KABANATA 2

1065 Words
KABANATA 2:         HINDI ko siya nakita kahapon. Iyong bagong naga-alaga ng mga kabayo namin sa Hacienda. Kasama ko ang mga pinsan ko kahapon pero ni anino niya ay hindi ko nakita. Ipinilig ko ang ulo. Bakit ko naman iniisip kung nasaan ang lalaking iyon?     Aminin mo na, Geselle! Gustong-gusto mo siya!     Marahan kong binatukan ang sarili. Hindi pu-pwede at alam ko na ang mangyayari. Niligo ko na lang iyong mga isipin ko. Lumabas ako ng banyo at nagtungo sa closet. The furniture is modern but with the touch of wood pa rin. The design is like a spanish style house. Tulad ng Lola ko na may lahing espanyol kaya namana ko sa kanya.     Pinagmasdan ko ang mukha sa harap ng salamin. I have white skin. Ito ang karamihan na gusto ng iba pero ang insecurity ko ay ang freckles ko sa mukha na naiinis akong tignan kaya palagi kong tinatakpan ng foundation or concealer.      Sinuklay ko ang mahaba at kulay tsokolate kong buhok. Lagpas na iyon hanggang sa aking dibdib. I have hooded blue eyes and long lashes. I remember some of my friends na palaging pinupuri ang aking mga mata. Ang ganda daw kasi at parang naga-akit. Matangos ngunit maliit naman ang aking ilong.      I applied a light coral lipstick on my thin heart shape lips. Everyone brands me as a Mestiza enchantress in the province. Hindi ko nga alam saan nagmula ang pa-uso nilang iyon pero hindi ko na rin naman napigilan. Kumalat na din at dahil kilala akong apo ng Gobernor noon mas lalo lang nila akong binansagang ganoon.       Matapos magbihis at mag-ayos ay lumabas na ko para pumunta sa Club house kung nasaan ang office namin. Weekdays ngayon at syempre may pasok. Si Lolo ay palaging naiiwan dito sa mansion dahil nga sa hirap na itong maglakad-lakad at mabilis na mahapo. Marami ng nararamdaman kaya mas gusto niya na magpa-iwan.   Tumutulong pa rin naman siya sa pagpapa-takbo ng Hacienda. Sa mansion siya nagbabasa ng reports or kung may mga meetings kami. Sa mansion kami nagpupunta para makasama siya.   Bumaba ako sa grand staircase na suot ang pulang sweetheart neck top at tinernuhan ko ng itim na circle skirt. Suot ko din ang red wedge sa aking paa at may bitbit akong quilted bag.     Matagal na itong Hacienda namin. Pinatayo ni Lolo ng wala pa itong asawa hanggang sa nagkaroon na at ng mga apo ay matibay pa rin ang mansion. Walo ang kwarto ang mayroon dito dahil sobrang laki. May apat na banyo, may pool, garden at malawak na bulwagan.     Sobrang laki diba para sa aming dalawa lang na nakatira. Dumiretso ako sa garden. Pag-ganitong oras ay pinipili ni Lolo na tumambay sa hardin dahil palagi nitong tinitignan ang mga alagang bulaklak at halaman ng namayapa kong Abuela.     Ngumiti ako ng makita ito na nakasandal sa upuan at nakapikit. Mukhang natutulog. Tinanguan ako ng private nurse nito na nasa kanyang tabi. Kaya pa naman ni Lolo ang gawin ang ibang bagay o ang maglakad pero mas pinili naming magpi-pinsan na mag-hire ng nurse para sa kanya para mapanatag kaming lahat. Kailangan din kasing i-monitor ang paginom ng gamot at iyong bp at sugar niya. Pagkatagalan naman ng lakad ay hindi niya na kaya. Gumagamit na siya ng wheelchair.     "Lolo..." mahina kong tawag. Alam kong nagpapahinga lang siya at nakapikit pero naririnig pa rin niya ako.       Marahan siyang nagmulat. Kulubot na ang kanyang mukha at halata na ding matanda ang kanyang mga mata. Pinasadahan niya ako ng tingin.     "Papasok ka na?" he asked what's obvious.     Tumango ako at inayos ang sling ng aking quilted bag sa aking balikat.       "Uminom ka na ng gamot mo?" tanong ko.     "Oo kanina. Sige na at pumasok ka na," sabi ni Lolo at muling ipinikit ang mga mata. I kissed his forehead before I walk away.        Pagdating ko sa Clubhouse ay dinig ko na ang boses ng guest na mukhang galit.       "Dapat strict kayo sa oras! Kapag sinabing thirty minutes lang kada kabayo dapat thirty minutes lang. Kanina pa 'yong isa doon! Hindi na kami nakasakay!" a woman in her forties yelled at one of our managers in front of the reception area.     Lalong bumudha ang takot sa mukha ng babaeng staff ng makita akong papunta sa direksyon nila.      "What is happening in here?" tanong ko ng makalapit.       "Uh-Ms. Gesel--"     The guest cut her off.     "Ano bang klaseng pamumuno meron kayo? Hindi kayo sumusunod sa sarili niyong rules!"      Kumibot ang aking kilay ng taasan ako nito ng boses. Napasinghap ang ilang staff na nakakita maging ang manager na nasa aking tabi.     "Maam, try to calm down first. You don't need to raise your voice on me, and nagging one of my staff will not help you solve your problem." I said.      Binigyan ko siya ng ngiti pero hindi umabot sa aking mata. Nangigigil ako at kung hindi lang siya guest ay baka ano pang nasabi ko. Likas sa akin ang pagiging mabait pero may hangganan din iyon at higit sa lahat hindi ako sanay na sinisigawan ng ibang tao.     Umawang ang bibig nito at tila nawalan ng kumpiyansa sa sarili. Napakurap-kurap siya at hindi na makapagsalita.     "May I know what exactly is your complain, Maam?"       Hindi ito makatingin sa akin. Sinulyapan ko ang manager sa aking tabi at pinaglalaruan nito ang kanyang daliri.       Tumikhim ang guest bago nagsalita.       "Nasabi ko na kanina. Iyong ibang rules niyo dito hindi naman nasusunod. Kanina pa iyong babaeng guest sa ring, nakasakay sa kabayo. Lagpas na sa thirty minutes," mahinahon na nitong sinabi.       Bumaling ako sa manager. Natataranta itong nagpaliwanag sa akin.     "Eh--Maam, nag-extend po kasi 'yong isang guest at gusto ng another thirty minutes pa sa kabayo na gusto ni Maam Rodriguez. Lahat po ng kabayo natin may mga nakasakay na."     Kumunot ang noo ko.     "Dapat hindi na kayo nagpapa-extend. Pare-pareho naman kami ng bayad. Kasama na 'yon sa booking namin sa guest house niyo. Dapat pantay-pantay lang, hindi palakasan." Sumimangot ang guest.       "Maam, iyong anak po ni Mayor Lorenzana ang nakasakay po sa kabayo." Napangiwi at mahina ang pagkaka-sabing iyon sa akin ng Manager.     Mas lalong lumalim ang gitla sa aking noo. Anong mayroon at bakit nagpupumilit ang guest na ito na sumakay sa kabayo na iyon? Pwede namang mag-antay siya sa iba?     Nasagot ang aking tanong ng matanaw sa arena ang kaibigang si Nika, nakasampa pa rin sa kabayo habang nakikipag-hagikgikan sa bagong trabahador namin na si Emil.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD