Misha's POV
Maingay, patay sinding ilaw. Nasa loob ako ng isang bar kung saan magkikita kami ng friendly witch na si France, actually she's a white witch, a good one.
Nagtataka ba kayo kung bakit may kaibigan akong witch, iniligtas ko si France noon sa mga bampirang humahabol sa kanya kaya kami nagging magkaibigan.
Inilibot ko anpaniinngin ko sa buong paligid at nakita kong kumakaway sa akin si France.
Pinuntahan ko siya agad pero natigilan ako ng bigla ng may kasama pala siyang isang lalaki.
Tumingin ako kay France ng nagtatanong.
"Oh, Drake this is Misha and Misha this is Drake a vampire," halos pasigaw na sabi ni France dahil sa lakas ng tugtog.
Napatanga ako sa sinabi nya.
SHIT!
Bigla kong hinila si France at tumingin dun sa Drake.
"Excuse us!" pagkasabi ko nun kay kinaladkad ko si France papunta sa Restroom.
Pagdating namin sa loob nun ay agad kong binitawan ang kamay nya.
"What are you doing?" tanong ko sa kanya.
"Hey, magpapaliwanag ako," sagot nya sa akin.
"Explain now!" demand ko.
Nakita ko munang huminga siya ng malalim bago siya nagsalita.
"It was an accident, sumugod siya sa bahay ko at ng atakihin nya ko tumapon sa akin ang ilang potion na ginagawa ko para sa mga kliyente ko at ng naghalo-halo yun sa katawan ko, pagkatapos ininom nya ang dugo ko, nag-iba siyang bigla, kahit anong paliwanag ko sa kanya ayaw nya akong pakinggan, sinabi ko na sa kanyang kaaway nya ako pero imbes na atakihin nya ulit ako ay niyakap nya at sinabihan na mahal nya ako, sa ngayon hinahayaan ko siya sa tabi ko habang humahanap ako ng spell na makakapagtanggal nun,"
"Wait! Paanong nainom nya ang dugo mo, hindi ba lason para sa mga vampira ang dugo ng isang witch?" parang naguluhan ako dun.
Totoo namang lason para para sa mga vampire ang dugo ng isang witch, kapag nakainom o kaya ay mapatakan lang ang isang vampire ng dugo nila ay parang nagiging asido iyon, unti-unting lulusawin ng dugo nila ang katawang lupa ng vampire hanggang sa ito ay mamatay.
"Yeah, it was true, but his a legendary phoenix, kwento na pinagpasa pasahan na hindi ko akalaing totoo pala, ang alam ko napatay ko na siya dahil ako mismo ang bumaril sa kanya na may dugo ko, pero nalampasan nya yun at ngayon wala ng silbi ang dugo ko sa kanya, para na lang dugo ng ordinaryong tao ang dugo ko para sa kanya,"
"Ahh--" hindi ko na naipagpatuloy ang sasabihin ko dahil may kumatok sa pinto ng restroom.
Maya-maya ay nakarinig kami ng isang boses.
"France, ayos lang ba kayo diyan?" baritone ang boses nun.
Napatingin ako kay France.
"Si Drake yun, lumabas na tayo bago pa siya pumasok dito," pagkasabi nya nun ay binuksan na nya ang pinto.
Nakita kong agad na pumulupot sa bewang ni France ang isang braso ni Drake.
Lumabas na rin ako sa pinto.
"Misha, anong gusto mong inumin?" tanong ni France sa akin habang papunta kami sa mesa namin kanina.
Tumingin muna ako sa kanilang dalawa bago ako nagsalita.
"Beer," maikling sagot ko bago ako umupo sa upuan.
Makalipas ang ilang minute ay may waiter na nagserve sa amin.
Agad kong inabot ang beer at tinungga yun pero hindi ko pa napapangalahati yun ay biglang nagtanong si France sa akin.
"So, Kumusta ang bakasyon mo?" parang pinipigilan nyang hindi matawa ng itanong nya sa akin yun.
Bakasyon ang tawag nya sa mga punishment na natatanggap ko kay papa kapag may ginagawa akong kalokohan.
Nasamid naman ako dahil doon at narinig kong natawa na nga siya ng tuluyan.
"That place is hell," parang kinikilabutan pa ko kapag naalalala ko kung saan ako ipinadala ni papa dahil sa ginawa ko sa party ni Claudia kaya ilang buwan din akong nawala sa Wildford's Academy.
Nakita kong natawa ulit siya.
Sinamaan ko siya ng tingin pero nakita kong sinamaan naman ako ng tingin ni Drake.
