Chapter 2

954 Words
Nang magising ulit si Felicity ay nag-iisa na lamang siya sa loob ng silid. Blanko pa rin ang isip niya, pero gusto na niyang bumangon para suriin ang kapaligiran niya. Naririto siya ngayon sa isang malaking silid na may kumpletong kagamitan. The bed was almost six feet wide, with a carved walnut headboard. Habang ang sahig naman ay nababalot ng carpet. Nakita niyang may dalawang pinto ang silid na iyon, at sa tingin niya ang isang pinto roon ay para sa banyo. Matataas na bintana ang meron sa kwartong iyon kaya tanging dahon lamang ng puno ang nakikita niya. She turned and gazed into a long mirror near the windows. Pinagmasdan niyang maigi ang sarili sa salamin. Trying to be objective, she could see that the woman who gazed back at her possessed beauty and elegance. Pero sino nga ba siya? She began opening the doors of her wardrobe. At ang mga nakikita niya ay iba't ibang klase at kulay ng damit. Ganito ba talaga siya ka galante sa kanyang suot? Lahat kasi ng kasuotan na nakikita niya ay nasa mataas na kalidad. Tiningnan naman niya ang mga drawers. Puro mga alahas ang laman nito. At hindi lang basta alahas, kundi mamahaling alahas. She turned out the contents of her purse and discovered a number of credit cards, and big amount of cash. Sino ba talaga siya? Sa kanya ba talaga ang lahat ng ito? Naalala naman niya ang sinabi ng kanyang Auntie Clara tungkol don sa kanyang wedding ring kaya agad niya itong hinanap roon. Binuksan nga niya ang lahat ng drawer ngunit wala ito roon. Saan ba niya itinago iyon? Nahagilap naman sa kanyang mga mata ang hiwalay na desk na may isang drawer sa gitna. Agad niya itong linapitan at binuksan. Subalit ang tanging laman ng drawer na iyon ay yong nakatuping papel lang. Binuksan niya ito at binasa kung ano ang nakasulat doon. A quick perusal showed these to be a copy of a marriage settlement signed with her name. Namilog naman ang mga mata niya sa nabasa. The settlement transferred her entire holdings in Metropolitan Electric Company to Conrado Benitez. Sa sobrang laki ng halaga na nailipat niya sa pangalan ni Conrado ay talagang nakakagulat. Kung ganon, ano pa ba ang natira sa kanya? What kind of man would propose such settlement, lumabo ba ang paningin niya non kaya niya pinirmahan ang isang kasunduan? Biglang pumasok si Auntie Clara sa silid at laking gulat nito na tumayo siya mula sa kinahigaan niyang kama. "Naku hija, ano bang ginagawa mo?" "I feel much better now," sabi ni Felicity at palihim niyang tinupi ulit ang papel. "Akala ko makakakuha na ako ng clue kapag makita ko na ang iba ko pang kagamitan. Pero alam mo auntie, parang hindi ko gusto ang mga nakikita ko. I seem to be materialistic and self-centered." "Hindi ka naman ganon, hija." tapat na sabi ng kanyang tiyahin. "Gaano mo ba ako kakilala, Auntie?" Napakunot-noo si Auntie Clara. "Hindi ganon katagal ang pinagsamahan natin, hija." pag amin pa nito. "Nagkasama lang tayo simula nong nagkasakit ang iyong ama, sa Italy ka kasi niya pinalaki eh. Umuwi lang kayo sa Pilipinas nong dalagita ka na." "So marunong ho ako mag Italian?" "Oo syempre, fifteen years old ka na kasi nong umuwi kayo sa Pilipinas. Don palang kita nasubaybayan hanggang sa grumadweyt ka ng kolehiyo. Alam kong mabuti ang pagpapalaki sayo ni Eleazar, kaya ka lumaki na isang mabuting tao." Nginitian lamang niya ang tiyahin nang sa may maalala siya. "Ano nga pala yong sinabi mo Auntie nong bago pa dumating si Conrado?" paalala niya. "Ang sabi mo na lahat kayo nasurprisa. Bakit ano bang ginawa ko?" "Engaged na kayo non sa nagngangalang Mike Randal nang hiwalayan mo siya dahil si Conrado ang pinakasalan mo. Boyfriend mo pa naman si Mike ng tatlong taon." "Tatlong taon?" Di makapaniwalang tanong ni Felicity. Nagawa niyang iwan ang taong tatlong taon niya na nakilala para lang pakasalan ang taong ilang linggo lang niyang nakilala? Ano bang gayuma ang ipinainom sa kanya ni Conrado at basta-basta nalang niya hiniwalayan ang tatlong taong nobyo, at ipinamigay pa niya ang share niya sa kanilang kompanya? Pero nang hawakan niya ang sariling katawan. Naramdaman niya na parang may marka roon si Conrado. Iyon na kaya ang kasagutan? It was only her mind that had forgotten. Pero iba naman ang sinasabi ng katawan niya. Na parang may parte nga sa pagkatao niya si Conrado Benitez. "Gusto mong bumalik nalang tayo sa Pilipinas, hija?" tanong sa kanya ni Auntie Clara. "Ayaw kitang iwan dito na walang magpoprotekta sayo." "Protect me..from my husband?" Parang nag-aalangang magsalita si Auntie Clara. "Naubos na kasi ang pera natin dito, hija." mahinang saad nito. "Auntie, kaya ba ako pinakasalan ni Conrado ng dahil sa pera?" "Well..nakita ko kung gano kadilim ang mukha niya nang takbuhan mo siya sa inyong kasal." Halos mapatalon silang dalawa sa gulat nang biglang pumasok si Conrado sa silid. "Magpapaalam lang sana ako na babalik na ako sa Pilipinas bukas." sabi ni Auntie Clara at hinarap si Conrado. "At isasama ko si Felicity. She needs a rest, at gagaling lang siya kung doon siya magsisimula sa bansang sinilangan niya." walang paligoy-ligoy na saad ng kanyang tiyahin. "My wife isn't well enough to travel," matatag na wika ni Conrado. "I'd prefer her to remain where I can supervise her care. Dapat sa mga sandaling ito, nakahiga lang siya sa kama." He strode across the room and swept Felicity up into his arms, hindi siya nito pinahiga ulit, pero nasasaktan siya sa sobrang higpit ng pagkakahawak nito. "Gusto mo ba talaga akong iwan, Felicity?" mahinang untag nito. "Hindi," sinusunod lang kasi niya ang dinidikta ng kanyang puso. "Mananatili ako dito." *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD