NAPAHAWAK si Relle sa sariling labi. Felix kissed him earlier. Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Napabuga siya ng hangin habang palakad-lakad sa loob ng sariling opisina. Hindi mawala sa isipan niya ang paghalik sa kaniya ni Felix kanina habang pinapakain siya nito ng lunch. "Argh!" Ginulo ni Relle ang sariling buhok at ibinagsak ang sarili sa sofa. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang kaniyang Mommy Yvette. "Mommy!" Kaagad niyang sabi ng masagot nito ang tawag. "Oh, bakit, anak? Napatawag ka?" "Mommy, kasama mo ba si Daddy?" Tanong niya. "Hindi. Nasa kumpanya ang mga 'yon kasama ang mga kapatid mo." Sabi ni Yvette na nasa kabilang linya at kumunot ang nuo. "May problema ba, anak?" "Mommy, hinalikan niya ako." Sumbong niya rito. "Sino?" "Si Felix, Mommy. May iba pa ba?"