#MyObsessedEx
Hindi ko mapigilan na sabunutin ang sarili kong buhok dahil sa galit at pag sisisi ng nararamdaman ko ngayon. Tuloy tuloy parin ang pagtulo ng luha ko.
Bakit ko iyon nagawa?
Pinagtaksilan ko si Gabb! Ang Gabb ko na walang kamalay malay. Ang tanga ko lang. Napakatanga para madala sa kanya. Tumulo ulit ang luha ko dahil pakiramdam ko ay sobrang sirang sira na ang araw ko. Bakit pa siya dumating?! Ano ba'ng kailangan niya?! s**t! s**t! s**t!
"OH MY GOD!"
Bigla akong nanghina ng makita si Relyn na gulat na gulat ng makita ako sa ganitong posisyon at sitwasyon. Bigla niya akong nilapitan at niyakap. Doon ako napahikbi at umiyak ng umiyak sa galit sa sarili.
"Shhh...Tama na. Ano ba'ng nangyari?" Nag aalalang sabi niya at humiwalay sa akin. Bigla niyang inayos ang buhok ko at tumingin sa akin. "Naghiwalay ba kayo ni Gabb?" Concern na untag niya. Mabilis akong umiling.
Hinding hindi 'yon mangyayari.
"Eh bakit parang super depress ka ngayon?" Napakagat ako. Natatakot ako. Hindi dahil sa walangyang Karl na 'yon. Natatakot akong malaman ni Gabb sa nangyari kanina. Pa'no kung sabihin ni Karl kay Gabb? At hihiwalayan--
"H-Hoy! 'Wag kana'ng umiyak! Ako ang natatakot sayo eh. Ano ba'ng nangyari ah? Tama na"
Nakita kong niyakap ako ng mahigpit ni Relyn. Kahit sabihin niyong mababaw man 'yon o hindi ay hindi ko mapigilan na magsisi sa kahibangan ko na nagawa.
"Pumunta dito si Karl"
Napansin kong biglang nanigas si Relyn at hinarap akong nanlalaki ang mata. Bakit ganon ang reaksyon niya? Gusto kong magtaka ng makita ang reaksyon niya.
"ANO?! Bumalik siya?! Si Karl? Mismo?! Omygod!" Hindi makapaniwalang sabi niya. Bigla ako napatigil sa hikbi at iyak. Gayon ay napalitan ng pagtataka at tanong mula sa akin.
"Akala ko ba ay matagal mo ng alam?" Nagtatakang tanong ko. Bigla siyang napatingin sa akin na nagtataka rin.
"Huh? Alam? Matagal? Haller?! Busy kaya ako sa trabaho ko nuh! Atsaka hindi ko naman malalaman 'yon kung hindi mo sinabi." Para akong natigilan. A-Anong? "At pumunta talaga siya dito sa apartment mo Tam?"
Hindi ko malaman na dahilan ay para akong napako. Pero napansin kong naghihintay ng sagot si Relyn kaya tumango ako.
"Ano'ng ginawa niya sayo?!"
Gusto kong matawa at mapangiti pero sa ganitong sitwasyon ay nagsisimula na akong matakot at mangamba.
"W-Wala ka ba'ng tinext noon kay K-Karl na kahit a-ano?"
Bigla niya akong hinawakan sa magkabalikat at hinarap niya ako sa kanya.
"May sakit ka ba?" Nagtataka niyang sabi sabay hinawakan ang noo ko. "Ikaw na mismo'ng bumili ng bagong sim para sa akin diba? Sabi mo pa nga it's for private family lang. No boyfriends and guy friends."
Napaawang ako sa gulat at bilis na tumama sa sistema ko ang pagkatakot at pangangamba. P-Pero kung ganon ay pa-paano niya nalaman ang- bigla bumalik sa akin ang mga pinagsasabi niya sa akin.
"Sinabihan ako ni Relyn na puntahan ka rito kasi wala kang kasama"
"Ano pa ba ang silbi ng mensahe na pinadating ni Relyn sa akin kung maghahanap ka pa ng ibang magpapahatid sayo?"
"Tinext sa akin ni Relyn"
Biglang nanigas ang katawan ko ng napagtanto kong isang napakasinungaling ang mga pinagsasabi niya sa akin. Sa Library. Nagtataka ako kung papaano umabot 'yon sa ilalim ng history Books? Sa Lugar. Pa'no niya nalaman na nasa Library ako sa gayon ay gabing gabi na. Sa Apartment ko. P-Paano niya nalaman ang A-Apartment ko.
Para akong kinapos sa hangin. H-Hindi kaya..Planado niya ang lahat ng 'yon? B-Bakit. Bakit? Bakit ang tanga ko? Bakit 'di ko maisip na simula palang ay ako lang na mismo pala ang nakakaalam sa numero ni Relyn. B-Bakit parang.
"AAAHHH!!!"
Hindi ko na talaga mapigilan na sabunutan ang sarili kong buhok. Pakiramdam ko naiiyak nanaman ako. Bigla ulit akong niyakap ni Relyn at hinimas ang likod.
"Tahan na.Best. Ako ang nasasaktan sayo eh. Matulog ka na muna. Alam kong sobrang pagod ka na"
Biglang bumigat ang hininga ko sa halip ay umiyak pero hindi ko alam kung ano'ng meron sa salita ni Relyn at napatulog ako.
______________________________________
"Urgh.."
Biglang may humila sa akin at marahas na hinalikan ako.
"AKIN KA"
Bigla ako namutla at nangamba ng siraan niya ang natitira kong sout. Gusto kong umiyak ng umiyak pero hindi ko magawa dahil parang may isang bagay na tumakpan sa bibig ko.
