DORALIE’S POV
“Bu–Buntis ako? Buntis ako?” garalgal na sambit ko.
Nangilid na ang luha ko dahil sa nalaman kong ito. Hindi ko gustong mabuntis ako nang dahil lang sa putik na gabing iyon! At hindi ko alam kung sinong ama nito! Pero, anong gagawin ko? At pa’no na pangarap ko sa mga kapatid ko?
Pinahid ko ang luha ko. Inayos ko ang sarili ko, saka na ako lumabas. Umupo ako sa upuhan at pilit akong ngumiti kay doktora.
“Ano pong resulta, Ms. Marquez?” ngiti na tanong nito sa akin.
Ipinakita ko ang pregnancy test. “Bu–Buntis po ako.”
“Congratulations at mommy ka na. And you are two months pregnant based on your last menstruation. Pero, dahil ang BP mo ay 90 over 60 ay kailangan mong magtake ng vitamins upang sa gayon ay tumaas ang BP mo. Kumain ka rin ng mga masusustansyang pagkain like broccoli, cauliflower, carrots, at mga green leaves. Then, balik ka rito for your check up,” masayang pahayag ng doktora, ngunit wala akong naintindihan ni isa dahil nakatulala ako. “Nakikinig ho ba kayo, Misis? Ang sabi ko ho ay balik kayo rito for check up at kumain kayo ng masusustansyang foods at iwasan ang mga pagkaing bawal like soft drinks at junk foods,” saad pa nito.
“Sige po, Doktora, salamat po,” tugon ko.
Umalis na ako at hindi ko alam kung pa’no ako nakasakay sa jeep papasok sa trabaho.
“Parang ang putla mo?” wika ni Calista na dinama pa ang noo ko. “Umuwi ka na dahil alam kong masama pakiramdam mo. At huwag mong sabihing nasasayangan ka na naman sa susuwelduhin mo. Alalahanin mo na health is wealth at mahahanap ang pera. Sige na, uwi ka na,” dagdag pa ni Calista.
Masama talaga ang pakiramdam ko dahil nga buntis ako. At hindi pa akong handang sabihin kay Calista ang totoo.
Nagpaalam ako sa manager namin at pinayagan naman ako. Nagpasalamat pa ako dahil ibinigay na ng coordinator namin ang aking suweldo. Gusto ko pa sanang mamalengke, pero umuwi na ako dahil iba talaga pakiramdam ko, ngunit nakabusangot si mamang sa akin.
“O, ba’t ang aga mong umuwi, ha? Daig mo pa ang supervisor ninyo,” gagad ni mamang.
“Masama ho kasi pakiramdam ko, Mamang kaya umuwi ako,” nanghihinang sagot ko.
Ibinigay ko ang kalahati ng suweldo ko sa kanila at dumiretso ako sa kuwarto at nagpalit ako ng uniporme ko nang sumunod si mamang sa akin at nakita ang nahulog na pregnancy test mula sa bulsa ko at pinulot iyon.
“Pregnancy test?” sambit ni mamang, dahilan upang kabahan ako. “Buntis ka, Doralie? Buntis ka!” sigaw pa ni mamang. Dahan–dahan akong tumango at nagulat ako sa malakas nilang sampal. “Walang hiya ka! Ang landi mong babae at talagang katulad ka ng nanay mong pokpók!” bulalas nila at kung saan–saan dumadapo ang kamay nila sa parte ng katawan ko. “Sabihin mo kung sinong ama, sabihin mo!” asik pa ni mamang.
“Hi–Hindi ko po alam, Mamang, hindi ko po alam,” humihikbi na sambit ko.
“Púnyeta ka! Bumukáka ka at nagsárap ka, pero hindi mo alam kung sinong ama ng pinagbubuntis mo! Sinong niloloko mo at gagawin mo pa talaga akong tanga!” muling bulalas ni mamang at pinagsasampal ang bunganga ko.
“Inay, tama na at nasasaktan na si ate!” saway ni Lena.
“Bitawan mo kamay ko, Lena at bubugbugin ko ang talánding ito! At talagang binigyan pa niya tayo ng kahihiyan! Animál kang babae ka at talagang gugulpihín kita!” sigaw ni mamang sa akin at kinuha ang nakasabit na sentron.
“Huwag, Mamang, huwag!” umiiyak na protesta ko at tinakpan ko ang puson ko upang hindi ito matamaan.
“Lumayas ka ritong babae ka kung ayaw mong mapatáy kita! Lumayas ka!” muling sigaw ni mamang at pinagsesentron ako sa binti, sa braso, at sa hita.
“Tama na ho, Mamang! Tama na po!” nagmamakaawang sambit ko.
Kinuha ko ang backpack ko at ilang uniporme ko, saka ko isinilid rito. At ang likod ko naman ang pinagsesentron ni mamang at bawat dantay ng sentron na ‘yon ay siya ring pagpatak ng luha ko.
Hindi ko sana ito mararanasan kung buhay pa si itay at hindi ako iniwan ni nanay.
“Ate, tumakbo ka na!” sigaw ni Lena at hinawakan nito si mamang.
“Babalikan ko kayo, Lena! Babalikan ko kayong mga kapatid ko!” humihikbi na sambit ko at patakbo akong lumabas.
“Huwag na huwag ka nang babalik dito, Doralie dahil hindi ko aalagaan ‘yang magiging anak mo! Baka, magiging impiyernó lang ang buhay niya sa ‘kin!” narinig ko pang sigaw ni mamang.
Hindi na ako lumingon pa, pero ang sama–sama nang loob ko dahil ang lagi nilang nakikita ay ang pagkamamali ko.
Dahil ba hindi nila ako tunay na anak at kadugo?
Sumakay ako sa jeep at dalawang sakayan ang patungo sa Tiya Constancia ko, ang pinsan ng tatay ko. May mga asawa na ang mga anak nito at nasa malalayo pa, kaya tamang–tama na roon muna ako tutuloy.
Bumaba ako at tinungo ko na ang bahay nila at isang yakap ang isinalubong nila sa akin dahil sa hitsura ko.
“Ginulpi ka na naman ba ng step mother mo?” tanong ni tiya sa akin, dahilan upang tumango ako.
“Buntis po ako, Tiyang. Kaya, galit na galit po si mamang sa akin,” pahayag ko, dahilan upang mapaawang ang labi ni Tiya Constancia sa akin.
Ikinuwento ko lahat sa kanila at nagpasasalamat ako dahil naiintindihan nila ako.
Lumipas ang kabuwanan ko’y nagsilang ako ng babaeng sanggol at pinangalanan ko itong Dana. Nagleave ako sa trabaho at pinayagan ako ng manager ng mall.
Patuloy rin ako sa pagbibigay ng sustento sa pamamagitan ni Calista at ibinibigay niya iyon sa kapatid kong si Lena.
Sa paglipas pa ng buwan, at ng taon at ngayon ay apat na taon na ng aking anak na si Dana. Malaki ang pasasalamat ko sa tiyahin ko dahil ito ang nag–aalaga sa anak ko. Ngunit, inatake ito ng sakit at komplikasyon na pala ito na siyang dahilan ng agaran nitong pagkamatáy.
Ibinenta ng mga anak ni Tiyang Constancia ang lupain at ang bahay dahil ginamit nila sa pagpalilibing, at wala naman akong karapatang umangal dahil pamangkin lang ako.
“Pasensya ka na, Doralie, pero kung gusto mo, sumama ka sa amin sa probinsya at do’n ka magsimula,” pahayag ni Ate Cora sa akin.
“Salamat po, Ate. Pero, nandito po sa siyudad mga kapatid ko at hindi ko po sila maiwan,” malungkot na saad ko.
“Hay naku, Doralie. May nanay ‘yong mga half siblings mo. Pero, ikaw? Buhay pa nga ang totoong nanay mo, pero hindi ka na niya binalikan. Pero, kung iyan ang desisyon mo, bahala ka at bukas ang bahay para sa inyong mag–ina. Mauna na kami dahil may pasok pa mga pamangkin mo bukas,” sambit ni Ate Cora at umalis na sila.
Bumuntong—hininga naman ako. Umalis na ako sa pagiging sales lady kahapon dahil hindi naman puwede si Dana roon. At ayaw ko naman itong ipaalaga sa hindi ko kaano–ano dahil mahirap na at babae pa naman ang anak ko. Inalok ako ni Calista na tumuloy sa kanila, pero gano’n pa rin na walang mag–aalaga sa anak ko.
“Sa’n po tayo pupunta ngayon, Mama?” tanong ng anak ko sa akin.
“Diyan lang, Anak at hahanap si mama ng trabaho, iyong kasama kita,” ngiti ko at hinaplos–haplos ko ang buhok nito.
Kinuha ko na ang malaking backpack ko. Binuhat ko na si Dana at sumakay kami sa traysikel dahil sa subdivision kami pupunta, sakaling may makita akong puwedeng pagtrabahuhan. Mas okay sana kung katulong, basta’t kasama ko anak ko.
Bumaba na kami ni Dana at ibinigay ko ang bayad ko sa traysikel drayber. Sana nga ay makahanap ako ngayong araw na ito para may matuluyan na agad kami ng anak ko.
Nilapitan namin ang guard sa malaking gate, at hindi raw sila hiring.
Naglakad–lakad pa kami ng anak ko, ngunit akala ng iba’y nanlilimos kami at nagbigay pa sa amin ng bente pesos.
“Mama, gutom na po ako,” saad ni Dana na hinaplos ang tiyan. Magtatanghalian na pala at hindi ko namalayan ang oras.
“Hetong biscuit, Anak at pasensya ka na dahil wala pang nahahanap si mama na trabaho, ha,” sambit ko at binuksan ko ang biscuit.
Naaawa ako sa anak ko, pero kailangan kong lakasan ang loob ko.
“Makahahanap din po kayo, Mama. Pero, Mama, nasaan po ba papa ko? Sabi po ng mga kalaro ko, nasagasahán po ng tren at lumabas po ang mata ng papa ko. Totoo po ba ‘yon at patáy na po ba siya?” tanong ni Dana, dahilan upang mapalunok ako.
“Um, hindi, Anak. Nasa malayo lang si papa at nag–abroad siya,” sagot ko dahil hindi naman puwedeng sabihin na Oo, dahil hindi naman ako siguradong pátay na nga ang lalaking nakabuntis sa akin.
Baka, kasi sa paglaki niya’y hahanapin niya ang papa niya.
Naglakad–lakad pa kami ni Dana at pangbente na bahay siguro itong hinintuan namin dahil may nakapaskil na wanted housemaid. At halos tumalon ako sa tuwa.
Nagdoorbell ako at may lumabas na babaeng katulong.
“Mag–a–apply ka, Miss?” agad na tanong nito sa akin.
“Opo, Ate,” mabilis na sagot ko.
“Pasok ka at tamang–tama dahil nandiyan pa tatay ng amo natin. Ako si Wilma Dasnat at tawagin mo na lang akong Ate Wilma,” ngiti nito.
“Kasama ko po anak ko, Ate Wilma,” saad ko.
“Oo, okay lang ‘yan, kaya bilisan mo at malaki susuwelduhin mo rito dahil wala pang kalahating araw kasi ay nagsi–back out na mga nag–apply rito at pangsingkuwenta ka na sa mga nag–apply, kaya problemado ang matandang don,” imporma nito dahilan upang magsalubong ang kilay ko. But, never mind. Pumasok na kami sa loob ng malaking bahay at naabutan namin ang matandang lalaki na nag–aayos ng suitcase. “Don Gabri, may aplikante po tayo,” saad ni Ate Wilma at umalis na ito sa harapan namin.
