#MOE 18 - Missing

1310 Words
#MyObsessedEx __ Pagkapasok ko sa Loob ay agad ko na hinanap ang pigura ni Fara. Nakita kong may kausap ito at sa tingin ko ay masyado silang malapit sa isa't isa. Mabilis ko hinablot si Fara at hinila palabas. Gusto ko na talagang umuwi at magpahinga. Ayaw ko naman iwan tong babaeng to kahit lasing na lasing. Urgh! "H-Hey wait!" Hindi ko na pinansin ang lalakeng yun at tuluyan kami lumabas. Kumapit sa akin si Fara habang nag aabang ako ng taxi sa harap kahit alam ko na imposible yun mangyari. Gabi na kasi eh. "Sham! A-Ang shawapo neya!" Hagikgik ni Fara. Napairap nalang. Kahit kailan talaga. Ang hilig niya sa mga lalake. "Shero nashita sho shi Sharl may shahalishan" Ano daw? Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya. Ganito ba siya magsalita paglasing? "Mashashit ba?" Napatingin ako kay Fara na nahuhulog na ang tuklap ng mata niya. "Hindi kita maintindihan" Napasimangot naman siya at sumandal sa balikat ko. "Sham..Shi Sharl may babaesh" Medyo napapakunot noo ako. Ano daw? Ay ewan. Nanatili lang kami nakatayo habang pilit ko tinatayo si Fara. Grabe! Ang bigat niya! Halos mangalay ang boung katawan ko. Ilang sako ba ng pagkain ang kinakain niya at ganito siya kabigat? Nahiya naman sa kanya ang sikmura ko oh. Napatigil ako sa pag iisip na may kotseng pumarada sa harapan namin. Nakita ko pang binaba ang bintana at bumungad sa akin ang mukha ni Karl. "Hop in" Nakangiting aya niya. Napakagat nalang ako. Sa totoo nag dadalawang isip ako kung sasakay ako o hindi. Napatingin ako sa daanan at halos dumilim na ito sa paligid. Tumingin ako kay Karl na naghihintay sa pagsakay ko. Kung hindi ako sasakay ay baka mapaano kami dito lalo na wala kaming kilala dito tsaka gabi pa. Atsaka nangangalay na rin ako sa bigat ng babaeng to. _____ "Pasensya ka pala kanina" Tumango nalang ako habang nakatingin pa rin sa labas. Nasa back seat lang si Fara habang mahimbing ang tulog nito. "Pero bakit ba ganyan ang sout mo?" Napansin ko na lumingon siya sa akin tsaka binalik ang mata sa kalsada. "Si Fara nagpasout sa akin nito" Pagod na sabi ko. Sa katunayan ay ayoko na magsalita. Pakiramdam ko kasi ay pagod na pagod na ako. "Bakit ka pa sumama?" Napapikit ako at tumingin kay Karl. Napansin niya ata ang kawalan ng gana ko at pagod sa mukha ko. "Pagod ako kaya pwede bang hayaan mo lang ako magpahinga kahit sandali lang?" Hindi siya nakaimik ngunit seryoso ang mukha niya. Hindi ko sadya na sungitan siya ngunit pagod na talaga ang nararamdaman ng katawan ko ngayon. Napabuntong hininga ako at pumikit. "I'm sorry." Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at hinayaan ko ang sarili ko na makatulog. Naramdaman ko na nagsalita ulit siya pero sa ngayon ay hindi na kinaya ng sarili ko at tuluyan na natulog. _____ Nagising ako na makaramdam ako ng malakas na sipa sa aking mukha kaya napabangon ako. Para akong sinuntok dahil sa lakas nito. Napatingin ako sa paligid at napagtantong hindi ito ang kwarto ko. Mabilis ako tumayo pero bigla ako napaginhawa ng makita si Fara na katabi ko naman at natutulog pa rin. Akala ko.. Itanigilid ko ang ulo ko upang kalimutan ang namumuo sa utak ko. Napatingin ako sa salamin at napansin ko na walang ginalaw sa akin. Nanatili pa rin yung sout ko kahapon at pakiramdam ko ang lagkit ko dahil hindi ako nakaligo kagabi. Kinuha ko ang twalya tsaka yung mga damit ko na pinalit ko kahapon. Naligo ako at siniguradong walang lagkit ang nasa katawan ko. Masyado kasing mainit kanina eh. Pinawisan pa ako. Mabuti malamig ang tubig dito. Mabilis naman ako nakatapos maligo at pagkalabas ko ay nakita si Fara na hinihilot ang sintinido marahil sumasakit ang ulo dahil sa kalasingan niya. Napatingin siya sa akin at bumati. Tumango lang ako at kinuha ang suklay. "Paano t-tayo nakauwi?" Nakangiwing tanong niya. Humarap ako sa length size mirror. "Si Karl ang sumundo sa atin" Wala lang sagot ko. Nakita ko sa salamin ang