa mga mata nito. “You’ll understand my decision if you’re in my shoe Laochecko, fall in love first.”sambit pa ni Ruhk na ikinabalik ng pagkakahiga ni Maki. “Wala pang babae na kayang patibukin ang puso ko Verchez, meron man sa tingin mo mauunawan niya ang kondisyon ko? Loving me will be very difficult.”pahayag na sambit ni Maki. When he found out his situation having DID, the doctor told him that it will difficult for him to enter in a relationship. Kaya nagpapasalamat siya dahil wala pang babae ang pumupukaw sa puso niya. “What if nakita mon a but your f*cking dense to feel it, what if may isang babae na kayang magstay sa tabi mo even you have that condition?”sambit ni Ruhk na ngising ikinapatong ni Maki sa ilalim ng ulunan niya ng kaniyang dalawang braso. “Kung si Livy ang tinutukoy mo, mali ka ng prediction. We’re just friends and she maybe understand my condition but I know she won’t stay. Hindi ka si kupido para mag match kaya huwag mong ipilit si Livy, mag-kaibigan lang kami.”pahayag ni Maki na ikinatagilid patalikod ni Ruhk kay Maki. “If you say so.”sambit nito na ikinapikit lang ni Maki ng kaniyang mga mata. Hindi na muling nag-usap ang dalawa at sa paglalim ng pagtulog ni Maki ay muling bumalik sa panaginip niya ang isang alaala mula sa nakaraan. “Wow ikaw ang gumawa nito? Paano ka nakagawa ng bahay sa taas ng puno?” natutuwang hangang sambit ng batang Maki sa kalaro nitong batang lalaki na anak ng tauhan ng kaniyang ama na dalawang taon ang tanda sa kaniya. “Ako pa ba Sir Maki, mabilis lang naman umakyat sa puno na ‘yan eh. Tsaka tinulungan ako ni tatay diyan.” pagmamalaking pahayag ng batang lalaki sa batang Maki na natutuwang ikinatakbo nito sa malaking puno. “Pwede ba akong umakyat?” excited na tanong ng batang Maki sa kaniyang kalaro na ikinatango nito sa kaniya. “Oo naman po, pinagawa ko ‘yan para sayo sir Maki. Kaya kahit kailan mo gustong umakyat diyan walang problema.” “Talaga?! Gusto ko ng umakyat, akyat na tay---“ “Maki!” Isang malakas na sigaw ang nagpatuod sa batang si Maki sa kinatatayuan niya dahil kilalang-kilala niya ang matapang at maotoridad na boses na tumawag sa kaniyang pangalab na hindi niya magawang lingunin. Hindi naiwasan ng batang Maki ang bahagyang manginig dahil alam niyang sa klase ng pagtawag nito sa pangalan niya ay hindi maganda ang mood ng kaniyang ama. Natatakot na nilingon ng batang Maki ang kaniyang ama na ng makalapit sa pwesto niya ay agad siya nitong kinuwelyuhan at binitin na parang sako na mas ikinatakot ng ekspresyon ng mukha ng batang Maki. “Daddy----“ “Hindi ba at kabilin-bilinan ko sayo na hindi ka pwedeng lumabas ng kwarto mo? Sinusuway mob a talaga akong bata ka ha? Wala ka nan gang silbi pabigat ka pa!”galit na sigaw ng ama niya sa kaniya na malakas nitong ikinabalibag sa kaniya sa lupa na naluluhang ikinangiwi niya dahil sa malakas na pagkakabagsak niya sa lupa. “S-sorry D-daddy, h-hindi na po mauulit.” Iyak ng batang Maki na ikinasipa ng kaniyang ama sa kaniya sa kaniyang sikmura na ikinapilipit niya sa kaniyang dahil sa ginawa nito. “Talagang hindi mon a dapat ulitin dahil itatapon ulit kita sa basement pagsinuway mo pa ako!” galit nab anta nito na akmang sisipain ulit ang batang Maki ng matigil ang kaniyang ama sa gagawin nito dahil sa pagkakatulak ng batang lalaki sa ama ng batang si Maki na gulat na ikinalingon ng governador dito. “Tama na! Nasasaktan na si sir Maki, hindi nyo dapat sinasaktan ang anak niyo.”pigil na sita ng batang lalaki sa ama ng batang si Maki na dahan-dahan niyang ikinalingon sa kaniyang kalaro. “How dare you push me little kid!”galit na sigaw ng ama ng batang si Maki na mabilis nitong ikinalapit sa batang lalaki at malakas itong sinampal na ikinabagsak nito sa lupa at ikinadugo ng gilid ng labi nito na ikinagulat ng batang si Maki habang masamang tingin ang binibigay ng kalaro niya sa kaniyang ama. “Wala kang galang sa nagpapakain sa pamilya mo!”sigaw pa ng ama ng batang si Maki na ikinasimula nitong ikinasipa ng sunod-sundo sa batang lalaki na ikinaiyak ni Maki dahil wala siyang magawa. “T-tama na Daddy…” Kahit ang mga tauhan ng Governador ay hindi nangingielam sa ginagawa nito dahil alam nilang mabubuhos ang galit ng amo nila sa kanila kaya nanahimik lang sila sa kinatatayuan nila habang tuloy-tuloy ang