"MORNING, Boss." Bati ni Felix kay Rheenabelle nang makita niya itong pumasok ng restaurant. "Morning." Nakangiting bati ng dalaga sa kaniya. "Ang aga mo, ah." "Syempre naman. Mahirap na ang mabawasan ang sweldo." Natatawa niyang saad. Napailing si Relle. "Kahit naman hindi kita swelduhan hindi ka maghihirap. You have companies remember." Felix just smiled. Napatingin naman si Relle sa taong pumasok sa restaurant. Napatingin siya sa suot na relo. Hindi pa naman opening hour ng restaurant pero bakit my customer na? Pero kung customer, bakit may hawak itong isang bouquet ng bulaklak? Napatingin naman si Relle sa paligid. Ah, siguro isa mga chef ang pagbibigyan nito. "Excuse me, Ma'am." Sabi nito. "Yes, Sir? Pasensiya na po." Sabi ni Relle. "Hindi pa po kasi opening hour ng restaurant