paglingon niya sa akin. "Eh? Andoon din siya?" Tumango ako. Hindi na to nagsalita at tumayo. "Urghh!! Ang sakit sa ulo!" Sabi niya habang patungo sa banyo. Napatingin ako sa wall clock at maaga pa. May klase kasi ako kaya hindi pwede na wala ako. Sayang naman ang ginagastos nila mama at ate sa akin nuh. Hinintay ko pa si Fara upang sabay kami umalis. Natapos naman agad siya at ngcommute. Habang nasa biyahe ay tinanong ko siya kung may naalala siya sa ginawa niya kagabi. "Wala ako maalala. Mahina kaya ang utak ko sa Math, kaya yun pa kaya?" Pilit ko hindi umirap sa sinabi niya. Anong koneksyon yun? Siguro ganyan ang resulta kapag bagong gising ang galing sa lasing. Nakarating kami at may oras pa kami magbukas ng Library. Hindi naman kami nagkamali ay wala pang estyudante. May mga kolehiyo na rin ngunit ito ay naghihintay sa amin na bumukas nang Library. "Pasensya na kayo ha?" Pagpapaumanhin ko. Ngumiti lang sila sa akin. Tatlo kasi sila eh. Tinulungan naman ako ni Fara maglinis at pagkatapos ay nagpaalam na kami sa isa't isa at pumunta na sa kanya kanyang silid. Nakaupo na ako habang dumadami na ang mga student sa paaralan. Bumaling ako sa katabi ko at wala parin to. Kinuha ko nalang ang cellphone ko at naglaro doon. Nakuha ko lang to sa bag ni Fara bago pa kami umalis sa Apartment, Mabuti ay pinaalala sa akin ni Fara. Itinigil ko ang paglalaro na makita si Sir na nasa harapan namin. Muli uli bumaling ang atensyon ko sa tabi ng upuan at wala pa rin siya. __ Natapos ang boung umaga ay hindi siya dumating. Siguro nalasing din yun. O kaya naman may babae siya kinam-bigla ako tumigil sa paglalakad dahil sa naisip ko. "Oh? Tam may problema?" Pumantay sa akin si Fara. Umiling ako at nagpatuloy sa paglalakad. "Alam mo ba naalala ko yung lalakeng kausap ko kahapon? Ang gwapo niya tsaka mayaman pa! Bigtime ako nito Tam! Binata pa! Kalevel ko pa! Oha! Saan pa ako papatol?" Kanina pang dada ng dada si Fara ngunit isang salita lang niya ay wala akong naintindihan dahil wala ako sa sarili. Naiisip ko pa rin na posibleng may kasama siyang iba. "Pero alam mo? Nakalimutan ko ang pangalan niya. Kasi naman! Bakit ba bobo ako sa Math at pati pangalan niya ay nakalimutan ko?" Bakit ko ba pinapakialaman ang buhay niya? Diba ayaw ko sakanya? Diba matatahimik na rin ako at masaya sa piling ni Gabb? Bakit parang hinahadlangan niya ito? "Pero Oha! Nasa akin naman ang calling card niya! Oh diba? Ang talino ko. Kung hindi ko sana hiningi ang number niya edi tsugi ako? Sa kanal na ako pupulutin? No way!" Nakaupo kami at nanatili ako wala sa sarili. Hindi ko napansin ay may pagkain na nasa harap ko. Hindi ko pa nagagalaw habang si Fara ay kanina pang dada ng dada habang puno ito ng pagkain ang bibig niya. "Pero Tam sa palagay ko nakita ko si Karl sa Bar kahapon" Natigilan ako at napatingin kay Fara na nakahalumbaba at malalim ang iniisip. "Hindi ko matandaan pero ewan ko kung siya nga iyon" Tumingin siya sa akin na kunot noo "Kamukha niya ba o napagkamalan ko siya na may katulipan na ibang babae?" Takang kunot noo na parang tanong niya sa akin. Napaiwas ako ng tingin at kumain. "Eh ano ngayon kung siya nga? Edi mas mabuti" Sabi ko. Lumingon siya sa akin. "Tunog maasim.." Hindi ko pinansin ang ngisi ni Fara at lalo na ang sarkastiko nito. Inarapan ko nalang siya. Pagkatapos namin kumain ay nagbalik ulit kami sa kanya kanyang silid. Kinalimutan ko nalang ang mga pinag iisip ko kanina habang kasama ko si Fara nun at nagtoun nalang sa pag aaral. Hindi ko maiwasan na isipin na baka pumasok siya sa hapon ngunit may munting dismaya sa naramdaman ko na boung hapon ay bakante ang nasa tabi kong upuan. Kahit papaano ay parte na siya ng buhay ko noon. At may masasaya rin na pagkakataon na pinasaya rin ako. Pwede naman ata siyang ituring kaibigan diba? Kung hindi niya uulitin ang ginawa niya sa akin noon. ___ #Missing #Think #Friend
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD