KABANATA 1

1033 Words
  KABANATA 1:         MY cousins visited us whenever they are free. Ngayon kasing may mga trabaho na sila ay bihira na lang sila bumisita sa Hacienda pero noong bata pa ko at naga-aral pa ay palagi silang pumu-pumunta. Sabay-sabay kaming kumakain, naga-alaga ng hayop o di kaya na-ngangabayo.      Sumimangot ako ng bumaba mula sa paborito kong kabayo. Si Sebastian. Kulay tsokolate ang kanyang balahibo at mas malaki ng kaunti kay Alexandria, isa din sa paborito kong kabayo. Si Sebastian ay regalo sa akin ni Lolo Aurelio matapos nitong malaman na marunong na akong mangabayo.       "You let me win again, Kuya!" I snorted.      Nagtawanan sila Kuya Jack, Landon and Nolan habang naka-silong sa malaking payong. Mayroong lamesa at upuan doon kung saan nakalagay sa ibabaw ang mga pagkain. It’s four in the afternoon. Hindi na tirik ang araw kaya nagkaya-yaan kaming mangabayo. Si Kuya Charles ang kalaban ko para sa araw na ito.     It’s holiday today kaya nakuha nilang bumisita sa Hacienda. Nagtatampo na din ako dahil bihira na lang talaga silang magawi dito. Nalulungkot din syempre si Lolo.     Humalakhak si Kuya Charles na bumaba sa sarili nitong kabayo. Yes, we have our horses in the stables. Kaya kapag narito sila ay kanya-kanya kami ng bitbit sa mga paborito naming kabayo.     "I didn't! You're just good at racing!" Tinanggal nito ang suot na riding cap at umupo na din kasama ang mga kapatid nito.     Since I was the only girl sa side ni Lolo. They treat me as a princess. They spoiled me pero not to the point na maraming bawal dahil takot silang madapa o masaktan ako. I learn to be adventurous because of them. Sila din nagturo sa akin paano mangabayo dahil ayaw ni Lolo sa takot nito na baka mapilay ako. Dahil sa kanila iyong mga ayaw ni Lolo na gawin ko ay nagagawa ko na.     I rolled my eyes in annoyance. Kinuha sa akin ni Mang Rey si Sebastian para ipasok na sa kwadra. Lumapit ako sa table nila at iritadong umupo roon. Humalukipkip ako habang pinapanuod silang magka-kapatid na nagtatawanan. Obvious naman kasing hindi nila binibigay ang one hundred percent na galing nila sa pangangarera.     Ginulo ni Kuya Jack ang aking buhok. Siya ang panganay sa magka-kapatid. He's thirty years old pero wala pa ring asawa. Hindi ko alam kung allergic ba sa babae o ano?      Si Kuya Jack ay pihikan. Bilang lang sa daliri nito ang naka-relasyon niya. Kaya hanggang ngayon na trenta na ay wala pa ring asawa. Samantalang si Tito Amado at Lolo Aurelio ay pinipilit na siyang mag-asawa. Kailangan din kasi nilang magparami ng lahi dahil nga kaunti lang naman kami sa pamilya.       "Pupunta lang kayo dito para inisin ako!" Umirap ako. Kinuha ko ang inabot ni Kuya Landon na baso na may lamang tubig.     "Ano bang gusto mo 'yung pupunta kami o hindi?" He smirked.     Kuya Landon is the second child. He's a notorious playboy. Kabaligtaran ni Kuya Jack na seryoso naman sa babae pero nuknukan ng pagka-chusi.     Kung si Tito Amado problemado kay Kuya Jack dahil pihikan. Kay Kuya Landon ay problemado sila dahil andaming nitong babae at palagi pang nasasangkot sa scandal. Mga nakaka-relasyon niya kasi ay mga artista. Kung hindi naman ay mga sikat na modelo.     "I want you to visit me pero hindi iyong niloloko niyo lang ako sa race! Nakakainis!" Ibinaba ko ang baso matapos inuman iyon.       Inakbayan naman ako ni Kuya Nolan. Siya iyong pangatlo sa magka-kapatid. Sa lahat ata siya lang ang matino? Well, kasi he's not a womanizer, hindi din siya pihikan. Nagkakaroon din siya ng mga girlfriends at puro pang-matagalan dahil likas sa kanya ang pagiging seryoso.     "Hayaan mo na. Gusto mo tayong dalawa ang magkarera?" Ngumiti ito.       Sumimangot ako lalo ng nagtawanan silang magka-kapatid. Paano, e hindi naman ganoon kagaling si Kuya Nolan. Sa aming lima siya ang laging kulelat.       "She will not do it. For sure, she knows she's going to win again." Kuya Charles said sarcastically.     Bumaling ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin. Isa pa 'to.     "Next time, play fair!" yamot kong sabi. Kumuha ako ng sandwich at kinagatan iyon.       "Alright! Alright!" sabi ni Kuya Charles.       Nag-usap kami hanggang sa medyo dumalim na ay bumalik na kami sa mansion. Tulad noon kapag narito sila. Sabay-sabay kaming nagha-hapunan.      As usual, na-miss ni Lolo ang magulong dining dahil sa mga pinsan ko. My Lolo is old, but he doesn't look like one every time he smiles. Bumabata siya sa paningin ko kapag masaya siya.     I love Lolo Aurelio. Siya na ang tumayong Ama at Ina sa akin. Dahil sa kanya natuto ako kung paano makipagsalamuha sa iba. Masunurin din ako sa kanya. Sa tuwing ginagawa ko kasi iyon noon palagi niyang binibigay ang gusto ko. Kaya ngayong malaki na ko. Nakasanayan ko na ding sumunod sa lahat ng gusto niya.     I am twenty-two years old now. Soon, our Hacienda will be mine alone. Wala namang ibang magmamana kundi ako. My cousins are fine with that. Ibinigay na nila sa akin ang ari-arian na ito ni Lolo. Kaya bilang kapalit sa lahat ng mayroon ako. Dapat ko daw masiguro na karapat-dapat ang lalaking makakasama ko habang buhay.      Iyong lalaki na marangal. Tulad ba namin na kasama sa prominenteng pamilya. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mga pinsan kong nagtatawanan kasama si Lolo Aurelio.     Sa edad kong ito ay hindi ko pa naranasang mag-nobyo. Anong dahilan?      "Guard your heart. No one will ever be worthy of you except if he passed our standards. Do you get it now, Geselle?"     "You are our princess, and you deserve the best."     Iyong paulit-ulit na sinabi nila Kuya Jack ang palaging nagpa-paalala sa akin kung kaya hanggang ngayon wala pa rin akong nobyo. Hinaharang din kasi nila. Bukod doon, wala din naman akong sineryoso na magustuhan dahil natu-turn off ako kapag nakikita silang natatakot sa mga pinsan ko.     Kung hindi nila kaya harapin ang mga pinsan ko, paano na lang kapag kay Lolo Aurelio? Mataas ang standards ni Lolo pagdating sa magiging kong nobyo. Sa ngayon wala pa naman sa isip ko iyon kaya ayos lang. Masaya at okupado pa ang utak ko sa mga ginagawa ko dito sa Hacienda para isipin ko pa ang pagno-nobyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD