#MOE 19 - Kiss

1174 Words
#MyObessedEx ______ "Mall tayo sige naa!" Umiling ako. Sa kasulukuyan ako nasa apartment ni Fara. Nag aaral ako kasi malapit na ang huling examination ngayong sem. Pagkatapos nito ay maaari na kami magbakasyon kaya sa mga huling linggo ay hindi ko namamalayan ay napakabusy ko na rin. Napangiti ako na may naisip ako. Pwede na ako magbakasyon kasama sila Nanay. Kung ipapaalam ko to kay Gabb ay sigurado akong sasama siya at ipapakilala ko siya. Excited na ako. "Sige na kasi Tam! Ngayon lang pramis!" Hindi ko pinansin si Fara. Kanina pa siya ganyan. Kinukulit ako magshopping kasama siya. Medyo napasimangot ako. Saan man ako kukuha ng pera? Nagtitipid na ako kasi pagkatapos ng sem ay magsisimula ako maghanap ng trabaho. "Eeh! Tam naman! Ito lang talaga" "Busy ako" "Lagi ka naman busy eh!" Tumigil ako sa pag aaral tsaka tumingin kay Fara. "Atupagin mo nalang kaya maghanap ng trabaho? Wala ka naman gagawin ah?" Napanguso siya. Inirapan ko nalang siya. Ibinalik ko ang atensyon ko sa libro. "Last lang naman to Tam eh. Pagkatapos nito ay maghahanap na talaga ako ng trabaho" "Eh bakit ka pa pupunta sa Mall? Magshashopping ka ba? Kapos ka na nga ng pera tsaka nakuha mo magshopping" Sermon ko. Tumabi siya sa akin tsaka ako niyakap. Napatigil ako sa pag aaral. Tumingin ako sakanya. "Makikipagkita kasi ako sa nakilala ko sa Bar eh. Doon kami magtatagpo" "Ano? Seryoso ka ba?" Tumango siya. Napabuntong hininga ako. "Bakit kasama pa ako?" Kunot noo ko. "Gusto ko may kasama eh" Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano ako? Third wheel? Isturbo lang pagkatapos magkita tapos papabayaan ako?" "Hindi! Bastaa! Sigee naaa!" Napatampal ako. Napatingin ako sa libro ko at mga notebook ko na nakakalat. "Oo na! Huli na to!" Asar na sagot ko. Mabilis naman siya napayakap sa akin dahil sa tuwa. Bigla ko naalala si Relyn. Ganito rin siya kakulit kapag hindi ko siya masasamahan pero ang masama ay lagi niya ako napapasunod. _______ KANINA pa linga ng linga si Fara na halos humaba na ito. Napatampal ako. Pinagtitinginan na kami ng mga tao. Naririto kami sa Mall pagkatapos ako kulitin ni Fara. "Ano na?" Bagot na tanong ko. Kanina pa kami dito pero yung hinayupak na lalakeng gusto makipagkita kay Fara ay mukhang nagpapababae sa tagal. =_= "Wait lang!" Tumingin pa si Fara sa kanyang phone tsaka tumingala ulit. "Andito daw siya eh!" "Fara ang laki ng Mall! Isip naman! Tanungin mo kung saan na parte o lugar kayo makipagkita?!" Napanguso siya. Naku, Hilahin ko nga yan. Nakakainis eh. "Wait lang! Tumatawag siya" Sabi niya habang nakatingin sa phone niya. Kinikilig pa ang loka. Napairap nalang ako. Naghanap ako ng bench na maaaring maupuan. Nangangalay na kasi ako. Umupo ako sa tapat ng mamahalin na restaurant na hindi kalayuan kay Fara. Nakita ko pa kung paano niya ako hanapin hanggang sa dumapo ang kanyang tingin sa akin. Natawa nalang ako. Pinagmamasdan ko nalang si Fara kasi wala naman ako gagawin dito kung hindi umupo. Kasi naman, Nasayang tuloy ang oras ko sa halip ay nag aaral ako ngayon. Nakikita ko pa mula rito ang mga bibig na lumalabas sa bunganga ni Fara. Mukhang excited makipagkita. Naku baka killer yun o sindikato. Iba na. Inilibot ko ang boung paningin ko sa loob ng Mall pero napako ang atensyon ko sa harapan ko sa mismong restaurant kung nasaan nakaupo si Karl na mukhang may kausap na matandang lalake na nakacoat tsaka may isang kaedad ko rin na kasama niya. Hindi malayo na makita niya rin ako. Pero ako mismo mula sa labas at tagos sa malinaw na salamin ay kitang kita ko siya mula rito. Nakatexudo siya ng amerikana tsaka sa tingin ko ay bagong gupit siya. Napatitig ako