PABALING-BALING si Felix sa kama. Hindi siya dinadalaw ng antok kahit na anong gawin niya. Ang paghalik na lang sa kaniya ni Relle ang nasa isipan niya. Ano bang meron sa halik na 'yon at hindi ito mawala sa isipan niya? Bumangon si Felix. Kumunot ang nuo niya at napabuga ng hangin. "Ano bang nangyayari sa akin?" Tanong niya sa kaniyang sarili. "It was just a kiss. Wala namang ibig sabihin 'yon pero bakit hindi mawala sa isipan ko. Anniza, what will I do? It seems that I am falling for Rheenabelle." Umupo siya sa gilid ng kama at napasuklay sa sariling buhok. Tumingin siya sa orasan at nakita niyang hating-gabi na pala. "Darn it!" Sinuntok niya ang unan at tumingin sa labas ng bintana ng kwarto niya. Nakita niyang bukas pa rin ang mga ilaw sa bahay ni Rheenabell