#MOE 14 - Pia

1504 Words
#MyObsessedEx __________ Tammy's Point Of View Boung atensyon ko ay ibinigay ko sa pag aaral. Nandito ako sa paaralan ng library habang nag aayos ng mga gamit dito. Matagal na simula bumalik ako dito. Medyo nagulat pa sila na bumalik ako. Akala ng kasamahan ko ay hindi na ako makakaasign dito. "Tam, bakit mo ako iniwan sa apartment?" Nagtatampong sabi sa kin ni Farra. Napabuntong hininga ako at humarap sa kanya. "May nangyare kasi eh" Sabi ko at pinagpatuloy ang pag aayos ng mga libro. Naghalo kasi eh. "Ano bang nangyare sa apartment mo?" Tanong ulit niya. "Pwede ba Fara? Tulungan mo nalang ako dito. Ang daming gagawin" Inis na sabi ko. Tumabi naman siya at tumulong. "Pero Tam, ano bang nangyare sayo? Bihira na kita nakikita" "Busy ka kasi sa Boyfriend mo" Sabi ko. Natigilan siya at napanguso. "Break na kami" Malungkot na sabi niya. "Bakit nagbreak kayo?" "Nahuli ko kasing may kamake out eh" Nanghihinang sabi niya "Pero syempre! May bago ulit!" Masayang sabi niya ulit. Napairap ako. "Kailan ka seseryoso sa buhay mo?" Tanong ko "Atsaka tignan mo ang nakuha mo. Tatlong tres?" Hindi makapaniwalang pahayag ko. Mas lalong humaba ang nguso niya. "Wag ka naman ganyan!" Sabi niya sabay hampas sa akin "Seseryoso ako kapag nakasungkit ako ng mayaman" Humahalakhak siya at bumulong sa akin "Atsaka wag mo na pakawalan yung dalawa. Ang swerte mo at mayayaman yun" Bahagya nanlaki ang mata ko at malakas kong hinampas si Farra. "Wag mo akong gayahin sayo!" Sigaw ko. Bigla napatingin sa amin ang nag aaral sa Library. Napatikom ako. "O siya! Trabaho mo na yan! May tumatawag sa akin" Nakangiting sabi niya "Boyfriend ko" Tapos humagikgik siya at umalis. Umirap nalang ako at napailing. Ang babaeng yun. Napasandal nalang ako sa mga shelves at inilabas ko ang cellphone ko. Wala siyang Text o ni tawag. Bigla gumuhit sa puso ko ang sakit. Umalis na lang siya na hindi niya ako sinusuyo o nag kaayos. Hindi ko alam kung sawa na ba siya o ayaw na niya sa akin? May tumulong luha at agad kong pinahid. Napapikit ako sa frustration na nabubuo sa kalooban ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nanatili pa rin ako sa Condo ni Gabb pero wala naman siya sa tabi ko. Tumayo ako at binilisan ang pag aayos ng mga libro. Kumuha na rin ako ng libro para basahin at matoun ang atensyon ko. "Tammy!" Napalingon ako at nakita ko si Vince na papalapit. Natatandaan ko pa rin siya. Lumapit ako sakanya at kumaway. "Vince!" Masaya na bati ko. "Musta? Balita ko sobrang busy mo na" nakangiting sabi niya. Medyo natigilan ako at napangiti nalang. "Eh ikaw? Musta buhay mo?" Tanong ko at tumingin bahagya sa likod niya. "Asan yung ipakilala mo sa akin?" Tanong ko. Natawa naman siya. "Hahaha, Dadating na yun " Sabi niya. Napasimangot ako. "Umupo muna tayo" Sabi niya. "Dito talaga sa Library? Bawal dito maingay" Sabi ko at ngumisi. Natawa nalang siya. "Ikaw talaga Tammy! Hindi ka parin nag babago" Ngumuso nalang ako. "Pero seryoso, Dito talaga sa Library?" Tanong ko, Tumawa siya saglit at sumeryoso ng mukha. "Mahilig kasi yun sa tahimik" Natigilan ako. "Huh?" Nagtatakang tanong ko. Parang imposible naman ata? Magsasalita pa sana ako ng tumayo si Vince at nakatitig sa likod. Tumayo na rin ako at baka sakali ay siya na yung girlfriend ni Vince. Pero natigilan ako. Halos tumigil ang mundo ko na muli ulit siya nakita. Bumilis ang takbo ng puso ko. Pakiramdam ko bumalik sa akin ang nga alaala na dinulot nila sa akin. Para itong fastforward na paulit ulit. "Pia. Si Tammy, kaibigan ko. Tammy, si Pia. Girlfriend ko" Pakilala sa akin ni Vince. Umangat ng tingin si Pia pero blanko ang ekspresyon niya. Sobrang amo ng mukha niya. "Maupo tayo Pia" Masayang untag ni Vince. Umupo sila sa harap ko. Nakatitig siya sa akin. "N-Natatandaan k-ko s-siya" Utal utal na sabi niya. Sumalubong ang kilay. Ano nangyare sa kanya? Nagtatanong ako na napatingin kay Vince. Umiwas siya ng tingin at ngumiti kay Pia. "Talaga? Magkaibigan ba kayo dati?" Marahan na tanong ni Vince. Umiling si Pia pero nakatitig sa akin. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. Halo halo ito. "V-Vince, U-Usap k-kami" Utal na sabi niya. Natigilan si Vince at napatingin sa akin. Tumingin siya kay Pia at hinalikan ito sa Noo. "Sige, sa labas lang ako" sabi niya. Tumango ako. Pag kaaalis ni Vince ay humarap ako kay Pia. Bahagya pa ako nagulat na umiiyak na siya. "S-Sorry" Sabi niya at pinahid ang luha niya. Bigla ako nakaramdam ng awa sa halip na galit. "A-Alam k-kong n-naaawa k-ka s-saakin. P-Pero D-Deserve k-ko t-to" Yumuko siya. "A-Alam m-mo b-bang m-may a-anak n-na a-ako?" Natigilan ako. Hindi ako makagalaw. "H-Hindi s-si K-Karl a-ang a-ama" Bigla nalang tumulo ang luha ko "N-Narape a-ako T-Tammy" Napaiwas ako ng tingin na makita siyang nasasaktan. Pakiramdam ko ayaw ko siyang makita ng ganyan. "H-Hindi a-ako p-pinili n-ni K-Karl, T-Tam" Bigla ako natigilan at napamaang. "P-Pinaopera n-niya a-ako, P-Pina-r-rehab a-at i-inalagaan a-ang a-anak k-ko" Tumulo ang luha niya hanggang sa napahagulgol siya ng tahimik. Hindi ako makapagsalita. Nanatili akong nakatitig sa kanya. Napakurap pa ako hanggang sa may tumulong likido sa pisnge ko. "P-Pasensya k-ka n-na k-kung n-nasira k-ko a-ang r-relasyon n-niyo" Sabi niya tsaka yumuko. "Kailan pa yun?" Tanong ko. Hindi ako mapakali. Hindi ko alam pero parang nagsisimula na akong maiyak. Dapat wala na akong pakialam. Dapat wala akong nararamdman. Pero sa nalaman ko ay hindi ko maiwasan mapaisip. Napamura ako. "N-Noong h-hiniwalayan k-ka" Bahagya nalang tumulo ang luha ko. Napasandal ako at pinahid ko ang luha ko. "Apat na taon ka niya inalagaan? B-Bakit" Nagtatanong na sabi ko. Ngumiti siya ng malungkot. Sobrang putla niya. Pakiramdam ko ay ayaw ko talaga siyang makita ng ganito. "K-Kasi a-akala n-niya a-anak n-niya a-ang a-anak k-ko" Napakurap ako at napaiwas ng tingin. Bakit? Sino ba nagsabi na si Karl ang tatay? Ayaw ko sakanya magalit, maliban sa sitwasyon niya ngayon ay nangingibabaw sa akin ang awa. "H-Hindi s-siya n-nagalit n-na m-malaman n-niya n-na h-hindi n-niya a-anak" Sabi niya at ngumiti. "A-Ako N-nagsabi m-mula m-magising a-ako" "Bakit mo pa sinabi?" May pait na sabi ko. Bigla siya napayuko. "H-Hindi k-ko n-nga a-alam k-kung b-bakit k-ka n-niya i-iniiwan" Nagsalubong ang kilay. "Ano ibig mong sabihin?" "S-Si R-Relyn a-ang s-sumira s-sa r-relasyon n-niyo" Napatigil ako at parang hindi ako makahinga. May tumulo na luha pero sa ngayon ay tuloy tuloy na. "A-Ano?" Napatingin sa ibang direksyon at napatakip sa mukha. "Bakit?!" Hindi ko maiwasan sumigaw. Wala na akong pakialam kung makakuha ako ng atensyon. Basta ang gusto ko lang ay mailabas ng inis at galit na bumubuo sa kalooban ko. "H-Hindi k-ko n-na a-alam T-Tammy, P-Pero m-magkapatid s-sila" Hindi ko na kakayanin. Masyado na ako maraming nalaman. Puno na ang utak at parang nasisiraan ako ng ulo! Tumayo siya at tumingin sa akin. "P-Paalam T-Tammy, S-Sana m-mapatawad m-mo a-ako" Pagkatapos niyang sabihin yun ay umalis na siya. Napatingin ako sa papalayo niyang bulto. Hindi ko mapigilan mapaluha. Pakiramdam ko parang bumalik ang sakit na dinulot nila sa akin. Masakit. Napatakbo nalang ako palabas at naghanap ng lugar kung saan ako maaaring umiyak. Napunta ako sa Garden at umupo. Napahagulgol ako at napatingin sa paligid. Sumagi sa isip ko ang alaala namin ni Karl sa mga Garden. Hindi ko maiwasan mapaiyak. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin. Hindi ko alam kung ano ang dapat ang mararamdaman ko. "Tam" Umangat ang tingin ko at nakita ko si Vince na pinagmamasdan ako. Bigla ko pinunasan ang mga luha ko. "May Alzheimer's Disease si Pia pero hanggang ngayon ay nanatili pa rin iyon" Napatitig ako sa kanya na tila may sinabi siya isang napakalaking biro. "Alam mo bang mamatay sana noon pa ang Girlfriend ko kung wala si Karl?" Tumabi siya sa akin at tumingin sa kawalan. "He saved my girlfriend and I will give anything he wants para sa kabayaran. Kapos kami sa pera at ganun din si Pia kaya walang pampaopera si Pia dahil walang sapat na pera. Ginawa ko na ang lahat hanggang sa isang araw ay nakita ko nalang si Karl na binabayaran ang mga bills sa hospital at dumadalaw kay Pia." May tumulong luha mula sa kanyang mata at tumingin sa akin. Bakas rito ang sakit "Nagtataka ako kung bakit niya dinadalaw si Pia and I found out na may nagbunga sa kanila. M-May anak s-sila" Napatakip siya sa mukha. Hindi ako makapagsalita. "Hiniwalayan ko si Pia dahil ang akala ko ay pinagtaksilan niya ako. I know Pia is smart at alam ko rin na ex niya si Karl but.. May nangyari pala sa kanila behind my back" Ngumiti ito ng mapait. "Ayaw ko nun iwan si Pia dahil sa sitwasyon niya noon pero ayoko rin maging sagabal sa magiging pamilya niya. That's what I thought back then. And two years later. Nalaman ko na nasa Rehab si Pia and that because of me" Halos matulala ako sa nalaman. "She became insane, Tammy. At dahil sa pang iiwan. Halos patayin ko ang sarili ko dahil sa malaking gago ako! Lalo na malaman ko na hindi si Karl ang ama at narape si Pia" Natulala ako habang tumutulo ang mga luha ko. Hindi ko akalain na umabot sa ganoon. Sa ganito. Wala akong naging naramdaman ngayon kundi sakit at pangungulila. Hindi ko na alam kung ano sasabihin ko. Parang nawala nalang bigla ang boung galit ko kay Karl. _______ #Pia #Ex #Heart #YearsAgo
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD