Episode 13 Francesca’s POV Ang bayang may mabuting namumuno ay siguradong may mamamayan rin na masaya at malusog. Sa pamumuno ni Mayor, sigurado kong walang pera ng bayan ang binubulsa niya dahil alam ko sa sarili ko at nakikita ko rin naman kung saan talaga napupunta ang pondo. Napupunta 'yun sa mga tao rin na nangangailangan. Ang mga ngiti sa labi nila ay nagpapangiti na rin sa akin. Ganito pala ang pakiramdam kapag nakakatulong ka sa mga tao. Kahit simpleng pagtulong lang, masaya na ko. The way he helped the people make me fall harder to him. Minsan lang may lalaking dumating sa buhay ko na kasing bait ni Mayor Mikee. I like him. “Napagod ka ba?” Tanong niya sa akin habang naglalakad kami pabalik sa sasakyan. Magkahawak kamay rin kami at ayaw niya talagang bitawan ang kamay ko.