"What's funny France? Hindi ka kasi ang ipinadala sa monastery kung saan ang mga kasama mo ay mga boring na madre," asik ko sa kanya.
Tumigil naman siya sa pagtawa pero naroon pa rin ang nakakainis nyang ngiti.
"Sorry, it's kind of amusing that the rebellious Misha was sent to monastery for you to discipline," there's a mockery in her voice.
I snored to her.
"f**k THAT!"
Ang sarap lang pagbuhulin ni France at ng vampirang kasama nya.
Pagtawanan daw ba ko.
Sa inis ko ay tinungga ko na lang ang beer ko.
Nakakailang bote na rin ako ng mag-aya na si France na umuwi.
"Misha, I think kailangan na nating umuwi,"
"Why? Masyado pang maaga ah!"
"I think we have to go, Misha," may pag-aalala sa boses ni France.
"Why?"
"Ahm, medyo sumama ang pakiramdam ko pwede bang sa ibang araw na lang tayo happy-happy," alam kong may nangyayaring hindi ko alam kung ano pero ayoko pang umuwi.
"Ganun ba, mauna na kayong dalawa ayoko pang umuwi," sagot ko.
"Pero--"
"I'm okay, you can go, alam mo naman kung bakit ayaw ko pang umuwi," pakli ko sa kanya.
Nakita kong humugot siya ng malalim na hininga p**o nagsalita.
"Okay, ingat ka ha," pagkasabi nya nun ay inakay na rin siya nung Drake.
Tumayo ako at nagpunta sa bar counter sa pinakadulo kung saan walang masyadong makakapansin ng mawala na sa paningin ko sina France.
Tinawag ko yung bartender pagkaupo ko sa stool na nandoon.
"Whiskey,"
Iniabot agad ng bartender ang isang baso ng whiskey.
Iinomin ko na sana ang whiskey ko ng biglang may lumapit sa akin.
"Hi, Pretty can I buy you a drink?"
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Thanks but no, I have my drink," sopla ko sa kanya.
"Okay, you can come to my table with me," sabi nya sa akin bago nya hinawakan ang wrist ko.
Pinaiinit ng isang to ang ulo ko.
"I'm not interested, back off," matigas kong sabi sa kanya bago ko hinila ang wrist ko pero humigpit lang ang kamay nya na nakahawak sa akin.
"We're leaving, I won't hurt you if you don't make a scene," sabi nya ulit sa akin bago pa pumulupot ang kamay nya sa bewang ko.
"I said no, that means let me go," mariin kong sabi sa kanya habang pilit ko siyang itinutulak.
"You don't know who I am, I'm--" sa inis ko ay sinobla ko siya.
"Ikaw ba ang anak ng presidente? Pero kahit ikaw pa ang anak ng presidente wala akong pakielam, if I said no, that means let me go, if you don't understand ayoko sa'yo," pigil na pigil ko ang galit ko.
Pero imbes na pakawalan ako ay mas humigpit lang ang haway nya sa akin.
"Gusto ko yan, matapang ka, I love challenges," nakangiting sabi nya sa akin bago nya ako hinila papunta sa may pintuan palawas ng bar.
SHIT, UMISIP KA NG PARAAN MISHA.
Dahil sa dumaan kami sa gilid ng bar ay walang masyadong tao ang nakakapansin sa amin.
"Wait!" bigla kong sabi sa kanya.
Huminto naman siya at tumingin sa akin.
Agad kong iniyakap ang dalawa kong kamay sa leeg nya at inilapit ang mukha ko sa mukha nya.
"I have a better idea," mahina kong sabi na halos maglapat na ang mga labi namin.
Nakita kong dumilim ang mga mata nya, nakita ko ang tuwa at pagnanasa roon.
Napansin ko ring lumuwag ang pagkakahawak nya sa bewang ko.
Lihim akong napangiti dahil doon ang mga lalaki talaga pare-pareho.
Nang mapansin kong hahalikan nya na ako ng tuluyan ay ibinaling ko ang mukha ko para sa pisngi ko lang tumama ang mga labi nya.
Inilapit ko ang mukha ko sa leeg nya at marahang umiihip ng hangin mapalit sa leeg nya.
Nang maramdaman kong tinanggal na nya ang kamay nya sa bewang ko at isinandal na nya ko sa pader ay agad akong kumilos.
Bago pa siya makapagreact ay natuhod ko na ang harapan nya.
Nakita kong nanlaki ang mga mata nya makalipas pa ang ilang Segundo ay nakahawak na siya sa harapan nya.
