NAPATIGIL sa paglalakad si Felix ng may makita siyang grupo ng mga estudyante na may binubugbog rin na isa pang estudyante. Napailing si Felix. "Mga kabataan talaga ngayon, oh." Aniya. Naglakad siya palapit sa mga ito. "Mga bata, ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo?" Pag-agaw niya sa atensiyon ng mga ito. "Hoy! Huwag kang makialam dito!" Maangas na sabi ng isa na mukhang ito ang lider at tinadyakan ang binatang nakahiga sa semento at dumudugo ang mukha. "Ano bang ginawa niya sa inyo at binubugbog niyo ang lalaking 'yan?" Tanong ni Felix at namulsa. "Sabi ng huwag kang makialam, eh!" "Mga pare, naghahanap yata siya ng sakit sa katawan?" "Mukhang gusto niyang matulad kay Clark." Kumunot ang nuo ni Felix. "Alam niyo, mga bata, imbes na nandito kayo at guma