"Tulog pa rin ba si Devon?" tanong ng Lolo ni Devon nang lumabas siya ng kuwarto. Nakaupo ang matanda at may hawak na magazine. Sa gilid nito ay may isang tasa na umuusok na kape. Alas-singko pa lang ng umaga at ganitong oras nagigising ang Lolo ni Devon. "Mahimbing pa rin ang tulog niya," tumingin siya sa matanda saka bumuntong-hininga. "Hindi mo pa rin sinasabi kay Devon na pupunta ka ng Amerika?" Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. "Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na pupunta ako ng Amerika." "Kung ako sa iyo ay sasabihin ko na ang totoo, baka maniwala at pumayag siyang magpakasal sa iyo kapag malaman niya isang taon ka sa Amerika." "Gusto ko pa rin pilitin si Daddy na huwag na akong papuntahin sa Amerika." "Gusto mo bang sabihin ko kay Devon ang toto