Magkatabi ang upuan namin ni Edward sa pahabang lamesa sa may gilid ng silid aralan ng review class nila. Maaga pa kung kaya’t tahimik pa ang paligid. Mahigit isang oras pa bago magsimula ang klase nila kaya mabibilang pa sa kamay ang nandito. Usually sa mga nandito ay busy sa kanya-kanyang pagbabasa. Edward was sitting on my left side. He’s reviewing their past quiz. Iyong pinasa ko sa kanya ang answers key. Hawak ng dalawang kamay niya ang calculator. He’s analyzing where he got it wrong and solving it again to get the correct one. I’m reading an article that was sent by my classmate. Isa raw ito sa mga updates na dinagdag sa coverage ng exam. They sent it in our batch group chat. Kaya agad ko itong dinownload at nag-print ng sariling copy. Gaya ko ay ang business law din ang dah