"Akin ka lang sabi eh. Bakit ba ayaw mo akong mahalin gaya ng dati ah? My ko?" Malambing na sabi niya habang may isang emosyon na bumuhos sa kanyang mukha. Lungkot.
Pero umiling ako. Umiling ng umiling kahit ulo ko lang ang kaya kong galawin maliban sa dalawa kong kamay at paa na naka-kadena.
Si Gabb. Lang. Siya lang.
"Pwes. Akin ka. Kahit kasal na kayo. Hindi ako titigil sa kakaangkin sayo sa likod ng...." Pangbibitin niya kasabay ang emosyon na lumabas sa puso ko. "Pinakamamahal mong lalaki" Muling tumulo ang luha ko.
"Akin.ka.Mahal na mahal ko"
____
"UHHHH!!"
Bigla ako napabalikwas kasabay ang mga tagaktak na pawis mula sa noo ko. Ramdam na ramdam ko ang bilis ng takbo ng puso ko. Bangungot. Isang napakasamang bangungot.
"TAM?! Okay ka lang?!"
Napatingin ako kay Relyn na sobra ang pagkakabahala at takot para sa akin. Isang pilit na tango ang ginawa ko pero tinaydor lang ako ng mata ko dahil unti unting tumulo ang luha ko.
"Tam naman! Tama na pwede ba? Nagtitiwala ako sayo na mahal mo si Gabb diba? Bakit siya nalang ang isipin mo?"
Bigla ako napatigil at napatingin kay Relyn. Para akong tinusok sa pagkakatama niya. Tama siya. Bakit ko ba iniisip ang lalaking 'yon? Alam ko naman sa sarili ko na mahal na mahal ko si Gabb. At walang sino man ang makakahadlang o papalit.
"Ito nalang Tam. Lumipat tayo ng apartment" Seryosong sambit ni Relyn. "Sa akin ka nalang titira. Pero hindi siya apartment. Isang tahanan siya at alam kong magiging komportable ka" Isang nagsusumaong sabi ni Relyn.
Umiling ako "Hindi, okay lang ako Lyn. Baka magiging--"
"Pabigat?! Kailan mo ba iisipin ang sarili mo Tam?! Kahit hindi ko alam ang boung pangyayari sa inyong dalawa ni Karl ay ako na ang natatakot sayo!" Gusto kong maiyak sa pag aalala niya. Bigla kasi tumaba ang puso ko. Ang swerte ko lang ay nakilala ko si Relyn.
"Pero Okay lan--"
"Damn it! Hindi ka pa natitinag Tam?! Sa bangungot mo'ng kanina ay hindi pa ba sapat 'yon?! Bakit ang hirap mong pasunodin sa ikaliligtas mo!"
Hindi ko naman nakaya ay napahikbi ako.
"Kahit anong pilit mo akong pagtabuyan ay 'di ako aalis. Unless you decided to go with me. I'm your bestfriend" Madiin na bawat salitang binitawan niya.
Napabuntong hininga ako. Hindi ko mapigilan mapaisip. Siguro tama siya. Hindi imposible na bumalik nanaman ang lalaking 'yon at baka mas masahol pa ang gawin niya sa akin. Bumalik ulit ang takot at pangamba sa katawan ko
Nagsimula na akong mag ayos at naligo. Pagkatapos kong maligo ay inayos ko na lahat ng gamit ko kaya bigla napatayo si Lyn.
"You go with me?!"
Hindi makapaniwalang tanong niya. Pilit na ngiting tango ko.
"Siguro tama ka. Baka balikan niya ako sa mas masahol na paraan" Natatakot na untag ko.
"You did the right choice Best. Don't worry. May guard do'n" Nakangiting sabi niya. Tumango ako at muling nag ayos. Tinulungan ako ni Best na mag impake sa gamit.
At sana hinihiling ko na hindi kami masundan ng lalaking 'yon dahil baka 'di ko kayanin ay kakasuhan ko siya.
Mga ilan ang gamit ay 'di ko dinala. Ang mga importante lang ang mga pinagdadala ko. Pagkatapos ay nag paalam kami sa manager at bumayad.
Ipinasok ni Relyn ang mga gamit ko sa kotse niya. Hindi mayaman si Relyn ngunit nakuha niya ito sa pag iipon niya. Ganyan kasi kasipag ang bestfriend ko eh.
Ilang minuto lang nawala ay muli kami nakarating sa bahay ni Relyn kaya napatingin ako sa tahanan niya. Kahit kailan ay hindi pa ako nakapunta sa bahay niya dahil na rin sa sarili kong pag aaral para makapagtapos.
"Pasensya ka na kung maliit"
Sabi niya habang pumapasok na kami. Ngumiti ako at sinabing okay lang pero nagpasalamat ako.
Iginaya niya ako sa magiging kwarto ko at nahihiya naman siya ulit nag paumanhin dahil maliit daw.
Pagkalabas ni Lyn ay hihiga sana ako sa kama ng...
Kring...
Kinuha ko ang cellphone ko at binasa. Parang bigla nawala ang stressed ng nararamadaman ko kanina ng mabasa ko ang pangalan ni Gabb.
"Hon? Napatawag ka?" Nakangiting bati ko sakanya.
["Hon.."]
Bigla ako kinabahan sa kanyang tono. A-Anong problema?
["Hon.. I am so sorry.. Baka next month ako makakapunta d'yan"]
____
#Bad
#Dream
#Bestfriend
#Number
#Realized