#MOE 15 - Changes

1382 Words
#MyObsessedEx ___________ Umuwi ako ng maaga pagkatapos ng pag uusap namin ni Vince. Hindi ko ata kakayanin kung mananatili pa ako doon. Pagkarating ko ay mabilis ako humiga sa kama. Bumahid sa aking ilong ang bango ni Gabb. Nangigilid ang luha ko at napatitig sa kisame. Kung saan kailangan kita Gabb, ay doon ka naman nawawala. Wala na ata ako pwedeng masandalan. Ang kaibigan ko ay traydor at ang mahal ko ay wala naman dito. Napakagat ako at napaiyak. Ang sakit eh. Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko. Magagalit ba ako kay Karl? O maniniwala ako sa mga sinabi nila? Alam kong hindi naging maganda ang pagkakilala namin ni Pia sa una pero pakiramdam ko totoo eh. Bumangon ako at humarap sa salamin. Namumula ang mata ko at pati rin ang ilong ko. Ang gulo ng buhok ko marahil dahil sa frustration. Ang laki rin ng eyebags ko. At hindi ako to. Ang alam ko sa sarili ko ay may tinutupad na salita. Na masiyahin at laging walang piniproblema. May tumulong luha at pinahid ko to. Natigilan ako ng may naramdaman ako ng vibration. Kinuha ko ito at nakita ko na tumatawag si Gabb. Parang nabuhayan ang lahat ng sistema ko. Sinagot ko agad. "Gabb?" Naghintay ako ng ilang segundo pero walang sumasagot. "Hon?" Wala pa rin. Napakunot noo ako. "Ga--" ["Ta-Tammy"] Nagsalubong ang kilay ko. Mukha itong wala sa sarili. "Hon? Nasaan ka?" Tanong ko. Bigla ako nakarinig ng malalakas na musika sa kabila ng linya. Nagsalubong ang kilay ko. "Gabb! Nasaan ka? Nasa Bar ka ba?!" Sigaw ko. Hindi kasi siya sumasagot eh. ["G-Galit ka pa b-ba?"] Bigla ako napapikit. Confirm. Nasa Bar nga siya. Napamura tuloy ako. "Magagalit ako kung hindi ka pa umaalis dyan!" Galit na sabi ko. Nakarinig ako ng tawanan at sayahan. ["W-Wag ka na magalit, My Hon. N-Nasa kotse na a-ako"] Nanlaki naman ang mata ko. "Lasing ka ba?" ["No~! Im not drunk!!"] Bigla ako napangiwi nang sumigaw siya. s**t. Hindi pwede na magdrive siya. "Magpasundo ka Hon. Please." Pagmamakaawa ko. Nakarinig ako ng hagikgik. ["Pero hindi ka na magagalit?"] Parang bata na tanong niya. Napalunok ako. "Oo.. Basta umuwi ka ng ligtas. Promise me Gabb" ["You called me Gabb"] Medyo seryosong sabi niya. Napabuntong hininga ako. "I love you Hon. No girls okay?" Bigla siya natawa sa sinabi ko. Napangiti nalang ako. Somehow, I feel ease. ["Never do that Hon, And I love you most"] Sabi niya tsaka tumawa. "Hon I need to hang up" ["Okay..."] Pinutol ko na ang tawagan at napatitig sa cellphone ko. Napangiti nalang ako. Kahit papaano ay medyo nawala ang bigat ng nasa dibdib ko. Ganyan ang epekto sa akin ni Gabb. Nagpalit ako ng damit. Napagdesisyunan ko kasi na hindi nalang pumasok. At baka walang pumasok sa utak ko. Lumabas ako sa unit ni Gabb at tumungo sa elevator. Pagkalabas ko ay pumara ako ng Taxi. Pupunta kasi ako sa book store, bibili ako ng libro para sa Physiology. Pagkarating ko ay dumeretso ako sa mga makakapal na libro. Hinanap ko yung Human Physiology. Dapat ko kasi yun pag aralan eh. Tsaka wala sa Library. Ilang minuto ako naghahanap at puro mga theories ang nakikita ko. Kinalkal ko na rin pero wala. Napabuntong hininga ako. Magtatanong sana ako sa babae na may nabangga ako. "Sorry!" "I'm sorry!" Pinulot ko ang mga gamit niya pero nagkasabay kami sa pagkuha ng ballpen niya. Natigilan ako at napatingin sa kanya. Halos mabitawan ko ang ballpen at mapaantras. "K-Karl?" Kinakabahan na sabi ko. Ngumiti siya at inayos ang mga gamit niya. "Yeah. It's me" Malalim na sabi niya. Bigla ko naalala ang mga sinabi ni Pia at Vince sa akin. Pakiramdam ko wala akong makapa na ano mang galit. "S-Sorry kanina" Pagpapaumanhin ko. Napayuko ako pero nakuha ang atensyon ko sa mga koleksyon niya. Ang hinahanap ko na libro! "U-Urgh. Where's Gabb?" Napaangat ako at napatingin sa kanya. Napaiwas ako ng tingin. Bakit siya ganito? Parang ang gentle niya? "Nagtrabaho.." Umiwas ako ng tingin. Napakagat ako. "Ganun ba? Sige. Una na ako" Bigla ako natigilan at nakita siyang tinalikuran ako. Napakurap ako. Hindi ako makapaniwala na mapatitig sa malapad at matipuno niyang likod. A-Akala ko...Wait?! What are you thinking Tammy? Anong akala mo? Wtf?! Bigla ako napapikit. "Ma'am may problema po kayo?" Napatigil ako at tumango sa sales lady. "Hinahanap ko kasi yung Human Physiology book" Sabi ko sa sales lady. Bigla lumungkot ang mukha ng babae. "Ma'am wala na po kaming stock. Sa next week po ang dating. I'm so sorry Ma'am. Ang alam ko po ay matirang isa pero nakuha na po ng pogi na yun. Kindly check another book store Ma'am, Maybe meroon" Mahabang pahayag ng Sales Lady. Napabuntong hininga ako at ngumiti sa kanya. Nanlulumo ako lumabas sa Bookstore at nilibot ang paningin sa loob ng mall. Ang alam ko ay ito lang ang pinakamalaking National BookStore. Pero hindi kaya nakuha ni Karl ang isang natirang libro? Nakita ko kasi kanina na may hawak siya na libro, yun ang hinahanap ko. Napadaan ako sa Max at nakaramdam ako ng gutom. Nag order ako at kumain. Habang abala ako sa pagkain ay may tray na lumatad sa table ko. Napaangat ako at nakita ko si Karl na nakangiti. Natigilan ako. "Pwede makiupo?" Tanong niya sa akin. Ilang minuto pa ang nakalipas bago ako tumango. Nakakapanibago kasi eh. Parang may nagbago. "Salamat" See? Hindi naman siya ganito ha? I mean lagi siyang nakangisi at tinutukso ako. "Let's eat" Masayang ani niya. Napilitan ako ngumiti at tumango. Tahimik kami kumakain. Naghihintay ako na may gagawin siya pero wala. Nanatili siya formal at tahimik na kumakain. Ang boung atensyon niya nasa pagkain. Napalunok ako. Hindi ako sanay. "Anything problem?" Bigla ako napaiwas nang magtama ang mata namin. "Y-Yea- Urgh.. I mean Wala" Napangiwing ngiti ko. Napakibit balikat siya at nagpatuloy na kumain. Napakagat labi ako. Nakikita ko sakanya ang dating Karl mula sa highschool ako kapag lumalabas kami. Ganito siya kaformal kapag nasa labas pero pag kaming dalawa lang ay sobra pa sa bata ang pagtatampo. Inilig ko ang ulo ko upang alisin yun. Wala na yun Tam, Nakaraan na yun. Ang isipin mo ay si Gabb. Napangiti nalang ako. "You look stupid" Napatigil ako. Nakita ko siyang nakasandal sa upuan at mukhang tapos na siya kumain. Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. "I'm not." "Are you?" Napairap ako. "Bakit ba? May iniisip ako" Sabi ko at kumain. "Sino naman?" I try my best to avoid his stare. Ayokong mahalata niya. "It's Gabb" Sabi ko. Napansin ko na natigilan siya. Hindi ko alam kung pikit mata ako na makitang dumilim ang aura niya. "Ohh.. Is that so?" Malamig na sabi niya at uminom. Tumango ako. "Karl!" Napatingin ako sa likod ni Karl na may babaeng nakared leather jacket at nakablack na jeans at nakaboots na brown. Napatingin ang mga taong kumakain sa babaeng tumawag kay Karl. Sino ba naman hindi mapapansin? Sobrang ganda niya at lantad na lantad ang ganda nito simula ng lumapit na ito sa amin. "Hey Jade" Bati rin ni Karl na sa ngayon ay tumayo at nakipagbeso sa babae. "Wow Karl. I thought you're in Pia's arm now eh?" Sabi ng babae at tumingin sa akin. Tumaas ang kilay niya. "Now in another's spread arm" Medyo nainsulto ako sa sinabi niya. Iba rin pala ang ugali. Kung saan ikagaganda niya sa pisikal ay ganoon naman kasama. "Jade" awtoridad na pigil ni Karl sa babaeng Jade na to. "You can't stop me Kar-" "She's Tammy" Sabat agad ni Karl. Hindi na ako tumayo at umiwas ng tingin. Napansin ko ang panlalaki ng mata na Jade na 'to. "OMG! Seryoso kuya?!" Napatigil ako sa narinig ko. Kuya? May kapatid pala si Karl? "OMG, You're Tammy?!" Bumaling siya sa akin. Bago ako makasagot ay sinalabong niya ako ng yapak at kumalas naman agad. "OMG! Im sorry for the earlier" Napakurap ako at pilit na ngumiti. Mukhang fan siya ng OMG. "Jade, pwede bang umalis ka na?" Iritadong sabi ni Karl. Ngumuso si Jade. "Eh! Andito yung babaeng lagi mong kinukwento eh!" "Shut up!" Mabilis na kinaladkad ni Karl si Jade at kumaway naman sa akin si Jade habang kinakaladkad ni Karl. Natawa nalang ako at napailing. Naiwan ako dito na may munting ngiti. Nakakatuwa sila magkapatid. Napasigh ako. Namimiss ko na rin ang ate ko. Naputol ang nasa isip ko na makita si Karl na papalapit saakin. Hindi kasama si Jade. "Pasensya ka na sa kapatid ko" Natawa nalang ako at napasandal. "Wala yun" Nakangiting sabi ko. Napatitig siya saakin at bigla umiwas ng tingin. "Sige una na ako. And Anyway, You're so beautiful when you are smiling" Hindi agad ako nakareact ng tinalikuran na niya ako at umalis. Naiwan ako dito na nakatingin sa bulto niya na papalayo. Napangiti ako at napailing. Loko. ____________ #Changes #Sad #Alone #Smile
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD