"BOSS, may bisita kayo." Sabi ni Lorenz kay Russell. "Sino?" Tanong ni Russell habang abala sa harapan ng folder na binabasa. "Tito." Kaagad na napaangat ng tingin si Russell. "Luke?" "Yes, it's me, Tito." Lumapit ito sa kaniya. "Kailan ka pa dumating?" Tanong ni Russell at ibinaba ang hawak na folder. "Noong nakaraang araw, Tito. Kumusta na po kayo ni Tita Yvette?" "We're both okay." Sabi ni Russell. "Napadalaw ka dito?" "Opo." Ngumiti si Luke. "Pupuntahan ko po sana si Relle sa Baguio pero naisipan ko pong kayo po muna ang kakausapin ko." "Hmm...mukhang importante ang gusto mong sabihin." Ani Russell. Tumango si Luke. "Yes, Tito." "Ano ba 'yon?" Tanong ni Russell. "Gusto ko pong pakasalan si Relle." Sabi ni Luke na ikinatigil ni Russell. "What?" "Yes, Tito. Mahal ko po ang