“Hello po, Lolo,” bati ng anak ko, pero ngumiti lang ang matandang don.
Kinuha ko naman agad ang resume ko sa loob ng bag ko at medyo nagusot–gusot ito at ibinigay ko ito kay Don Gabri, pero hindi ito kinuha.
“No need dahil tanggap ka na, Hija at 15k ang salary mo,” nakangiti na pahayag ni Don Gabri sa akin, dahilan upang hindi ako makapaniwala.
“Ta–Talaga ho, Sir? Pero, kasama ko po anak ko rito sa bahay ninyo dahil wala pong mag–aalaga sa kanya at—”
“I told you na tanggap ka na, Hija kaya walang problema sa akin kung kasama mo anak mo dahil may maid’s quarter naman tayo. But, make sure na hindi magulo ang anak mo,” pahayag pa ng don, kaya naman lalo akong natuwa. “Pero, hindi lang pagiging maid ang trabaho mo rito. At kung tatanggapin mo’y dadagdagan ko ang suweldo mo at bibigyan pa kita ng house and lot at pera kung magawa mo ang utos ko,” sambit pa nila, dahilan upang manlaki ang mga mata ko dahil pagkakaton ko na para may matirhan kami ng anak ko at makukuha ko rin mga kapatid ko dahil malupit ang madrasta ko.
Pero, hindi ba nagbibiro ang matandang don na ito?
“A–Ano pong ibig ninyong sabihin, Sir?” takang tanong ko.
“Just call me, Don Gabri na lang dahil hindi naman talaga ako ang amo mo at pasulpot–sulpot lang din si Wilma rito. Pero, tinatanggap mo ba alok ko, Hija?” tanong nila dahilan upang tumango ako. “Para makasigurado ako at wala na itong atrasan dahil sa ‘yo ko lang ito in–offer to make sure na hindi mo iiwanan ang trabaho rito. At ito ang kasunduhan natin para hindi mo sabihing nagbibiro ako. Read it carefully and sign the agreement papers. At ibigay mo ang isang kopya sa akin,” sambit ng don at ibinigay sa akin ang dalawang dokumento at ballpen.
Kabado kong binasa ang agreement namin at tumaas ang kilay ko dahil may nakalagay ritong ‘SON’ .
Pinirmahan ko na ang mga ito at ibinalik ko sa kanila ang isang kopya. “Tapos na po, Don Gabri.”
“Okay, then come with me,” saad ng don. Naglakad ito at lumiko ito patungo sa gilid ng malaking bahay at sumunod naman ako, kasama ang anak ko at nakita namin ang lalaking naka–wheelchair. At kahit naka–side view ito’y parang kilala ko ito. At siya ‘yong— ‘yong? Tama, hindi ako puwedeng magkamali na ang lalaking naka–wheelchair ay ‘yong muntikan ng makabangga sa akin limang taon ng nakararaan. “Siya si Diego at bunso siya sa apat na anak ko. Due to a car accident ay nagkagan’yan siya,” imporma pa ni Don Gabri.
“A–Ano pong gagawin ko sa anak ninyo, Don Gabri?” kabadong saad ko dahil may nabasa ako sa agreement na ‘SEDUCE MY SON’ at hindi ko na alam ‘yong iba dahil nga english.
“Nagkaroon ng erectile dysfunction ang anak ko, Hija. At dahil do’n, gusto kong akitin mo siya at gapangin ang anak ko. At araw–araw mong hawakan ang tití niya upang sa gayon ay manumbalik ang katigasan niyon. And have séx with him,” maawtoridad na pahayag ni Don Gabri, dahilan upang mapaawang ang labi ko.