ama ng batang si Maki sa pagsipa sa batang lalaki na ginagawang panangga ang dalawang niyang braso sa kaniyang mukha. Pinilit ng batang Maki na makatayo at ng magawa niya ay agad niyang nilapitan ang kaniyang ama at niyakap ito mula sa binti nito na galit na napalingon sa kaniya. “Tama na Daddy, uwi na po tayo. Hindi na po ako lalabas pangako po.”iyak na pigil niya s akaniyang ama ng bitbitin siya nito at ihagis sa harapan ng mga tauhan nito. “Dalhin niyo ang suwail na ‘yan sa kwarto niya at ikilong, huwag niyong dadalhan ng pagkain at kung mangielam ang ina at ang kapatid niya sabihin niyong malalagot sila sa akin pag sinuway nila ang gusto ko! Damn it! Late na ako sa conference dahil sa batang ‘yan!”sigaw na bilin ng ama ng batang si Maki na ikinalingon nito sa batang lalaki umuubo habang nakahiga sa lupa, na may mga pasa na sa braso nito. “Dalhin niyo sa bartolina ang batang ‘yan, ikulong at huwag ding pakainin.”maotoridad na bilin nito bago nagsimulang umalis habang umiiyak na nilingon ng batang si Maki ang nasaktang na batang lalaki dahil sa kaniya na ilang beses na sorry ang lumabas sa kaniyang bibig. Dahan-dahang nagmulat si Maki ng kaniyang mga mata at bumangon sa pagkakahiga niya sa sofa at napatulala sa kaniyang napanaginipan. Hindi niya matandaan kung sino ang batang tumulong sa kaniya sa tuwing sinasaktan siya ng kaniyang ama. Hindi niya maalala ang mukha o pangalan ng batang lalaki na minsan ay sinasamahan siya sa basement sa tuwing kinukulong siya ng kaniyang ama doon. Bahagyang napasabunot si Maki sa kaniyang buhok dahil ito ang pangawalang beses na dinadalaw siya ng mga nangyari sa kaniya sa nakaraan na ngayon lang nangyari. Huminga ng malalim si Maki at inalis sa isipan ang kaniyang napanaginipan kahit pilit niyang inaalala ang batang minsan niyang naging tagapag tanggol mula sa kaniyang ama. Bahagyang napailing si Maki at nilingon ang orasan sa dingding at ng makitang mag-aalas sais palang ng umaga ay umalis na siya sa sofa na hinihigaan niya ng ibaling niya ang kaniyang tingin kay Ruhk na ikinakunot ng kaniyang noo ng wala na ito sa kinahihigaan nito at nakaligpit na ang pinaghigaan nito. “Mukhang maagang umalis ang torpe na ‘yun ah?”kumento ni Maki habang inaayos niya naman ang sofa na pinaghigaan niya. At dahil alam niyang tulog pa sina Paxton sa ganitong oras ay nagdesisyon si Maki na umuwi muna sa condo niya upang doon magbihis ng damit bago dumeretso sa Ainsoft. After niyang maglipit ay nag-iwan muna siya ng note sa may table bago naglakad palabas ng bahay ni Paxton. Nang makalabas siya ay agad siyang napatingin sa ducatti motorbike na dala niya kagabi pero hindi niya alam kung saan ‘yun kinuha ni Ody dahil sa itsura palang nito alam niyang hindi ito bagong bili. “Anong kayang ginawa nun sa kotse ko, tangna mahal pa naman ‘yun.”pahayag ni Maki na naiiling na ginamit nalang ang motorbike dahil wala rin naman siyang gagamitin na ibang sasakyan. Pagkasakay niya dito ay agad na niya itong pinatakbo paalis, hindi na nagsuot ng helmet si Maki dahil alam niyang walang maghuhuli sa kaniya ngayong araw kaya malakas ang loob niyang magmaneho ng motorbike kahit wala siyang helmet. Seryoso lang sa pagpapatakbo si Maki ng may madaanan siyang isang mini cooper sa gilid ng kalsada na hindi naiwasang ikinagilid ni Maki at binalingan ng tingin ang isang babaeng naka saklob na itim na kahit hindi niya makita ang mukha nito ay alam niyang namomroblema ito sasakyan nito na sa tingin niya ay may probelma. Agad na bumaba si Maki sa motorbike niya at nilapitan ang namomroblemang babae na gusto niyang bigyan ng tulong. “Need mo ba ng tulong Miss?” tanong na alok niya dito na kita niyang bahagya nitong ikinatigil sa kinatatayuan nito bago bahagyang tumalikod sa kaniya at mas yumuko ito na ikinakunot ng noo ni Maki. “My baby cooper suddenly stop, I don’t know what the problem is.”mahinhin na sagot ng babae na agad ikinapunta ni Maki sa unahan ng mini cooper nito at binuksan ang harapan nito ng bahagya itong umusok na agad ikinalayo ni Maki dito na siya namang nakayukong ikinalapit ng babae sa kaniya. “What happened?”tanong ng babae sa kaniya na ng mawala ang steam ng usok ay agad sinuri ni Maki ang problema ng makina ng sasakyan ng babae. “May nag leak na motor oil sa gasket ng makina mo sa