sakanya na makitang sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang sariling kamay. Hindi ako nagkakamali na napatingin rito ang kasama ni Karl. Nagulat ako na ngumisi ito sa akin tsaka binalik ang atensyon sa matanda. "Hi.." Naulirat ako at napatingin sa lalakeng nagpakilala sa akin. Nakita kong umupo siya sa tabi ko. Napakunot noo ako. "Sino ka?" Tanong ko sa lalake. "Ikaw ba si Fara? Ang ganda mo talaga.." Nagulat ako sa sinabi niya. Napatingin muna ako sa harap ko at bigla nalang bumilis ang t***k ng dibdib ko nang makita ang dalawang malalalim na matang nakatitig sa akin. Napaiwas ako at napabuga. Naninikip ang dibdib ko. "Hindi nga ako nagkakamali" Nabalik ang atensyon ko nang hawakan niya ang mukha ko. Napakunot noo ako sa inis. "Hindi ako si Fara" Inis na sabat ko. Tinabig ko ang kamay niya na nakahawak sa baba ko. Aakmang tatayo na ako nang hilahin niya ako. "Hindi ako naniniwala. Ikaw si Fara na magaling sa kama at masarap na halikan!" Sigaw niya. Halos manlaki ang mata ko sa sinabi niya. Napansin ko pa na napatingin rito ang mga tao sa amin. Magsasalita sana ako upang sumbatan siya ng makita siya biglang napabulagta sa sahig. "f**k!" Bigla may humawak sa braso ko at hinila papalapit sa kanya. Napatingin ako kung sino sumuntok sa lalakeng manyak na yun nang mawalan ako ng hininga na makita si Karl na malapitan. Ang gwapo niya.. "Tammy!" Naulirat ako at napalingon. Nakita ko pa kung paano nakuha ang atensyon ng mga tao. Ang iba ay napapatigil sa paglalakad dahil sa eskandalo. "Tammy sorry!" Umiiyak na si Fara sa harap ko. "H-Hindi ko alam pero hindi siya yan!" Galit na sabi niya sa akin. "Ex ko yan" Sabi pa niya tsaka nilapitan ang lalakeng ex ni Fara na manyak at sinapak ito na halos mapasinghap ang halos lahat ng tao na nanonood sa eskandalong ito. Kasama na rin ako. Lalapitan ko sana si Fara nang hilahin ako ng marahas ni Karl at sa tingin ko ay patungo sa Carpark. "K-Karl!" Medyo nagulat ako ng hindi ako pansinin. Halos kainin ako ng sarili kong hiya na makita ang mga taong napapatingin sa amin. Siguro dahil marahas ang pagkakahila niya sa akin. Nang makarating kami sa Carpark ay halos masaktan ako nang isandal niya ako sa kotse niya at sinunggaban ako nang malalalim na halik. Halos mapapikit ako at napakurap. Mabilis niya ako hinapit papalapit sa kanya at pinapailalim pa ang kanyang halik dahilan mapapikit ako. Ramdam ko mula rito ang kanyang emosyon at pagkamiss. Napakapit pa ako sa kanya ng maramdaman kong nanghihina ang tuhod ko sa ginawa niya. Hindi ko magawang makapagisip dahil sa palagay ko ay bigla nalang nawala ang iniisip ko at nablanko nalang. Tumigil siya sa ginagawa niya tsaka sumandal sa aking noo at nagmulat. "Shit." Nakapikit lang ako habang niraramdaman ang kanyang mainit na hininga habang nakasandal at nakakapit sakanya. Napahabol ako sa sarili kong hangin. "s**t. I miss you so fuvking much.." Bigla ko nalang minulat ang aking mata. Bumungad sa akin ang pangungulilang emosyon at lungkot. Doon ko napagtantong ang malalaking eyebag niya at malalalim na mata. Sa tingin ko ay hindi siya nakatulog ng maayos. Hinawakan niya ang pisnge ko habang mataman niya ako tinititigan. "Ikaw lang Tam.. Ibibigay ko ang lahat ng meroon ako para makuha ka Tam. H-Hindi ko kaya" Sa bawat bigkas niya ay pahinang pahina na. Hindi ko magawang umiwas ng tingin. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. "K-Karl.." "Mahal na mahal kita Tam.." May kumirot na kung ano sa kalooban ko na makitang may tumulong luha mula sa kanyang mata. "Mahal na mahal kita.. Sobra.. H-Hindi ko kaya.." _______ #Love #Kiss #Pain
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD