“Sorry, I’m late,” agad na paumanhin ko kay Edward. Inilapag ko sa table ang mga dala ko sa kamay. I paused for a minute, catching my breath. “Hinanap ko pa kasi itong mga hihiramin mo.” Umupo ako sa bakanteng upuan na nasa harap niya. Iyon na lang ang hindi occupied dito sa table. Nasa library kami ngayon. Nahalata ko na busy sila sa pag-aaral dahil sa dami ng reviewers na nasa table nila. Magkakaibang subjects ito. Kasama ni Edward ang mga kaibigan niya na hindi ko pa alam ang mga pangalan. Sila iyong napapansin ko na palagi niyang kasama at katabi sa review class nila. Nakaupo lang ako habang pinagmamasadan sila sa kanilang ginagawa. Wala naman akong ibang gagawin dito kundi ihatid iyong gustong hiramin ni Edward na review materials ko. Napagkasunduan na rin namin na rito ko n