"Tsk, bagay lang sa'yo yan, you son of a b***h," pagkasabi ko nun ay agad akong tumakbo palabas ng bar.
Pero pagkarating ko sa parking lot ay may ilang kalalakihan na humarang sa akin.
DAMMIT.
"Excuse me, tumabi kayo diyan," sabi ko pero imbes na umalis sa daan ay pinalibutan pa nila ako.
"Hindi yun pupwede Miss, gusto kang iuwi ni Marlon kaya sasama ka sa kanya sa ayaw at sa gusto mo," sabi nung isa sa kanila.
SHIT. CALM DOWN MISHA, YOU CAN DO WHAT EVER YOU WANT.
Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsalita.
"I don't know who's you're talking about, pero kailangan ko ng umuwi dahil ayoko ng gulo kaya umalit na kayo sa daraanan ko," kalamadong sabi ko sa kanila.
"Ang akala mo ba matatakasan mo ko, pretty?"
OH s**t, BAKIT ANG BILIS NYANG NAKABAWI SA GINAWA KO SA KANYA?
Tumingin ako sa pinanggalingan ng boses nay un.
Yun yung lalaking makulit.
"I said no, you pissed me off. I am not leaving here with you. I can guess what you want from me and I'm not interested," pagkasabi ko nun ay sinamaan ko siya ng tingin.
Nakita kong ngumiti siya sa akin.
"I don't care what you want, it's all about me. And I want you, I always get what I want. Don't fight and you won't get hurt, hindi mo siguro maeenjoy ang gagawin ko sa'yo pero sigurado akong mag-eenjoy ako ng husto sa'yo,"
UBOS NA ANG PASENSYA KO.
Pagkarinig ko sa mga sinabi nya ay agad kong sinugod ang gagong lalaking yun.
Pero hindi man lang lumapat sa kanya ang kamao ko dahil pinigilan iyon ng isa sa mga lalaking humarang sa akin.
Hindi pa ko nakakabawi ay bigla naman may bumuhat sa akin.
Nagpumiglas ako pero bigla rin ang napahinto sa pagpupumiglas ng may marinig akong isang pamilyar na boses.
"Put her down," a familiar deep voice snarled.
Jacob sounded furious and close but I couldn't see around.
"Stay out of this," sabi nung lalaking gustong mag-uwi sa akin.
"She's mine, put her down, at leave her alone," mas matigas at mas malakas na sabi ni Jacob.
Naramdaman kong marahan akong ibinaba ng nagbubuhat sa akin.
Pero hindi pa ko nakakatayo ng maayos ay nagsalita na yung mayabang na lalaking gusto akong iuwi.
"She isn't yours, She doesn't carry your mark or carry your scent," kalmadong sabi nung lalaki.
"She's mine, she's my mate," ulit ni Jacob.
Narinig kong galit na umangil ang lalaking gustong mag-uwi sa akin.
Napaatras ako dahil parang sa isang mabangis na hayop ang angil na yun.
"You should have put your mark on her. That's too bad for you that you did not. You have no claim to her. She doesn't even carry your scent. You can have her back when my need for her is over." The guy smirked at Jacob.
"I'm the alpha of the Blackriver Pack. Think twice before you attack me. My men will take you down before you get her away from me and she'll get hurt in the process."
"Hindi ko alam na namatay na pala si Alex?"
"Hindi pa, pero ako ang papalit sa pwesto nya, I'm the first son,"
"So am I, I'm Samuel's eldest, and she's mine, my future luna, gusto mo bang maglaban ang mga pack natin? Alam mo kung anong pack ang kakalabanin nyo, I'm willing to die to protect her, are you really to die to f**k her?" halos mag-apoy na sa galit ang mga mata ni Jacob.
Nakita kong galit na galit din yung lalaking gustong mag-uwi sa akin pero nakita kong umatras siya pati na rin ang mga lalaking humarang sa akin at nag-umpisang lumakad palayo sa parking lot.
"Are you okay?" napapitlag ako ng marinig ko ulit ang boses ni Jacob.
"Yes, thanks for your help," nahinang sagot ko sa kanya.
Tatalikod na sana ako ng yakapin nya ako mula sa likod, naramdaman ko ring sumiksik ang ulo nya sa may leeg ko at marahang humuhugot ng hininga.
"Pwede bang mamaya ka na umalis? I need to calm first bago tayo maghiwalay," marahang sabi nya.
Hindi ako sumagot pero hinayaan ko lang kung ano ang gusto nyang gawin.
I don't know what this feeling but I know that I want this too.