mainit na bahagi ng engine mo kaya umusok. Patayin mo muna ang aircon at makina ng kotse mo then paki check ng coolant level ng sasakyan mo. Cool the engine first before you turn on the engine again, siguro higpitan nalang natin ang pagkakasara ng motor oil mo para hindi na magleak. May gamit ka bang dala Miss?” baling na tanong ni Maki dito na agad nitong ikinaalis sa tabi niya at agad nagpunta sa may likuran ng kotse nito at binuksan ang bump nito bago bumalik sa kaniya at inabot ang gamit na kailangan niya. Hinigpitan na ni Maki ang takip ng motor oil niya at ganun na din ang ibang pwedeng labasan ng fluid na pwedeng mag leak sa hot engine ng sasakyan ng babae. Matapos niyang gawin ‘yun ay sinara na niya ang hood nito bago inabot sa babae ang gamit na ginamit niya. “Here, next time na mangyari ulit ‘yan make sure to do this again. And bago ka umalis check mo munang maigi ang engine mo Miss.”pahayag na bilin ni Maki na ikinatango ng babae sa kaniya habang nakayuko ito. “Thank you, actually nangangamba ako kanina pa dahil sa pagkasira ng sasakyan ko. Salamat sa tulong mo.” “That’s nothing, kaysa naman mga hindi gagawa ng mabuti ang mapadaan sayo para tulungan ka then magpapaka good citizen na ako.”pahayag ni Maki na akmang babalikan niya na ang motorbilke niya ng hawakan siya ng babae sa braso niya na kunot noong ikinalingon niya dito. “Bakit Miss?”takang tanong niya dito na dahan-dahan na ikinatunghay nito sa kaniya na bahagyang ikinatigil ni Maki sa kinatatayuan nito ng makilala niya ang babaeng tinulungan niya na nahihiyang nakatingin sa kaniya. “Nakakonsensya naman ako kung wala akong gagawin para bayaran ka sa pagtulong mo sa akin, ayoko kasi ng nagkakaroon ako ng utang na loo---“ “Autograph!” putol na sambit ni Maki dito na ikinailang kurap nito sa kaniya. “H-huh?” “Kahit autograph mo lang okay na, dang! I’m a fan your movies! You’re Devon Dela Torre, right?” natutuwang sambit ni Maki dahil hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya ang kaisa-isang artista na nagustuhan niya ang mga movie na pinagbibidahan nito. Masasabi niyang ito ang nag-iisang artista na crush niya dahil sa galing nitong umarte. “F-fan kita?”tanong nito na ikinatango ni Maki dito. “Hindi ba kapanipaniwala? Ang galing mong umarte sa mga ginagampanan mo, minsan lang ako humanga pero iba ka.”pahayag na sagot ni Maki na ikinangiti nito sa kaniya na hindi naiwasang ikatitig ni Maki dito dahil sa magandang ngiti na meron ito. “Thanks for the compliments, kung signature lang walang problema.”magiliw na sambit nito na bahagyang ikinatigil ni Maki dahil naalala niyang wala siyang dalang papel at ballpen. “Damn! W-wala pala akong dalang papel at ballpen, sh*t sayang!” nanghihinayang na sambit ni Maki na ikinangiti ni Devon sa kaniya. “If you want, aayain nalang kitang mag coffee. May coffee shop akong alam na kaunti lang ang taong pumupunta at kilala ko ‘yung may-ari kaya walang gagambalang ibang nakakilala sa akin.”ngiting aya nito “Talaga? Napaka swerte ko naman, saan ba ‘yan at susund---“ hindi natuloy ni Maki ang sasabihin niya ng maalala niyang kailangan niya pang pumunta sa Ainsoft hindi lang para pumirma sa mga documents niya kundi para matawagan din si Nastia upang kamustahin si Cathy matapos siyang palitan ni Ody sa harapan nito. Wala siyang contact nito kaya tatawagan niya nalangi ito sa company number na gamit nito. “Aish! Mukhang hindi sang-ayon sa akin ang araw na ‘to ah, may gagawin pa kasi ako. Picture nalang Idol, para maipakita ko kay Verchez at inggitin ko na may artista akong natulungan.”pahayag ni Maki na ngiting ikinatango nito. Inalabas niya ang cellphone niya at nag selfie siya kasama si Devon, after nun ay may iniabot na isang calling card ito na agad namang kinuha ni Maki. “Calling card ko ‘yan, just call me if free ka na para naman mabayaran ko ang tulong mo sa akin.”ngiting pahayag nito na ngiting itinago ni Maki sa wallet niya ang calling card nito. “Sure. Ingat ka.”ngiting pahayag ni Maki bago naglakad na palapit sa motorbike niya habang may malawak na ngiti sa mga labi nito. “Damn! I just saw my crush today, what a good day for me.”natutuwang pahayag ni Maki bago sumukay sa motorbike niya at umalis naroon na may magandang mood.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD